Ikapitong Ikot - Kapahamakan

199 10 1
                                    

Ilang beses na tinanggihan ni Raymond ang tagay ng emperador light na inaalok ni Jack ngunit wala na siyang nagawa kundi inumin iyon dahil sa pangangantyaw ng kanilang mga kainuman.

"Kayang-kaya mo naman palang tumagal sa inuman eh." panunudyo pa ni Kevin, isa sa mga kumpare ni Jack.

"Patataubin n'ya kayo mga 'tol." sabad pa ni Mikki at nakipag-apir sa kanya. Ngayon lang niya nalamang nagpapakalalaki pala ito kapag nakakainom ng alak.

Ito ang unang pagkakataong uminom siya kaya limang tagay palang ay nakaramdam na siya ng pagkahilo. Wala talaga siyang intensyong dumalo sa kaarawan ng anak ni Jack. Napadaan lamang sila roon ni Mikki nang kunin niya rito ang hinihiram niyang mga DVD.

"Jack, pasensya na ha pero kailangan ko ng umalis." pamamaalam niya sa kaibigan nang maramdaman niyang anumang sandali ay masusuka na siya.

Ngunit nilapitan siya ni Mikki at muling pinaupo sa kanyang upuan. "Darleng, ma-maya na tayo umuwi. Ako'ng bahala sa'yo..." anito na halos hindi na makaupo ng maayos dahil sa tama ng alak. "Oh, tagay ka pa."

Tinitigan niya lang ang basong iniaabot ni Mikki kaya iginiya nito ang alak sa kanyang bibig. Wala na naman siyang nagawa kundi inumin iyon.

Mag-aalas nwebe na ng gabi nang makarating si Jerome sa bahay nila Jack. Agad siyang sinalubong nito at tinagayan ng isang baso ng alak. Iilang tao na lang din ang nag-iinuman dahil ang iba ay kanya-kanya ng iginupo ng kalasingan.

"Ba't ang tagal mo p're? Ayaw ka bang payagan ng asawa mo?" usisa nito.

"Hindi naman. Naglaba pa kasi ako ng mga uniform ko p're." paliwanag niya.

Saglit siyang iniwan ni Jack upang kumuha ng pulutan sa loob ng bahay nito. Nakaramdam siya tawag ng kalikasan kaya agad siyang pumasok sa bahay nito upang makapagbanyo.

Akma na niyang hahawaiin ang kurtinang tumatabing sa banyo nang biglang pabagsak na lumabas mula roon si Raymond. Hindi lang siya nabangga at nadaganan nito bagkus ay hindi sinasadyang naglapat pa ang kanilang mga labi.

"Ano'ng nangyari sa inyo p're?" usisa ni Jack na hindi na naabutan ang eksenang iyon dahil sa mabilis niyang pagtayo.

"Wala p're." giit niya at mabilis siyang pumasok sa banyo upang makaihi na.

Naiwan namang nakatulala si Raymond habang nakaupo at nakasandal sa pader, ilang pulgada lang ang layo mula sa pinto ng banyo. Ilang beses pa siyang napalunok upang pawiin ang mapait na lasang nananatili sa kanyang lalamunan dahil sa ilang beses na pagsusuka.

Tila nawala ang kanyang kalasingan dahil sa halik na namagitan sa kanila ni Jerome. Na muntik ng maging isang malaking eskandalo kung sakaling may nakakita noon. Kaya bago pa lumabas si Jerome ay mabilis na siyang tumayo at naglakad palabas ng bahay. Muli siyang nagpaala kay Jack ngunit hindi rin siya agarang nakaalis dahil sa muling pagkahilo.

"Mon, ipapahatid na lang kita sa sakayan para makauwi ka ng maayos. Tutal ayaw mo namang matulog dito sa bahay." paliwanag pa sa kanya ni Jack.

"Kaya kong umuwi pare." giit niya at muli siyang naglakad paalis doon. "Ayokong makita n'ya kong ganito." bulong pa niya sa kanyang sarili.

"Sige ikaw bahala. Ingat ka."

Malapit na si Raymond sa sakayan ng mga tricycle nang bigla siyang masagi ng motorsiklong dumaan kaya nawalan siya ng balanse at bumagsak sa kalsada

Kitang-kita ni Jerome ang nangyari kaya walang pag-aalinlangan niyang tinulungan si Raymond. Agad niya itong itinayo at pinaupo sa gilid ng kalsada. Matama rin niyang sinuri kung may tinamo ba itong malalang pinsala sa katawan.

Kaleidoscope (BL)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant