14- Thinking Of You

140K 4.6K 358
                                    


"Anya I really really like you. Pwede ba kitang maging girlfriend?"

"L-Lander w-we've only known each other for a week..."

"Importante pa ba yan? Ang mahalaga ay ang nararamdaman natin sa isa't isa. Don't you like me too?"

"P-Pero... hindi mo pa nga ako nililigawan eh."

"I want to but can we skip that part? Dalawang buwan lang ang bakasyon mo dito. I'm wishing that we could spend that short period of time as a boyfriend and girlfriend already."

His bluntness turned me speechless and dumbfounded.

"A-Ayaw mo? A-Am I rejected?" malungkot na sabi niya makalipas ang ilang sandaling pananahimik ko.

I instantly feel bad after seeing his sad face.

"I'm sorry.  I-I was too conceited not to realize it was just one sided..." dagdag niya.

"No. You're thinking wrong..." asiwa't umiiling na paglinaw ko. "I-I like you too."

Umakyat yata lahat ng dugo ko sa pisngi pagkabitiw ng mga salitang yun. I couldn't measure how fast my heart pounded.

Kahit nasa gitna kami ng kalsada sa kalagitnaan ng gabi, naaninag ko pa rin kung papaano nangislap ang kanyang mga mata.

"You mean... payag ka nang maging tayo?"

Nahihiya akong tumango.

Napatalon siya sa tuwa. "YES! WHOAH! GIRLFRIEND KO NA SI ANYA!"

"Lander ano ka ba huwag kang maingay baka may makarinig sayo. Bawal yan kina Lolo, alam mo naman kung gaano kaistrikto ang mga yun!" tarantang wika ko.

He held my hand and we continued walking. It was a magical night for me. Ang paglapat ng aming mga palad ay may hatid na mahikang mas nagpapangiti lalo sa aking mga labi, nagpapainit sa aking mga pisngi at nagpapatibok ng mabilis sa aking puso. May dumadaloy na kuryente sa lahat ng aking mga ugat na gumigising sa kabuuan ng aking kaluluwa. I wanted to feel the warmth of his hand as long as I could.

"Anya let's promise that we will love each other for the rest of our lives. Aalagaan natin ang isa't isa at gagawin natin ang lahat para maging masaya tayo pareho sa ating relasyon," masaya ngunit seryosong pahayag niya habang nakatingin sa mabituing kalangitan. "Let the beautiful sky be the witness to our vows."

"I promise," nakangiting sagot ko.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa palad ko. Huminto siya at tumitig sa aking mga mata. "I promise too."

"Now let's seal our promises..." dugtong niya.

Slowly he leaned forward at walang abisong hinalikan niya ako ng malalim sa mga labi.

Di ko namalayang ilang minuto ko na palang kinukuskos ang hawak kong plato. Kumurap ako't ilang beses na napailing dahil sa aking mga naaalala. Binalik ko ang aking atensiyon sa paghuhugas ng pinggan. Ano bang nangyayari sa akin? Naengkanto yata ako sa ilog sapagkat umpisa nang pinuntahan ko iyun ay isa-isa nang nagbabalikan ang mga alaala ko sa lugar na ito. 

And for a moment, I felt butterflies in my stomach while thinking about that first kiss.

Bigla akong kinilabutan. Why am I even entertaining this thoughts now? Di ba nga't hindi ko matanggap-tanggap na ang maangas na lalaking yun ang unang nakahalik sa akin?!

Dumaan sa likuran ko si Lander at bigla akong napaiktad sa pagkagulat. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong pinggan. "Ay ano ba?!"

Natigilan siya at nagtatakang lumingon sa akin. "Bakit? Anong problema?"

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now