Ikalabing-tatlong Ikot - Pagsasakripisyo

167 7 0
                                    

Hindi na umuwi pa si Jerome sa kanilang bahay upang maalagaan niya si Raymond. Nagsinungaling na naman siya kay Cassandra at sinabing umaga na siya makakauwi dahil sa straight working hours. Pumasok rin si Mikki sa trabaho kaya silang dalawa lamang ni Raymond ang naiwan sa bahay nito.

"Rome, mahal mo pa ba 'ko?" Magkayakap na silang nakahiga sa kama nang bigla siyang tanungin ni Raymond.

"Mon, mahal kita pero kailangan ko---" Hindi na niya itinuloy paang kanyang sasabihin dahil alam niyang masasaktan na naman niya ito.

"Alam kong ayaw mo 'kong masaktan..." seryosong sagot ni Raymond. Hinaplos pa niya ang pisngi ni Jerome at ihinarap sa kanyang mukha. "...pero alam ko ring mas magiging maligaya ka sa piling nila." pagpapatuloy niya kasunod ang isang mapait na ngiti.

Sa loob ng ilang araw niyang pagninilay-nilay ay nabuo na ang kanyang desisyon na tuluyan ng palayain si Jerome. Sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relasyon ay nakahanda na siyang muling magsakripisyo para kanyang pinakamamahal.

Hindi na nakapagsalita pa si Jerome dahil alam na niya ang gustong ipahiwatig ni Raymond. Isinusuko na nito ang makasalanan nilang pagmamahalan. Kayanin rin kaya niyang sumuko na lang?

"Ayokong agawan ng ama ang anak mo dahil alam nating pareho kung gaano kasakit ang mabuhay ng walang amang gumagabay sa'yo." paliwanag pa ni Raymond.

Ganito na lang ba kadaling matatapos ang kanilang relasyon na halos mahigit pitong taon nilang pinakaaasam? Pareho nga ba silang magiging masaya kung muli silang magkakahiwalay?

"Sila ang dapat na magmay-ari sa puso mo Rome..." giit pa ni Raymond na nagpatibay sa kanyang desisyon.

Kusang tumulo ang kanyang mga luha nang maisip niyang ito na magiging huli nilang pagsasama. Alam niyang tama lamang ang kanilang gagawin kaya kailangan na rin niyang magsakripisyo.

"Sana pagbigyan mo 'kong makaangkin ka kahit ngayong gabi na lang." hiling nito habang pinupunasan ang mga luha niya.

Ipinikit ni Raymond ang kanyang mga mata habang unti-unting inilalapit ni Jerome ang mukha nito sa kanya. Sa huling pagkakataon ay pagbibigyan nito ang kanyang kahilingan.

"Aangkinin rin kita ngayong gabi Mon..." bulong nito bago niya naramdaman ang pagsiil nito ng halik sa kanyang labi.

Sa gabing ito ibubuhos na nila ang huling bugso ng kanilang pagmamahalan. Isang kasalanang unti-unti na nilang itatama para sa kaayusan ng kanilang mga buhay.

---------------------------------------------------------------------------------------

"Jerssa, 'wag kang mag-alala...babawiin ko ang papa mo."

Ilang minuto ng nakatulala si Cassandra sa kanyang natutulog na anak nang muli siyang makatanggap ng isang mensahe mula sa di-kilalang numero.

'Gsto m0 bng mlamn kng nsan ang asawa m0? Cgurd0ng nglalar0 n cla ng ap0y...'

Nanginginig niyang sinagot ang mensahe nito. Hindi na mahalaga sa kanya kung sino ang taong ito dahil gusto niyang mapatunayan ang panlolokong ginagawa sa kanya ni Jerome. Gusto niyang saktan ang babaeng sumisira sa kanilang relasyon.

Agad siyang umalis nang dumating ang mensahe nitong naglalaman ng ilang impormasyon sa kinaroroonan ni Jerome, na halos ilang minuto niyang hinintay. Alas kwatro pa lamang ng madaling araw kaya gulat na gulat ang kanyang ina at kapatid kung saan siya patutungo ng ganoong oras.

Alas singko y media na nang makarating si Cassandra sa lugar na idinetalye ng taong nagpapadala sa kanya ng mga mensahe. Wala pa rin siya sa kanyang sarili dahil sa pagsidhi ng galit sa kanyang puso. Kaya hindi na rin niya napansin pa ang mga taong nakasalubong niya papunta sa apartment na itinuro nito.

Kaleidoscope (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon