Kabanata 1: Meet the Club

1.8K 19 14
                                    

Maagang nagising si Junie. Napangiti siya. May meeting na naman sila. Matagal na noong huling nag-pulong sila. Hindi niya sukat akalain na ang sinimulan niyang JOKE ay magiging talk-of-the-town. Naging sandalan nga ito ng mga kababaihan (pati na rin ng mga not-so-girls) na iniwan, sinaktan, niloko, binastos, at ang worst, pinagsamantalahan ng mga pinakawalang-kwentang creature on earth: ang mga LALAKI. (Pananaw ni Otor: Syempre sa story lang yan. Di ako man-hater. Pero di ko rin sila labs. BWAHAHA!)

Nagmadali na siyang pumunta sa meeting place nila. Pero bago umalis, binati niya muna ang kanyang ate at ang pamangkin na kumakain ng almusal. 

"Good morning my dearest Ate and Chi-chi!"

Ngumiti ng bonggang-bongga si Chi-chi, ang 5 year-old girl na anak ng kanyang Ate Helena. Nagtatakbo ito papunta sa kanya at niyakap siya.

"Good morning din Tita Junie! Do you want to have breakfast with me and Mamy?"

Nagulat si Junie sa narinig. Ngayon nya lang kasi narinig ang pamangkin na mag-English. Napatingin siya sa kapatid. Tumawa naman si Ate Helena sa nakitang expression ng mukha niya.

"Gulat ka ano! Yan kasi, sa sobrang busy mo sa studies and other chorva, di mo na nasubaybayan ang spokening-dollar mong pamangkin. First week kasi nila ngayon sa simple English phrases. Alam mo naman si Chi-chi, matalinong bata kaya madaling matuto, gaya ni Mamy. Right baby?"

Sumimangot ang bata at sinigawan ang ina. 

"Nooooo! I'm like Tita Junie. She's always top 1." Tingin kay Junie. "I want to be like you Tita!"

Tawang-tawa naman si Junie kay Chi-chi. Hahabulin naman ni Ate Helena ang anak. Tatakbo naman si Chi-chi habang tawa din ng tawa. 

"Ikaw na bata ka, porke't top 2, 3, 4 or 5 lang ako, masyado mong kinakampihan ang Tita mo!"

Sumagot naman si Junie. "Ate, tanggapin mo na kasi. Nagmana sa akin si Chi-chi. Biased sa akin yan kasi labs na labs ko yan eh! Ay anak ng pitumpu't puting tupa! Late na ako sa meeting namin. Una na ako, bye Ate and Chi!"

Tumigil si Chi-chi sa pagtakbo at tinanong si Ate Helena. 

"Mamy, what's pitooooompooot...Ano po yun?"

Natawa ang babae. "Anak, don't mind it. Teka, hinahabol pa nga pala kita kasi mas love mo si Tita mo! Ayan na akoooo!"

Patuloy na nagtakbuhan ang mag-ina.

---------------------

Pagdating ni Junie sa meeting place nila sa Nica's Place, ang resto na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang best friend na si Nica, marami ng mga tao doon. Siyempre mga club members iyon. All-girls sila. Nagalak ang kanyang puso sa nakita. Binilang niya ang mga ito: 45. Not bad for an 8th-month old club.

"Hello guys! How are you na? Teka, parang may nakikita akong new faces dito ah! Would you introduce yourselves to us, girls?"

Tumayo ang tatlong babaeng bagong miyembro ng We Hate Boys Forever Club, as the name implies, isang samahan na ang layunin ay burahin ang mga lalaki sa mundo. Ay! Hindi pala. Kaiinisan lang at hindi papansinin. Wala pa naman yung harsh na gawain na iyon sa listahan ng mga goals nila. Echos lang ni otor yon. (Pananaw: Again, di ako man-hater. Gusto ko lang i-type yon para masaya. XD) Tinatag iyon ni Junie 8 months ago, kasama ng kanilang Vice President na best friend niya rin. Bago pa makapagsalita ang isa sa tatlong babae, isang lalaki ang pumasok sa resto. Napangiti siya. Late na naman ang damuhong ito. Bigla na lang itong sumigaw.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now