Ikaapat na Ikot - Jerome

273 13 0
                                    

"Cassa, limang buwan na 'yang tiyan mo, pero wala pa ring trabaho 'yang asawa mo."

Napasandal na lang si Jerome Castillo sa dingding ng kwarto nilang mag-asawa nang marinig niya ang maagang pagbubunganga ng nanay nito.

"Ano ka ba, 'Nay. Baka marinig ka ni Jerome," saway ng asawa niyang si Cassandra dito na alam niyang naririndi na rin sa sariling ina.

"Wala akong pakialam kung marinig niya nang mahiya naman siya sa 'min ng ate mo," giit nito.

Nakaawang nang kaunti ang pinto ng kanilang kuwarto kaya rinig na rinig niya ang kanilang pinag-uusapan. Halos araw-araw na lang ay ganito ang eksena sa kanilang bahay kaya nasanay na siya. Lahat ng sermon nito ay pinapapasok lang niya sa kanang tenga at labas sa kaliwa.

"Kung alam ko lang na wala siyang maipapakain sa 'yo, sana 'di na lang ako pumayag na magsama kayong dalawa," gigil pang sabi ni Aling Natasha dahil sa problemang ibinigay nilang mag-asawa.

"Sino ba'ng may gusto no'n?" aniya sa sarili.

Hindi niya rin naman ginusto na magsama na silang dalawa ni Cassandra. Hindi na sila mga tinedyer kaya nakahanda siyang panagutan ang kanyang responsibilidad. Nakapag-usapan na nila na hindi sila titira sa iisang bahay dahil nga hindi siya gusto ng ina nito. Sa kabila noon, siyempre siya ang magbabayad sa lahat ng pangangailangan ni Cassandra. Pero wala na siyang nagawa nang pilitin siya ni Aling Natasha na tumira sa bahay na ito upang iwasan ang kahihiyang iisipin ng mga kamag-anak nila.

"Tama na po. 'Wag na nga kayong maingay. Nakakahiya na sa mga kapit-bahay oh. Araw-araw na lang..."

"Siguraduhin mo lang na may pambabayad kayo sa hospital kapag nanganak ka na, kundi bahala kayo sa buhay n'yo."

Hindi na kinaya ni Cassandra ang pakikinig sa sermon ng kanyang ina kaya padabog siyang umalis. Dumiretso siya sa kuwarto nilang mag-asawa at dahan-dahang naupo sa tabi nito.

"Sige, buruhin n'yo ang mga sarili n'yo d'yan sa loob," pang-uuyam pa ni Aling Natasha bago siya walang ganang nagpunta sa labas ng kanilang bahay.

Inasikaso na lang niya ang mga paninda nilang pagkain sa harap ng kanilang bahay. Naabutan niyang abala na sa pagbabalot ng mga order ang panganay niyang anak na si Anastasia.

"'Nay, nasayang lang laway n'yo no?" Inaasar pa siya nito kaya mas lalo lang siyang nagalit.

"Ang kapal ng mukha ng tamad na 'yon. Pagpapalaki lang ng bayag ang gustong gawin," sarkastiko niyang sagot.

Hinimas na lang ni Anastasia ang likod ng kanyang ina dahil sa mga sinabi nito. "Hayaan n'yo muna sila 'Nay. Baka ma-high blood lang kayo eh," payo niya rito. "Sa daily sermon n'yo siguradong nakabaon na 'yong mga sinasabi n'yo sa mga kokote nila," natatawa pa niyang paliwanag.

Napabuntung-hininga na lang si Aling Natasha. Alam naman niyang sumusobra na siya sa panenermon sa mag-asawa pero hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kapag nakikita niyang nahihirapan na si Cassandra.

Kapapanganak pa lamang niya kay Cassandra noon nang mamatay ang kanyang asawang si Gregorio sa isang aksidente. Kaya mag-isa niyang binuhay ang dalawa niyang anak sa loob ng labingwalong taon.

Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na nabalewala lang ang pagpapakahirap niyang maigapang ang pag-aaral ni Cassandra dahil sa maaga nitong pag-aasawa. Sa kabila ng mga nangyari, akala niya makakatulong sa kanila si Jerome pero wala rin pala itong silbi.

Kaleidoscope (BL)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora