Chapter 26: Trust

199 5 0
                                    

( Now playing : Invisible by : Hunter Hayes)

"Sino nga ba? "

Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko habang kumakain sa cafeteria at nanonood kanila Laice. Bakit niya ito ginagawa saakin? Sabi niya mahal niya ako pero kung makipaghalikan siya kay Candice wagas ultimo tumingin man lang saakin hindi niya magawa. Bakit hanggang ngayon sila pa ni Candice, e, kung ang mahal naman niya ay ako?.

Hindi ko maiwasang isipin na hindi na rin ako gusto ni Laice na si Candice na ang gusto niya pero pilit kung pinanghahawakan ang salita niya. Gusto ko 'yun ang magsilbing patunay na mahal niya ako at hindi si Candice ang gusto niya pero sa nakikita ko ngayon ako pa ang nagmumukhang mang-aagaw kung ako naman itong gusto ni Laice at hindi siya.

Kaya hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko na sino nga ba ako sa kanya? Ano nga ba ako sa puso niya? ...

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Laice at sa nararamdaman niya, pero napapaisip talaga ako kung bakit sila parin?.. Hindi ba niya alam na nasasaktan ako?. Syempre, Hindi ko alam  kung anong meron saaming dalawa, parang kami pero hindi at ang gulo kung baga sa status ko sa facebook 'It's Complicated '.

Nasasaktan ako kasi wala akong karapatang magselos. Hindi ko naman mapipigilan 'yon pero hindi ko lang kayang ipaglaban . Walang kaming at ang sakit isipin na hindi pa pala pwede dahil mayroong ibang parte saakin na maaaring mawala ang feelings ni Laice saakin at mailipat ito kay Candice.

Sabi ni Laice. 'Lunch' pero iba ang nadatnan ko dito. Pinagtritripan niya ba ako?. Nagpatuloy ako sa pagkain ko. Ang hirap lunukin ng kinakain ko dahil hindi mawala sa paningin ko sila Laice. Nagsusubuan pa sila at hindi man lang pinapansin ang mga matang nakatingin sa kanila. Sobrang sakit na nito Laice, please... Wag naman ganito.

Lumipas ang minuto pero nanatili parin ako dito. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Ang sakit sa mata kapag nakikita ko silang magkasama. Selos na selos na ako... Dapat ako 'yan eh. Dapat ako ang kasama ni Laice at hindi siya. Pero anong magagawa ko?. Girlfriend siya ni Laice samantalang ako ay wala lang?. I have no right!. Walang kami. Mahal namin ang isat-isa at ang status namin ay MU.. What the fuck!. Just fuckit!.

Napako ang tingin ko kay Jaice na papalapit saakin. Kumunot agad ang noo ko dahil sa itsura niya. Magulo ang buhok. Ang lalim ng mata niya dahil sa eyebags at mukha siyang pagod at kulang sa tulog. Kinabahan ako bigla. Umupo siya sa harap ko. May dala siyang tray at ang dami niyang order. Para bang ilang araw siyang hindi kumain.

"Hey! " bati niya saakin. Ngumiti ako at kumaway. Nahihiya parin kasi ako sa kanya.

"Are you okay? " saad ko sakanya. Tumigil siya sa pagkain. Ngumiti siya ng bahagya. Ang tamlay niya.

"Yup! " sagot niya pero hindi ako kumbinsido. Sa itsura niya ngayon mukhang hindi niya ako maloloko. Binalingan ko ng tingin sila Laice at Candice. Tinitigan ko ng mabuti si Candice. Kumunot din ang noo ko ng mapansin na ang laki pala ng pinayat niya. Medyo namumutla din siya at parang hinang-hina. Sunod na tiningnan ko si Laice.... Wala namang nagbago sa kanya maliban na lang sa eye bags niya na katulad kay Jaice.

"Trust him, he always have a good reason so don't worry "

Napalingon ako kay Jaice ng bigla siyang nagsalita.

"Huh? "

Ngumiti siya tapos ginulo ang buhok ko.

"Just Trust him, okay? " sabi niya ulit. tumingin ulit ako sa kanila
Kung si Laice ang tinutukoy ni Jaice siguro nga ganoon ang dapat kung gawin. Kilala ko si Laice, dapat hindi ko siya pinapangunahan baka kasi may dahilan kaya niya ito ginagawa pero hindi ko parin maiwasang hindi magselos.

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon