Chapter 27: I'm sorry

225 6 0
                                    


Nanginginig ang buong katawan ko habang papalapit sa burol ni Candice. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na wala na siya. Sobrang nakakagulat.

Inakbayan ako ni kuya Max. Buong pamilya kaming pumunta sa burol niya para makiramay. Magkaibigan din si mama at mommy ni Jaice at Candice. Kaya hindi rin maiwasan ng pamilya ko na malungkot at maiyak sa nangyari.

Sinadya namin na sa mismong libing na kami pumunta. Sabi kasi ni mama ay ngayon na lang daw kami pumunta dahil hindi niya daw kayang makita si Candice na nasa ganoong kalagayan. Ngayon ko lang din kasi nalaman na inaanak pala siya ni mama. Hindi ko alam dahil hindi naman nasabi saakin ni mama at katulad ni Laice ay laking ibang bansa din siya..

Halos lahat yata ng tao dito ay mga estudyante na lagi kung nakikita sa University. Karamihan ay ang grupo ng cheering squad ng Anderson University. Naaawa ako sa kanila dahil noong buhay pa si Candice ay halos wala silang kinakatakutan. Hilig nilang manakit at mambulas ng kapwa estudyante especially sa mga tinatawag nilang 'loser and 'weak which are the nerds and loners. But now look at them, para silang sinapian ng kung ano dahil hindi mo akalain na ang katulad nila ay umiiyak din pala.

Hanggang ngayon wala parin ang sa tamang huwisyo. Hindi kasi ako makapaniwala na sa isang iglap ay nawala na siya. Dati, iniinda ko pa ang mga sabunot niya at sampal saakin but now, malalaman ko na lang na wala na siya.

Naiintindihan ko na ngayon ang lahat. Alam ko na bakit ganoon ang trato saakin ni Candice. Mahal na mahal niya si Laice, ayaw niyang may kumukuha ng kung ano ang sakanya. She was just jealous that time... At nagpapasalamat parin ako na hindi ko siya pinatulan, kailan man hindi ko siya sinaktan because she deserve that.

Ang sabi saakin nila kuya at mama ay bata palang dala na ni Candice ang sakit niya. 'Yung tipong bawal siyang mapagod ng sobra, ganoon din sa pagiging masaya. Hindi pwedeng maging emotional sobra dahil hindi kakayanin ng puso niya. Pwede siyang atakihin ano mang oras at iyon ang dilikado. Sikat siyang cheerleader sa University. 3rd year college na siya and she's a medicine student , kaya lagi silang magkasama ni Laice dahil nasa iisang building lang sila. Sabi ng mommy niya ay dapat magpagamot na siya sa ibang bansa, tutol din ang family niya sa pagsali niya sa cheering squad dahil makakasama daw sa kanya pero wala din daw silang nagawa dahil gusto 'yon ni Candice.

Madalas na din daw siyang atakihin nitong nakaraang buwan at kaya ganoon na lang and itsura ni Jaice dahil puyat sa kakabantay sa Ate niya sa Hospital at wala akong kaalamalm that time dahil weeks din akong wala sa University dahil nagkasakit ako.

"Lil sis, let's go? " napatingin ako. kay kuya Justine ng tawagin niya ako. Bakas din sa mga itsura ng mga kuya ko ang awa at medyo guilt. Gusto kung magalit sa kanila dahil isa sa mga naging babae nila ay si Candice and they aren't aware na may sakit pala ang babaeng pinaglalaruan nila.

"Ahh--s-sige kuya " nauutal kung sabi. Sumabay saakin sa paglalalad si kuya Jacob. Naunang maglakad sila mama at papa tapos nasa likod namin sila kuya Max at Justine. Nasa tabi ko naman si Chesca na sobrang tahimik.

Nagdadasal pa ang pari. Pumasok kami sa tent dahil sobrang init dito sa Heritage park. kita ko naman mula dito si Jaice na nakaupo sa harapan. Nakatulala siya at nakatingin sa kawalan. Nakaramdam na naman ako ng awa kay Jaice. Lalo ng maalala ko ang nangyari noong gabing 'yon. Tinawagan ko pa si Andrei para ihatid si Jaice sa kanila dahil ayaw na niyang umalis sa harap ng University dahil sa sobrang panghihina. At tandang tanda ko pa ang hindi ring pagsipot ni Laice saakin that night.

Hanggang sa lumipas ang mga araw ay hindi ko siya nakita. Walang tawag o text man lang from him and then I remembered  again. 'Wala nga palang kami..... '

In the name of loveWhere stories live. Discover now