Chapter10: My wishlist

260 15 2
                                    

hindi ako mapakali habang nakatingin sa salamin. Ilang oras na lang ay susunduin na ako ni Jaice. Oo susunduin ako ni Jaice dito mismo sa bahay.

Nakapamewang akong nakatingin sa mga damit na nakalatag sa kama ko. Alin kaya dito? yan ang paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. nakakainis kasi sobrang naco- conscious ako sa itsura ko. Argg! ganito pala ang feeling ng first date. First date sa ultimate crush ko kyhaa! nakakakilig. Sobra.

Napatingin ako sa study table ko ng mag ring ang phone ko. kinuha ko ito . Laice is calling . Pinabayaan ko na lang at hindi sinagot. naaalala ko pa rin yung nangyari kagabi. hindi ako makapaniwala na umiyak talaga siya. Nasaktan ako sa inasal niya pero alam kung naging rude ako sa kanya. hindi ko dapat sinabi 'yon dahil alam kung mabilis masaktan si Laice. matampuhin siya at maramdamin. ka-unting masasakit na salita lang ang nasabi mo ay masasaktan na agad siya pero hindi naman hahantong sa iiyak na.

Kaya hindi ko mapigilang maguilty dahil masakit na makita ang best Friend mo na umiiyak.  Lalo na sa harap mo.

Pagkatapos  kung mag-ayos ay hinintay ko muna si Jaice sa baba. Maaga pa kaya hihintayin ko na lang siya. Ang weird talaga ng nararamdaman ko ngayong araw parang kinakabahan ako na ewan. Ganito siguro talaga ang feeling kapag first date.

Kinuha ko yung phone ko. Hindi parin tumitigil sa pagri-ring. puro Laice ang pangalan na nakikita ko sa phone. the missed calls. and Texes. hindi ko alam kung dahil ba sa hang over kaya kinukulit niya ako. Maaga kasi siyang umalis dahil may practice sila ng basketball kasama sila kuya. pero asa naman akong nasa school 'yun . kapag may hang over siya matutulog lang yan sa practice niya o kaya naman magkukulong sa kwarto niya. Psh!.

"Ate , may lakad ka? " bungad saakin ni Chesca pagkalabas niya ng kwarto niya. Ang bruha pa ng itsura niya. Tumango ako.

"Date? " umupo siya sa tabi ko. himala hindi siya mataray ngayon. Anong nakain nito?

Tumango na naman ako.

"With whom? Kuya Laice?" sabi niya sabay kain ng cake. wala kasi siyang pasok ngayon kaya puyat siya kaka-stalk sa mga Korean idols niya.  Kaya hapon na tuloy siya nagising.

Inirapan ko siya. Kailan kami nagdate ni Laice? hindi yata sumagi sa isip ko na magdi-date kami ni Laice. Na magho-holding hands. tapos sweet sa isat-isa. Yuck!. Never.

"Si Jaice ang ka date ko hindi si Laice! " sabi ko sabay irap. ako na yata ang naging mataray ngayon. Kumunot ang noo niya. Akala ko kikiligin siya kasi kahit na mataray siya ay sinasabihan ko siya ng mga kilig moments namin ni Jaice. masyado akong open sa family ko na kahit si papa ay alam ang kalandian ko.

"Akala ko si Kuya Laice " binaling niya ang tingin niya sa TV. nagtaka ako bigla. Bakit wala man lang siyang tinanong. kung bakit? Paano? Saan? Kailan?. parang hindi na siya interesado kay Jaice.

"Hindi kami kailan magdi-date ni Laice, Chesca " sabi ko sabay kain na rin ng Cake. friendly date pwede pa pero yung katulad nito yung tipong pinaghahandaan talaga ay hindi mangyayari 'yon
We're just Friends. Best Friends.

"Are you sure? Baka kainin mo 'yang sinasabi mo Ate " sinabi niya ng hindi tumitingin saakin. napakunot noo ako. She's weird.

"Oo hinding hindi! " hindi naman talaga mangyayari 'yon. Si Jaice lang ang gusto ko wala ng iba.

"He loves you ate, you can't see? "
napalingon agad ako sa kanya.

"What?! " is she referring to Laice?. Seriously? How?.

"I know you feel the same way too" sinabi niya sa seryoso na tono. hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero naiinis ako.

"Are you numb, Ate? " hindi niya pinapansin yung mga sinasabi ko. What? hindi ko siya maintindihan.

In the name of loveWhere stories live. Discover now