27- The Homely Faces

151K 3.9K 190
                                    


Pasado alas siyete na nang ako'y magising. I've been exhausted all night long. Pinuyat na naman ako ng aking dakilang asawa na ngayon ay himbing na himbing pa rin ang tulog. Nagmadali ako sa pag-aayos ng sarili. Kailangan paggising niya ay nakahanda na ang almusal. Pababa ng hagdan ay napapangiti ako sa sarili habang naiisip ang mga maiinit naming sandali kagabi. I just had the best night of my life na baka kahit nasa Manila na ako ay mapapauwi ako ng Villa Rafael nang wala sa oras kapag maalala ko ito.

Natawa ako nang mahina sa kapilyahang tumatakbo sa aking isip pero bigla akong natigilan sa kalagitnaan ng hagdan nang may marinig akong pagkaluskos sa kusina. Nakaamoy ako ng niluluto. Saka ko lamang naalalang naririto na nga pala ulit sina Maureen. Tahimik akong lumapit sa kusina at palihim na pinagmasdan si Maureen. Unti-unti na naman akong nalungkot. I'm beginning to foresee the days when I'll be no longer here. Masakit isiping may gagawa na nang ibang bagay na dapat ako ang gumagawa para kay Lander.

In fairness with him, tinanong niya naman muna ako kung okay lang ba sa akin na bumalik sina Maureen sa bahay. Kung hindi ako papayag ay patitirahin niya na lamang ang mag-ina sa dating bahay ng lolo niya at dadalaw-dalawin na lang ang mga ito paminsan-minsan. Sa una ay parang ayokong pumayag pero naisip ko, paano na siya kapag walang maiiwan ditong mag-aasikaso sa kanya? I don't have any bad feelings towards Maureen anymore. I'm completely at ease with her and I do feel that I can trust her already. Sa tingin ko rin naman ay naasikaso niya talaga nang mabuti si Lander at ang bahay. Ang nagpapabigat lang talaga sa kalooban ko ay ang katotohanang hindi na muna ako ang mag-aasikaso sa aking asawa.

"Magandang umaga ho, Ma'am Anya!" napaiktad ako nang biglang may sumulpot na ginang sa aking tabi na may hawak-hawak na kaing ng mga labahin.

"G-Good morning," atubiling sagot ko.

"Good morning Ms. Anya!" bati sa akin ni Maureen na noon lamang namalayan ang presensiya ko.

"Magandang umaga," I replied sabay habol ko ng tingin sa bumating ginang na naglakad papalabas ng pintuan.

"It's my first time to see her," saad ko.

"Ay si Tiya Belen yun. Teka! Ipapakilala ko kayo."

Agad na tumigil si Maureen sa ginagawa at hinabol ang ginang. 

"Ano ba kayo Tiya Belen, di man lang kayo nagpakilala kay Ms. Anya," she said to the woman when they returned. "Ms. Anya si Tiya Belen po."

"Hi!" ngiti ko.

"Hello po Ma'am Anya. Pasensiya na di ako nakapagpakilala. Nahiya po kasi ako."

"Bagong makakatulong dito sa bahay," wika ni Maureen.

"Ahh.. ganun ba. Hindi nabanggit sa akin ni Lander," I said.

"Ay baka nakalimutan niya lang. Ako kasi nagsuggest sa kanya na sana kumuha pa siya ng isang makakasama dito sa bahay," sabay lunok niya. "K-Kahit kasi sabi ni Lander na okay lang sayo na dito kami tumirang mag-ina, ayoko pa rin na mabahiran ng kahit kaunting di magandang isipin yung pananatili namin dito lalo na't paalis ka na. Kaya mabuti nang may kasama pa rin kaming iba dito," medyo nahihiyang paliwanag niya.

I smiled. "Ikaw naman Maureen of course I won't have any unpleasant thoughts about you and Harvey staying here. Andito na kayo bago pa man ako bumalik," sabay buntong-hininga ko at kibit ng mga balikat. "Well... regarding Aling Belen, pabor din naman ako na may dagdag mag-aasikaso kay Lander."

Deep inside I was glad to hear about what she said too. Totoo naman talagang kahit sinasabi kong naiintindihan ko ang pagtira nila dito medyo may kaunting bahagi pa rin sa dibdib ko na hindi komportable sa ideyang may kasamang batang biyuda ang aking asawa habang wala ako.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now