EPILOGUE

183K 5.5K 1K
                                    


"Stop running Claire! You too Yuhan!" sita ni Anya sa aming dalawang makulit na anak. Walang tigil sa paroo't paritong pagtakbo ang mga ito. Hindi alintana ng mga bata kahit maraming mga taong maaring mabangga.

"I can't wait to get out of the airport mom!" sigaw ni Claire habang tumatakbo nang patalikod. Her accent was very British. Nakapig-tail ang buhok na kulot ang dulo. Wearing a denim overall shorts with white undershirt, a pair of high cut white sneakers and carrying a small yellow backpack. Di maipinta ang saya at kislap sa kanyang mga mata sa sobrang excitement.

 Naya Claire is our nine-year-old daughter, the eldest. We called her in her second name because of the similarity of Naya to her mom's name. Madalas malito ang dalawa kung sino ba ang tinatawag.  

She ran towards me and helped me push the baggage cart. "Dad I can't wait to return to Villa Rafael! I miss Freya so much." Freya was Elsa's daughter,  our horses.  Ang kabayong yun ang nagsilbing matalik na kaibigan ni Claire bago kami lumipad patungong London. Apat na taong gulang siya nung umalis kami. Sa kabila ng murang isipan niya at sa haba ng panahon na inilagi namin sa London, madalas niya pa ring naalala ang kabayo dahil sa sobrang pagkagiliw niya rito.

Nagpakarga si Yuan kay Anya matapos hingalin sa katatakbo. Siya ang aming tatlong taong gulang na bunsong lalaki. Sa London na siya nabuo at ipinanganak. Ito ang unang pagkakataon na nakauwi siya ng Pilipinas. Anya always applied her fashion sense on him. Among all the kids I saw at the airport, Yuan was the most fashionable, I guessed. Maroon coat, white undershirt polo, Burberry scarf, leather beret, Gucci belt and a fine leather boots. Yuan was more of her mother traits habang si Claire naman ay namana yata lahat ng hilig ko. She loves farm animals and farming activities. Kaya naman nang malamang isang buwan kaming magbabakasyon sa Villa Rafael halos di na makatulog sa sobrang kasabikan.

"Dad! I reallly can't wait to see Kuya Harvey too! Maybe he's very good already in riding horses now!" malakas na sabi niya.

"Claire nasa Pilipinas tayo, magsalita ka ng Filipino," istriktang sabi ng kanyang ina.

"Opo Mommy!" masunuring sagot ng bata.

Iniwan namin ni Anya ang Villa Rafael nang pareho kaming nakakita nang mas magandang oportunidad sa London. Honestly it was more of an opportunity on my part. Si Anya kasi nag-apply lang sa mga fashion companies sa London nang makatanggap ako ng architect job offer doon. My friend Edward referred me to their partner company based in England.

Si Anya ang pinakadesidido na tanggapin ko ang trabaho hanggang sa napagdesisyunan naming makipagsapalaran doon. For the second time around, muli niyang pinagpalit sa akin ang career niya sa Pilipinas na noon sana ay unti-unti na namang bumabango. Halos natanggap naman siya sa lahat ng pinag-applayan niyang kumpanya sa London. Pero dahil ibang bansa yun, nag-umpisa siya sa mas mababang pwesto.

She started as assistant designer in Gucci headquarters. Ngunit dahil sa di maikakailang talento niya, napromote agad siya na designer sa loob lamang ng isang taon. She spent two years in Gucci pero pagkatapos nun ay nagtayo na siya ng sariling brand na 'Naya Claire'. Sumikat siya sa London hanggang sa buong England at hanggang unti-unti na nga siyang nakilala bilang international designer. While her career was skyrocketing, nanatiling normal naman ang takbo ng trabaho ko. Nothing was grandiose about my job but it gave me much fulfillment as a man, husband and a father to our two lovable children.

"Dad, mga ilang oras pa po bago tayo makarating sa Villa Rafael?" tanong ni Claire habang hinahawak-hawakan ang laylayan ng pantalon ng kapatid na karga-karga ng nanay.  

"Love ano bang plano mo?" kunsulta ko sa aking asawa bago sagutin ang makulit kong kausap.

Hirap na inayos niya ang pagkakarga kay Yuan. Luminga siya sa likuran. "Wait I need to talk to Violet first. Nasaan na ba yun?"

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now