38- Because of Harvey

110K 3.4K 242
                                    


Ang oras ay naging araw. Ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. It's been one month, two weeks and four days since I'd been with Anya. At hindi ko alam kung hanggang kelan ang itatagal bago ulit kami magkita. Ang paraan ko na lang na makita siya ay ang hearing but unfortunately wala pa ring notisya mula sa mga abogado namin.

After Atty. Bienvenido learned the truth, he almost quit on the case. He wasn't eager to take the risk anymore and considered the situation a huge insult to his profession. He got too disappointed. Thinking that his client was making fun of him and the the law. Anya begged a lot. She had no choice but to narrate the whole truth from the beginning and how we ended up loving each other again. She begged and begged. Maging ako ay nakiusap ng seryoso sa kanyang abogado. I requested him to just give it a try. Kung hindi kami paboran ng korte ay wala kaming magagawa. All I wanted was try giving Anya's dream a chance dahil kung tutuusin ang pangarap din yun ang dahilan nang muli naming pagkikita.

At the end, he agreed again. But he wanted our full cooperation kung kaya naman nasa Villa Rafael na ulit ako at si Anya ay tuloy lamang sa pagiging abala sa trabaho. Hindi na namin pwedeng pagbigyan ang kapritso ng aming mga damdamin na magkita ulit kung kelan namin gusto.

Bagot na pinutol ko ang bulaklak ng amorsiko. Nakatingin sa kawalan na kinagat ito habang komportableng nagpapahinga sa ilalim ng puno kung saan dati ay pinaglalatagan ng inahahatid na tanghalian ni Anya. It became my favorite resting spot lalo na kapag namimiss ko siya. It was nice watching the calm rice fields while reminiscing the happy faces of my farmers admiring my pretty wife. I wished I could able to tell her that time how proud I was to introduced her to everyone.

"Boss hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Istoy na katatapos lang mag-alis ng putik sa katawan sa sapa.

"Maya-maya," matamlay kong sagot.

Kami na lang ang natitira sa palayan. Nagsialisan na ang lahat sapagkat dadalo sa birthday ni Harvey.

"Marami na sigurong bisita sa inyo boss."

"Mauna ka na. Magpapahinga lang ako ng mga kaunting oras pa."

"Hintayin na kita boss."

Hindi naman sa wala akong ganang dumalo sa birthday nung bata. Gusto ko lang na busy na ito sa pakikipaglaro sa kanyang mga bisita bago ako magpakita kundi ay kukulitin na naman ako tungkol sa pagdalo ng kanyang Tita Anya. Hindi niya makalimut-limutan ang pangako sa kanya nung tao. Papaano ko sasabihing imposible itong mangyari? I couldn't disappoint him on his special day. Tama na yung ako na lang ang malungkot sa amin sa araw na ito.

I rested for ten more minutes and forced myself to get up in consideration to the young man waiting for me. Alam kong gusto niya na ring makadalo agad sa kasayahan as I noticed earlier how fast he worked to finish as early as possible.

Sumakay ako sa pick-up at si Estoy naman ay sa kanyang bisikleta. "Magkita na lang po tayo sa inyo boss!" excited na paalam niya.

Habang nagmamaneho  sa di sementadong kalsada, ang alinsangan ng panahon at alikabok ng daan ay dumadagdag lamang sa aking pagkabagot. It was still early to show up to the birthday celebration. Naisipan kung dumaan sa ilog at magpatay oras ulit doon. Kinuha ko ang pamingwit sa likod ng pick-up. Ninamnam ang preskong hangin at lamig ng paligid habang tahimik na namimingwit. Ang bawat nahuhuling isda ay pinapakawalan din. Maski mukha akong tanga kahit papaano ay naaliw ko ang aking sarili. Natigilan lang ako nang bigla kong naalala ang mga sandaling nagpiknik kami kasama si Harvey. Tila naririnig ko pa ang pagtawa at mga pagsusungit ni Anya. I gave up entertaining myself. Whatever I did, I still ended up missing her a lot.

Marami na ang mga bisita nang dumating ako sa bahay. Mga kaklase ni Harvey kasama ang mga magulang, mga trabahador ko at ilan sa mga guro sa pinapasukang eskwelahan ng mga bata. Sa labas ng gate ko na ipinarada ang sasakyan dahil may mga mesa pati sa garahe. Natanaw kong masayang nakikipaghabulan si Harvey sa mga kalaro. I intentionally left the house as early as 6 am to avoid him. I bought him the cake a day earlier upang makaiwas sa on-the day preparation. Masaya ako para sa kaarawan ng bata but I wanted to be honest that I couldn't be genuinely happy. Paano ako lubusang magiging masaya kung sa bawat kasayahang nagaganap sa aking pamamahay ay wala ang pinakaimportanteng parte ng tahanan ko. Maybe it was the reason why I suddenly missed Anya unusually.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now