12- My Husband's Game

150K 4.7K 509
                                    

I feel numbness in my legs. I'm exhausted because I just finished cleaning the whole house. Pinatong ko ang aking mga paa sa sopa at minasahe ito. Patuloy sa pagtulo ang aking pawis. Who needs a workout kung ganito naman kalaking bahay ang lilinisan mo araw-araw?

Sabi ko sa sarili, kusina at sala lamang ang lilinisin ko pero papausog ako nang papausog hanggang sa nalinisan ko na ang buong bahay. Maliban siyempre sa kuwarto ng mahal na hari. 

He's still in his room now. Nag-almusal lamang siya at pagkuway bumalik ulit sa kuwarto. He specifically instructed me not to disturb him since he's doing the monthly accounting of Villa Rafael.

Tumingala ako't ngumuso sa direksiyon ng kanyang kuwarto habang pinapalo-palo ang ang nagmamanhid na muscles ko sa hita. I stretched my neck and took a deep breath.

I massage my nape as I start to envision myself as of this moment. Ano ba itong napasukan ko? I had glamorous life pero bakit sa isang iglap ay bigla na lamang akong naging muchacha. Hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang kinang sa aking pagkatao. I want to think that I am just trapped within a bad dream.

I closed my eyes and chanted. "Paris....Paris....Paris. Chanel... Chanel...Chanel. You can do it Anya."

"ANYAAAAAA!"

Napagitla ako at napamulat sa sigaw ng kamahalan. Mabilis akong tumayo.

"ANYAAA!"

I sensed panic in Lander's voice. Kabado, natataranta at patakbo akong umakyat ng hagdanan. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. It's coming from the bathroom.

"ANYAAA!"

"I'M HERE!" sigaw ko.

Nadagdagan ang kaba sa aking dibdib. Parang may emergency kasi sa sigaw niya. Naaksidente kaya siya? Nadulas? Nakuryente sa shower? Ano ba?! Mahihimatay yata ako sa nerbiyos! 

I quickly opened the bathroom door. 

"Oh my holy crap!" I exclaimed.

Pumikit ako't sabay talikod nang napapahawak sa aking dibdib. 

Nothing wrong happened. Instead, nakatayo lang siya sa labas ng shower room wearing only a towel that exposes his naked body down to his hard lower V-cut. Halos konting pitik na lang ay malalaglag na ang tuwalya. Napalunok ako at ramdam ng aking palad ang malakas na pagtahip ng aking dibdib.

Ilang segundo ang bumilang saka ako unti-unting nahimasmasan mula sa matinding pagkagulat. Why did I even reacted this way on seeing him half naked? Sanay naman akong makakita ng mga lalaking modelong halos wala ng saplot. I breathed in and out to calm down myself at pagkuway kaswal ko siyang hinarap nang nakahawak sa doorknob. 

"Anong problema? Bakit kung makasigaw ka ay parang matter of life and death na!" Nakapamewang ang isang kamay at taas noo ko siyang kinausap. Damn hinihingal pa ako! Kinabahan ako ng sobra tapos here he is looking completely fine.

Magkasalubong ang mga kilay at tiim bagang tiningnan niya ako. Tinuro niya ang mga sinampay ko sa banyo. 

"Ano tong mga to ha?" gigil at sobrang diing bigkas niya.

"My underwears."

"I know those are underwears! Anya banyo ito, hindi ito kalsada ng barangay para sabitan mo ng mga banderitas."

Humalukipkip ako at ngumiwi. Tiningnan ko lamang siya ng nakataas ang isang kilay. I don't understand why he's overreacting over this simple thing. I just made the bathroom shiny and spotless, ano naman ngayon kung lagyan ko sandali ng kaunting kalat?

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now