11- My Faddy House Lady

136K 4.1K 520
                                    


Pinagmamasdan ko si Anya sa may di kalayuan habang abala ito sa pagpili ng mga damit. Maaliwalas ang kanyang mukha at halatang nag-eenjoy sa pamimili. Suot niya ang simpleng damit na pinahiram ni Maureen, a white lace dress na hanggang tuhod ang haba. When not wearing any make, I'm a bit reminded by her old face. Simple yet very attractive. Di nakakasawang tingnan lalo na pag maaliwalas at nakangiti. Kung di ko lang nasaksihan ang malaking pagbabago sa kanyang ugali, aakalain ko ngayong siya pa rin ang dating Anyang malambing, inosente at ubod ng bait na nakilala ko.

Some costumers recognized her but all of them were hesitant to approach na para bang walang kasiguraduhan ang mga ito kung ang sikat na babae nga ang kanilang nakikita. Instead of going frantic, nagbubulungan na lamang ang mga ito habang napapadaan kay Anya. I couldn't blame them, besides from the fact that she doesn't look like her usual self, ano nga naman ang gagawin ng kagaya niya sa malayong lugar na ito?

Biglang tumingin sa akin si Anya. Patay malisya akong pumaling sa ibang direksiyon.

"Lander!"

I looked at her with a blank face. Kinakawayan niya ako't pinapalapit. Mahinahon ko siyang nilapitan nang nakasiksik ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng aking maong na pantalon.

She pulled a blouse from the rack. Nakangiting ipinakita niya ito sa akin.

"What do you think? It's pretty, isn't it?" masayang tanong niya.

"Hindi ko alam. Pare-pareho lang ang tingin ko sa mga nakalagay diyan," diretsong pahayag ko.

Napangiwi siya sa sagot ko. "Don't you have any opinion about women's clothes?"

"Ikaw itong fashion designer. Why would you need the opinion of an average man like me?"

"It's not for me. I'm buying this for Maureen!" yamot na sagot niya.

Ahh so she means my opinion only suits for women like Maureen? Kung yun ang tingin niya sa akin ay wala na akong magagawa. Nevertheless, I appreciate the fact na marunong pa rin naman pala siyang tumanaw ng utang na loob sa taong nag-asikaso sa kanya at nagpahiram ng damit.

Medyo inip na tumingin ako sa aking relos. "Matagal ka pa ba? You've been choosing for more than two hours," reklamo ko.

"Nangangalahati pa lang ako," she answered casually.

"Ano?" Napatitig ako sa cart. Gabundok na ang laman nito at halos kailangan niya pa ng isang ekstra. "Anya-" I whispered her name. " Are you planning to live with me forever?"

Agad na tumaas ang isa niyang kilay at tinapunan ako ng matalim na tingin. "You wish!"

"Kung ganun bakit mo kinakailangan ang ganito kadaming mga damit?" turo ko sa cart.

"I change clothes at least three to four times a day."

Natawa ako't napahawak sa aking noo. "Nasa gitna ka ng mga bundok, palayan at niyugan. Para saan ang pagbibihis mo ng apat na beses sa isang araw? Magpafashion show ka ba sa harap ng mga kuliglig, palaka at bubuli?"

Inismiran niya ako. "Do I need to have an audience? I just want to feel good about myself wherever I am!"

"Alright I take whatever reason you have, pero pwede bang pakibilisan mo. You're not even in a huge mall para mag shopping ka ng ganito kadami."

"Oo na! Napaka kill joy mo! I won't choose anymore, isusukat ko na lang itong mga napili ko."

Natigilan ako sabay napatingin sa mga damit sa cart. "All of these?"

"Yep."

"Kailangan pa ba talagang isukat ang mga yan?" madiing tanong ko. I can already imagine how much time will be wasted just for fitting.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now