15- Sundate Special

145K 4.3K 537
                                    

Kung may laser beam lang ang mga mata ko kanina pa lusaw si Lander sa sama ng mga titig ko sa kanya. Mababaliw ako sa pagkalito sa ugali ng lalaking ito.

Kagabi akala ko nag-reincarnate na ang mabait na version ng Lander. Antig na antig ako sa ipinamalas niyang pag-aalala at pag-aalaga sa akin. 

He served me a cup of hot tea. Covered me with a blanket. Sinamahan niya ako sa kuwarto at umalis lamang sa aking tabi nang makatulog na ako. When I woke up early this morning, nakita ko na sa garahe ang sasakyan ko. For the first time, nakaramdam ako ng kaunting hiya sa kanya at sa aking sarili. Hindi ko ini-expect ang ganitong kabutihan mula sa taong minu-minuto kong inaaway sa aking isipan.

I witnessed again the caring and thoughtful Lander. That's why this morning, I was too excited to spend the day with him. I was planning to treat him very nicely as a sign of my gratitude.

Pero ngayon.... nag-iba na naman ang ihip ng hangin. Dominante na naman sa katauhan niya ang masamang ispiritu. At kanina pa ako gigil na gigil sa kanya.

Heto ako nangangalay na sa kakapaypay dito sa ihawan. Pakiramdam ko malapit na akong tubuan ng lumps sa kili-kili habang siya ay kampanteng-kampante lamang sa pamimingwit kasama si Harvey.

Sinama pala ako sa lakad nila para gawing katulong. Ni hindi man lang ako magawang tingnan o kumustahin. Yung mga baong inihanda ko ay ni hindi man lamang maapreciate tapos ako pa ang pinagbitbit. Kung wala naman pala siyang balak pansinin ako sana ay isinama niya na lang si Maureen para kahit papaano ay may nakakakuwentuhan ako. Hindi yung para akong may sariling mundo dito samantalang meron naman akong mga kasama!

Kanina ko pa gustong maligo pero hindi daw pwede. Nagtampisaw nga lang ako ay inawat na agad sapagkat mabubulabog ko daw ang mga isda. Tuwang-tuwa sila kapag may nahuhuli samantala ako eto't takam na takam ding makahawak ng bingwit pero walang magawa sa isang tabi kundi ang mag-antay lamang sa utos ng mahal na hari.

"Tita Anya, gusto niyo pong mag-try mamingwit?"

Hay mabuti pa yung bata, naaalala ako.

"Ah-eh c-can I?"

The kid nodded. "Opo. Pwede pong hawakan niyo po muna ito?"

Nakangiting inalis ko sa ihawan ang aking niluluto at lumapit sa malaki at mataas na batong inuupuan nila.

"Tita put me down," nakadipang wika ni Harvey.

Inabot ko siya at kinarga pababa. Pagkuway ako naman ang umakyat sa ibabaw ng bato.

"Ay!" Muntik na akong madulas mabuti na lamang ay agad akong nahawakan ni Lander.

"Thanks," ani ko. Hmp! Alert din naman pala.

Naupo ako sa tabi niya at sabik na hinawakan ang bingwit.

"Tita nagugutom po ako," ani Harvey habang tumitingin-tingin sa mga baon.

"Mag sandwich ka muna kasi maya-maya lang kakain na tayo ng rice," sagot ko.

"Nasaan po yung sandwich?"

"Nasa yellow plasticware," may kalakasang sagot ko. My attention is being split between the river and the kid.

"Dalawa po yung yellow dito."

"The bigger one!"

Salubong ang mga kilay na nilingon ako ni Lander.

"Can you keep quiet? You're scaring the fishes," iritableng tono nito.

"S-Sorry..."

He smirked. "You keep saying sorry lately. Stop acting kind and just go on with your bitching side," he remarked.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now