Chapter 25: AHHHHHH!!

237 7 0
                                    

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit. minulat ko ang mga mata ko at agad namang sumalubong saakin ang sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana.

Pakiramdam ko pasan ko ang buong mundo dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko rin ang panunuyo ng lalamunan ko at ang init ng katawan ko.

Ginala ko ang paningin ko sa kabuuhan ng kwarto. Ang ayos. Ang itsura. Ang amoy ay kakaiba. Parang pamilyar pero nasisiguro kung hindi saakin ito.... Hell hindi akin ang kwartong ito?!!.

Pinilit kung bumangon hanggang sa maramdaman ko na may mga brasong nakapulupot sa bewang ko. may nakapatong na paa sa binti ko at may mainit na hininga akong nararamdaman sa leeg ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko at isa-isang pumapasok sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi... Napalunok ako.

"AHHHHHHHH!!!!! "

Ang naalala ko ay bigla akong nahimatay kagabi dahil kay..

"AHHHHHHHHHHHH"

tapos, tapos, na-nasa ibang kwarto ako and if I'm not mistaken ang kwartong ito ay kay....

"AHHHHHHHHHHHH"

tapos, tapos, ang ka-katabi ko sa pagtulog ay si.......

"AHHHHHHHHHHHHH"





Nakaramdam ako ng paggalaw. gumalaw ang katabi ko at nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakakunot ang noo niya tapos magkasalubong ang kilay na nakatingin saakin. Bigla akong namula at napa face palm.

"AHHHH-------"

*TSUP......*

Pakiramdam ko ay mailuluwa ko na ang mga mata ko dahil sa ginawa ni Laice. Hinalikan niya ako sa lips? .....

*lub. dub. lub. dub. *

"Good morning, baby.. Why are you shouting? May problema ba?

Napalunok ako at parang may kung anong kakaibang bagay ang gumagalaw sa tyan ko.

"AHHHHHHHHHHH! "

ginulo-gulo ko ang buhok ko kaya mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Hey! " nag-aalalang sabi ni Laice. Sisigaw sana ulit ako ng biglang bumukas ang pinto at hindi ko alam ang gagawin ko ng makita si Tasha, Tito and Tita Sandra na mukhang kinakabahan.

"Hija, why are you shouting? " ani Tito. binalutan ako ng hiya at parang gusto ko na lang magtalukbong ng kumot.

Narinig ko ang pagtawa ni Tito at Laice.... Omg! Pinabayaan nila kaming matulog sa iisang kwarto tapos magkatabi pa kami?. okay lang sa kanila? What the heck!.

"I'm not feeling well po " sabi ko sabay talukbong ng kumot. nagtawanan silang lahat. Ano ba ang nakakatawa?. May nakakatawa ba sa sinabi ko?.

"Rest ka na po, Ate " malambing na sabi ni Tasha at mahinang tumawa. Grabe nakakahiya na ito. Mas lalong sumasakit ang katawan ko dahil sa ginagawa nila. Buti hindi pa ako namatay pagkatapos ng ginawa ko kagabi at hindi ko alam kung anong sasabihin ko kanila kuya ,mama at papa ang lahat ng nangyari.

"Laice, lumabas ka na! hindi ka naman natulog kagabi sa kwarto mo, kanina ka lang lumipat para yakapin si Athyla! " ani Tita Sandra. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig ko... Salamat naman. Akala ko talaga pumayag sila eh sigurado akong mapapatay ako ng mga kuya ko kapag nagkataon.

"Mommy naman! " sigaw ni Laice. Napairap ako! Mukha siyang bata... tsk.

"It's okay son! " pang-aasar ni Tito na ikinatawa nilang lahat. Napailing na lang ako habang nakatalukbong parin ng kumot. Ibang klaseng pamilya ito. Mas malala pa kaysa saaakin.

In the name of loveWhere stories live. Discover now