Iyon lang ang nasambit ni Andy at tuluyan ng lumabo ang mga mata niya dahil sa luha. Ni hindi niya napansin ang stewardess na kanina pa pasulyap-sulyap sa kanya. Nagkataon na walang katabi sa upuan ng first class si Andy kaya walang ibang nakakita sa pagdadalamhati niya.

   Buong magdamag nagbantay sa ospital sina Lucille at Luke. Hindi pa rin gumigising si Jade sa ICU kahit stable ang mga vital signs nito.

   "Lucille, let's go to the cafeteria. You need to eat something before you pass out on me," sabi ni Luke.

   "Paano kung magising na si Jade, kailangan niya ako habang wala si Andy," nag-aalalang sabi niya.

   "Binilin ko na sa nurse na i-page ako pag-nagising si Jade so don't worry, tara na," inalalayan siya nito sa siko.

   "Sige," sang-ayon niya.

   Tahimik silang kumakain, parehong walang ganang magsalita. Si Lucille ay paduro-duro lang sa pagkain ng tinidor.

   "Kumain ka, Lucille. Nilalaro mo lang ang pagkain mo," mahinang utos nito sa kanya.

   "Wala akong ganang kumain talaga," aniya.

   "It's not going to help Jade if you get sick also," saway nito sa mababang boses.

   "Hayaan mo nga ako, Luke. Ba't mo ba ako pinakikialaman ha?" inis niyang sabi. Dala ng pagod dahil sa puyat at matinding kaba kaya mainit ang ulo ni Lucille.

   "Lucille, I'm just trying to help," nakakunot ang noo nito.

   "Well, I don't need your help," asik niya.

   "Sorry then," sarkastiko nitong sagot.

   Sasagot pa sana si Lucille nang tumunog ang pager ni Luke.

   "Nagising na si Jade," anunsyo nito kay Lucille. 

   Dali-dali silang umakyat sa ICU para puntahan si Jade.

   Inabutan nilang umiiyak ito hawak ang isang kamay ng nurse.

   "Where's my baby?" halos mag-hysteria ito.

   "Jade, please huminahon ka baka mabinat ka," pilit kinakalma ni Lucille ang kaibigan.

   "Lucille, bakit walang sumasagot sa tanong ko. Nasaan ang baby namin ni Andy?" liham ng mga luha ang mga mata nito.

   Umiwas ng tingin si Lucille sa kaibigan. Hindi malaman kung paano sasabihin kay Jade ang nangyari. Nakita niyang may kausap sa phone si Luke.

   "Lucille, please I need to know," nagmamakaawa nitong sabi.

   "Jade, your doctor is coming to talk to you," ani Luke pagkababa ng phone.

   "Anong tinatago ninyo sa akin? Nasaan si Andy? Bakit wala pa siya?"

   "Jade, parating na si Andy mamayang hapon," sabi ni Lucille.

   Maya-maya pa ay dumating na si Dr. Kopp kasama ang dalawang residente. Ipinaliwanag nito ang nangyari sa kanya gaya ng sinabi nito kay Andy sa eroplano. Masasalamin sa mga mata ni Jade ang pagkabigla. Umiiling-iling ito na hindi makapaniwala.

   "I'm so sorry, Mrs. Wu. There's no way your baby will be able to survive outside the uterus," naaawang sabi ni Dr. Kopp.

   Walang magawa si Jade kung hindi humagulgul para sa nawalang anak. 

 Ito na ba ang kabayaran ng pagiging matigas ko kay Andy. Parusa ba sa akin ito?

   "Tahan na, Jade," naaawang sabi ni Lucille.

   "Jade, I'm sorry. If there's anything I can do please just let me know," tahimik na sabi naman ni Luke. Malungkot ang mukha nito.

   Hindi kumibo si Jade, tahimik lang itong umiiyak.

   Tulog si Jade nang dumating si Andy ng ospital. Nailipat na sa private room si Jade bago pa ito dumating. Kitang-kita pa ni Andy ang bakas ng mga luha sa pisngi ng asawa nang lapitan niya ito para dampian ng halik sa noo. Lumapit sa kanya si Lucille mula sa inuupuang nitong sofa.

   "Andy, kakatulog lang ni Jade. Napagod sa kakaiyak mula pa kaninang umaga," malungkot na sabi ni Lucille.

   Bahagya lang tumango si Andy sa sinabi ng kaibigan saka umupo sa silya katabi ng kama ni Jade. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa pisngi ng asawa,  hinagod-hagod ang mahabang buhok at saka bumulong.

   "Sweetheart, I'm here to take care of you now. I love you so much, Jade that I will never let you go" masuyo niyang sabi sa asawang natutulog.

   "Andy?, mahinang usal ni Jade sa nakatulog na asawa sa tabi niya.

   "Napabalikwas sa upuan si Andy nang marinig ang tawag ng asawa.

   "Jade, how do you feel, Sweetheart?" nag-aalalang tanong nito.

   "Wala na ang baby natin, Andy," muling nagbantang tumulo ang luha niya.

   "Shhh, masakit Jade pero kailangan nating tanggapin ang nangyari," alo ni Andy habang yakap siya.

   "I'm so sorry, Andy. Hindi ko iyon ginustong mangyari sa baby natin," paliwanang niya.

   "I know Jade, walang may kasalanan sa nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo," malumanay niyang sabi.

   "Sabi ni Dr. Kopp malaki pa chances nating magka-baby uli," wika ni Andy.

   "HIndi ko na kayang mangyari uli ito, Andy," tanggi niya.

   "Sweetheart, please don't think about it right now, magpahinga ka lang para lumakas ka na agad at makauwi na tayo."

   "Please don't leave me here," pagsusumamo niya.

   "I'll be here beside you when you wake up. Sige na matulog ka na uli, Sweetheart" 

  "I know God will not give me anything I can't handle.  I just wish that He didn't trust me so much."

  by Mother Teresa

*********Please let me know what you think by writing your comments here in wattpad. Your vote and like will also be appreciated. Thank you for your time.

I'm going to do something different for chapter 18, by letting my readers make a contribution to this particular chapter. It's simple, all you have to do is write your comments and suggestion on how to proceed with the story then I will pick the best suggestion among my readers and incorporate it to the story of Andy and Jade.

Gidget/ @ GIdgetwitty (Twitter Account)

   

   

   

  

   

   


   

   

   

   

Ako'y Para Sayo Lamang (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon