18- A Day For You

141K 4.1K 288
                                    

Awkward morning. Ito ang pinakaakmang paglalarawan sa umaga namin ni Anya. Nagpapakiramdaman bago magbitiw ng salita. Nag-iiwasan na huwag magkasagian. At parehong hirap tumingin sa mukha ng isa't isa. Our unexpected fight brought a new feel between us.

Nakapagsalita kami parehas ng mga bagay na di naman namin kailangang sabihin sa isa't isa. Be it meant or not, those words will only remain useless kaya mas mabuting huwag na lamang ungkatin ulit. Naniniwala akong pansamantala lang ang pinapakitang inhibitions sa akin ni Anya ngayon. With the fickleness of her temper, I'm pretty sure na magiging normal din agad ang lahat. I was wrong to over react so I know it's my duty now to appease her.

I'm secretly staring at her while having breakfast together. Nakatungo sa kanyang pinggan at tahimik lang na sumusubo.

"Anya-" sambit ko.

Nag-angat siya ng mukha. "Yes? Do you still need anything?" mahina at walang ganang sabi niya.

"N-Nothing..." I hesitated.

Ngumiti siya nang matamlay sabay balik ng mga mata sa plato.

I'm thinking of ways to comfort her. Should I allow her to roam around Villa Rafael? But with her clumsiness, baka kung mapaano na naman siya. Maybe a day of shopping could ease her. But I'm going to have a busy day, hindi ko siya masasamahan. Delikadong pumunta siya sa matataong lugar ng mag-isa.

Siguro ay sa ibang araw na lang ako babawi. Malayo pa ang weekend kaya kahit weekday gagawin ko. I just need to be ahead of my works and clear my schedule for a day.

I finished my breakfast and quietly stood up.

"Are you done?" tanong niya.

"Yes."

Tumayo rin siya.

"Don't mind me. Ituloy mo na yang pag-aalmusal mo," sabi ko.

"Tapos na rin ako," mahinang sagot niya.

She brought the plates on the sink. At sumunod siya sa akin para ihatid ako sa may pintuan. Thing she never did before.

"I'll go ahead," paalam ko habang nag-aalangang tumingin sa kanyang mukha.

Ngumiti siya ng kimi. "Ingat ka."

I nodded.

"What do you want for lunch?" pahabol niya.

"Bahala ka na."

"Okay."

After she closed the door saka lamang ako naglakad patungong garahe. Nang bubuhayin ko na ang makina ng sasakyan ay bigla namang may tumawag sa akin.

Who would call me this early?

Napakunot ako nang noo nang mag-appear ang pangalan ni Melvin sa aking telepono. Agad na akong kinutuban. Eto na nga bang sinasabi ko.

"Pare?" bungad ko.

"Pasensiya na pare kung medyo napaaga ang tawag ko. Alam ko kasing busy ka na maya-maya... I'm wondering if I can visit your place. Okay lang ba na bisitahin ko si Annie?"

Di agad ako nakasagot hanggang sa unti-unti akong napangisi. "Pare naman. Di ba inarbor ko na siya kagabi. Sabi ko naman sayo na huwag mo na siyang isali sa listahan ng pagpapalipasan mo ng oras."

"Pare seryoso ako. I think I like your cousin."

"C'mon bro. Alam naman natin kung bakit ka attracted sa kanya," nagtitimping wika ko.

"Yeah nakuha niya ang atensiyon ko sa una dahil kamukha siya ni Anya. But she has her own attractive personality."

Natawa na lamang ako sa dahilan niya. What other personality can she have other than what she really is?

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now