Chapter 8 : Sorry

253 8 0
                                    

Nagmadali akong pumasok sa University. Sinadya kung maagang pumasok para makausap si Jaice. Kailangan ko kasing magpaniliwanag kung bakit hindi ako nakapunta kahapon sa birthday niya.

"Athyla, ang aga mo ah " panimula ni Andrei ng magkasalubong kami sa hallway. nagkakamot pa siya ng ulo niya tapos ang gulo ng buhok niya.

" Hoy! Mokong ka! Bakit hindi mo ako sinundo kahapon ha!? " pagtataray ko agad sa kanya. Kung dumating lang sana siya ng maaga ede sana hindi ako napunta sa ganung sitwasyon kahapon.

Lumapit siya saakin tapos inakbayan ako. tumawa siya ng mahina yung tipong nahihiya.

"Sorry. Nalasing kasi ako eh" siniko ko siya tapos tinulak ng mahina.

"Ang galing " sabi ko sabay palakpak. walang duda na magkaibigan sila ni Kuya. parehas sila ng Gawain sa buhay. Nakakainis.

"Bakit pala ang aga mo? " pag-iiba niya ng usapan.

"Hinahanap ko si Jaice " diretso kung sabi sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko. tsk. parang hindi naman nasanay ito si Andrei lagi ko namang hinahanap sa kanya si Jaice.

" Nasa gym " sabi niya sabay turo sa baba . tumango ako at nagpaalam. hindi na ako nagpaalam kay Laice na maaga akong aalis para lang maka-usap si Jaice. Pag ginising ko pa si Laice sigurado akong pagtatawanan ako ni loko kasi nakatulog ako sa kwarto niya tapos siya yung natulog sa guess room. Nakakainis tuloy kasi sinabi ko kagabi na hindi ako matutulog sa kwarto niya siguro tawa ng tawa yun saakin kagabi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sobrang aga pa ang 8am para saakin dahil 5pm pa ang pasok ko. Naninibago na nga ako sa sarili ko kasi madalas maaga na akong nagigising. Minsan gingising ako ni Laice pero madalas ako na yung naghihintay kay Laice na dumating sa bahay.

Dumaan ako sa building nila Kuya. dito kasi ang daan papuntang gym. Ito ang pinakamalapit na daan. Hindi na rin ako nagulat na puro babae and nakapalibot sa kanila. hindi ko na lang sila tinawag dahil naiinis lang ako. Inis na inis talaga ako sa mga babaero lalo na kay Laice. parang damit kung magpalit ng babae.

Agad akong pumasok sa gym pagkadating ko. nilibot ko ang paningin ko para makita si Jaice at nakita ko siyang naka-upo sa isang sulok may hawak siyang laptop. naka pants. and brown T-shirt. Walang katao-tao kaya perfect timing para makapag-usap kami . hahaha! shit ito na naman ang puso ko parang sasabog. hindi pa nga ako nakakalapit ng tuluyan sa kanya nagwawala na si hearty. Gosh. Paano kaya pag naging kami? Baka mahimatay ako sa sobrang kilig. Ayieee.

' Don't expect too much. Don't assume too much. Don't love too much because too much can hurt you so much ' .

Anak ka ng tatay mo Laice! Bakit ba bigla bigla na lang sumusulpot sa utak ko ang words of wisdom mo? . Wala ka nga dito  pero pakiramdam ko andito ka at pinagsasabihan ako. Argg! naalala ko na naman yung first kiss ko na kinuha niya. hindi ko matanggap na siya ang first kiss ko. Anak ng tokwa talaga!.

"Athyla " napakurap ako ng tawagin ako ni Jaice. bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapit siya saakin. Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila para mapaupo ako sa tabi niya. Mygosh! sobrang kinikilig ako tapos pulang pula na yung pisngi ko.

"Why are you blushing? " tumingin siya saakin. Hindi ko alam kung titili ba ako o hindi. Bakit niya ba tinanong? Manhid ba siya? Hindi pa ba halata na high school pa lang ako patay na patay na ako sa kanya? .

"Ahh....mainit kasi " I lied. yumuko ako. ngayon ko  lang nakausap ng ganito si Jaice. Sobrang sarap pala sa pakiramdam na hindi ka sinusungitan ng Crush mo. Yung kinakausap ka niya at hindi dine-deadma. Ang sarap pala sa feeling. Nakakamatay sa kilig.

"Gusto mo lumabas tayo? " napahawak pa siya sa batok niya dahil sa hiya. patago akong tumawa. Bakit ang gwapo niya?.

"Ah eh wag na "  kahit ako nahihiya. "Gusto  lang kitang maka-usap " sabi ko sabay iwas ng tingin.

In the name of loveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora