{ SEVEN }

3.5K 77 20
                                    

A/N: Sorry for the delay of the update! Pressured lang nitong mga nakaraang araw at linggo! HAHA. I think this update is a bit long, I think? Hehe. Salamat sa mga patuloy na nagfa-follow at nagbabasa ng stories ko. Will try my best to keep in touch with you guys!

Like: Toneewritestragedies Wattpad on Facebook!

***

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

written by toneewritestragedies

{ Seven }

Kayleigh.

Medyo late na akong nagising dahil napasarap yung tulog ko kagabi. Ang ganda kasi ng panaginip ko e. Pero kung anuman iyon, aba hindi ko na rin matandaan! Ganoon naman 'di ba minsan? Iyong meron kang magandang panaginip pero paggising mo, hindi mo na alam ang dahilan. Iyan ang nangyari sa akin Sayang.

Nakakatamad bumangon at pumasok sa school. Gusto ko na ngang mag-drop out eh, pero patay naman ako sa mga magulang ko kapag ginawa ko iyon ano!

Pagkatapos kong mag-ayos at kumain, nagpahatid na ako kay Kuya Ben papasok sa Asters. Mabuti nga at walang epal na Akachan ang nambwisit sa araw ko dahil mas tatamarin akong pumasok at magbulakbol na lang.

Absent na rin ako sa first class ko kaya wala naman na akong magagawang humabol kundi ang maghintay sa may cafeteria para sa next class ko. Habang umiinom ako ng frappe, may na-overheard akong nagchi-chismisang mga estudyante sa may bandang gilid ko. Hindi naman ako chismosa, sadyang malakas lang ang pag-uusap nila.

"It's super OMG talaga, have you seen the exchange student from Dartmouth Liberal Arts?" sabi nung isa. Whew, Dartmouth? Yun lang naman yung exclusive college for boys sa kabilang street ng Asters na marami raw ang gwapo. Hmf. Parang di naman! Eh paano kasi puro si Mikko Shadows ang inaatupag ko noon--er hanggang ngayon din naman 'di ba? Kaso slight na lang. Ewan ko kung bakit. Erase the last thought! Ano na ba itong pinagsasabi ko?

"Yep and he's so damn hot! Bad boy ang peg niya but, gosh! Ang suplado niya pero ang gwapo talagaaaa!" halos magtitili itong mga babae sa kabilang table ko, pasimple ko silang inirapan. Mga maaarte! Bwisit!

"Hay bruha, buti ka pa. Ano nga pala ang pangalan niya at anong coruse program niya?" tanong nung babaeng nagtanong tungkol doon sa taga-Dartmouth.

"May pagka-girl yung name niya pero I find it cool at bagay sa kanya, He's Sydney Deirdre Cruz and sabi ng iba sa akin, he's a Humanities major."

Napa-smirk na lang ako sa chikahan nila, ewan ko ba at masyado silang delighted makita iyang taga-Dartmouth na 'yan! Kapag pangit 'yan, dudukutin ko mga mata nila eh! Ke aarteng tunay. Pagkatapos kong uminom ng frappe, dumiretso na ako sa next class ko.

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon