36- I'm Not His Everything

118K 3.6K 662
                                    


Kung nakakatunaw lang ng salamin ang panlilisik ng mga mata, naglaho na ang buong dingding ng Starbucks. Nanginginig sa gigil ang pagkakahawak ko sa manibela. My teeth were gritting. Halos umusok ang ilong nang makitang hinaplos na naman sa braso ng babaeng walang ginawa kundi titigan, ngitian at pasimpleng tsansingan si Lander. How dare that woman touch my man!

I was in the car quietly watching Lander and his so called friends. Tama ang kutob ko na hindi lamang simpleng pagkikita-kita ng mga kaibigan ang pinuntahan niya. He was so glad to come kasi may magandang babae ring kasama. Malinaw na malinaw sa mga mata ko that the woman was flirting with him pero hindi siya umiiwas sa mga paghawak nito. Ano? Parte ulit ng pagiging gentleman niya na ayaw mapahiya ang babae? Naalala ko na naman tuloy ang paglalandi niya sa party nina Gov. Lim. He was behaving same way again!

The woman laughed, gracefully covering her mouth with hand. Pahinhin pa kunwari! She leaned closer to Lander and whispered sabay tawa ulit. Halos ikiskis na ang mukha sa mukha ng asawa ko. Shame on her katirikan ng araw lumalandi! Muntik na akong bumusina nang malakas sa sobrang gigil. Pero imbes na magmukmok sa loob at tahimik na manood lamang ay bumaba ako ng sasakyan, wearing the same dress on the earlier show I guested. Hindi na ako nakapagpalit. Umalis agad ako ng studio matapos malaman kay Violet na may pinuntahan si Lander. My instinct were telling me to follow him as soon as possible.

Tuksong-tukso akong sumugod sa mesa nila at isaboy ang kape sa malanding mukha ng babae. But I had to maintain my class because I was the person who had no freedom to do so, ang ginawa ko ay taas noo at kalmadong pumasok sa coffee shop. I didn't wear any glasses. Gusto ko yung pagpasok ko pa lamang ay makilala agad ako ng lahat. It did happen. Pagbukas pa lang ng pintuan ay umingay na ang paligi. Even the staff were in awe by my unexpected presence. Patay malisya akong tumingin sa mesa nina Lander. Pati mga kaibigan niya ay nakaawang ang mga bibig na nakatingin sa akin. He was speechless and of course surprised. Mabilisan ko siyang pinandilatan ng mga mata. Napalunok siya sabay kabadong umiwas ng tingin at kunway natural na uminom ng kape.

Pumila ako sa counter. Lumapit sa akin ang mga malalakas ang loob. Nagpapicture at nagpa-autograph. Naupo ako sa katabing bakanteng mesa nina Lander. Doon sa kung saan maririnig ko ang kanilang mga pinag-uusapan. I sat gracefully, crossed my legs, sipped my coffee and glared at him.

Medyo dinistansiya niya ang upuan mula sa babae. And when she tried to touch him again pumapasimple na nang iwas. Ninanakawan ko lang siya ng tingin habang kunway panaka-nakang tumitingin ako sa labas, balewala kahit batid kong lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Nanahimik ang kanilang mesa. Instead of talking, maya't maya na lang napapatingin sa akin. His male friends approached me for pictures. Pinagbigyan ko. But when that woman tried to ask the same favor, agad akong tumayo!

"Sorry Miss. I have to leave. I'll be late in my next appointment," I said with a bitchy grin. 

"O-Okay lang... O-Of course you must be very busy..." medyo napapahiyang sabi niya.

Bago humakbang paalis, I gave Lander one last deadly glare. Sanhi para maubo siya. Alam niya na ang ibig kong sabihin.

Bumalik ako sa sasakyan. Mas nadagdagan ang inis ko nang hindi pa rin tumatayo si Lander. Galit na pinaandar ko ang kotse and I stopped after a block. I texted him.

'Three minutes or else you're dead!'

Wala pang dalawang minuto, I saw him from the side mirror ,panting in the sidewalk while looking around. My phone rang.

"Asan ka?" hinihingal na tanong niya.

"Nasa unang kanto malapit sa stoplight."

He found the car. Nakangiting sumakay na tila walang nangyari. "Dapat nagtext ka na lang na dadaanan mo ako para nakapagpaalam ako agad."

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now