Janine Meets Daniel

1.4K 17 11
                                    

"Jan!!! Halika nga dito!" tawag ng ninong ko.

"Yes po!!!" tumigil na muna ako sa pag-alis ng mga tuyong dahon sa pool, at pinuntahan si Ninong. 

"Jan, hija, gusto ko sanang ikaw ang magsupervise sa preparation ng mga tauhan natin, may dadating kasing napaka importanteng bisita natin sa resort, and I want us to give him our best effort to serve him. Alam mo na, ang pinakamagandang marketing strategy ay through word of mouth" sabi ni Ninong sabay kindat sa akin.

Napakabusiness-minded naman talaga ng Ninong ko, palibhasa Chinese.

"Oo naman ninong! I would love to. Sino naman po ang magiging  bisita natin? At parang napaka importante nga taaga ang dating niya sa inyo." tanong ko kay ninong. Hindi naman kasi siya ganito eh. Napaka confident kaya niya pagdating sa resort.

"Ahhh, anak ng business partner kong taga Manila. Actually I haven't seen him yet ngayon na malaki na siya, but magka edad kayo." sagot ni Ninong habang inaabot sa personal body guard niya ang kanyang maleta.

"Ahhh… Ok po ninong…"

"Look Janine, I'm counting on you for this. Wala ako dito for the entire month.  And aside from the manager, ikaw lang ang inaasahan kong capable to handle situations like this. "

"Oo na ninong. You don't need to worry." sagot ko kay ninong na ngayon ay tingin na ng tingin sa watch niya.

"OK hija. Enjoy your summer." hinalikan ako sa pisngi ni ninong. Pagkatapos ay lumakad na rin siya kasama ang lima niyang body guards.

"Sige ninong! Bye!!!!"

Hmm.. Sino naman kaya ang bisitang ito, at kung bakit pinasali pa ako ni Ninong sa pagsupervise sa pagdating niya. Duhh… Sino nga kaya yung importanteng taong yun??? Siya! Makabalik na nga sa trabaho.

"Mang Carding!!!" tawag ko sa katiwala ng resort ni Ninong.

"Ano yun Janine?" lumapit si Mang Carding sa akin. OK si Mang Carding. Magkasing edad lang sila nina Papa at Ninong magkababata daw silang tatlo noon. Magaling siya sa halaman, tapos magaling din siya sa landscaping, kaya nga kahit manager ang position ni Mang Carding sa resort, siya rin ang resident landscaper slash interior designer.

"Eh, Mang Carding kasi sabi Ninong may importante dawng bisita na darating kaya kailangan daw nating magprepare ng maigi para dun. Kailan po kaya yun darating?" tanong ko kay Mang Carding habang chinicheck ko ang vacancy ng rooms sa IPAD na pinagamit sa akin ni Ninong.

"Oo nga Janine, balita ko kasi artista yung dadating from Manila, anak pa ng kaibigan ng Ninong mo. Hindi lang nasabi sa akin kung sino talaga eh. But sabi ng Ninong Anton mo ngayong araw daw ang dating."

"Ahh, ganun ba?? Ang dali naman. Bakit ngayon lang tayo sinabihan ni Ninong??? Kung sabagay malinis namana talaga ang resort wala nang kailangang gawin." grabe naman sobrang RUSH. Bakit naman kaya bigla bigla nalang magbabakasyon ang isang artista sa isang tagong resort tulad dito, kung puwede namang mag BORA. Hmm.. Baka laos na. Baka may pinagtataguan. Baka… Ahh ewan.. The possibilities are endless.

Hindi ako interesado kung sino mang artista ang magiging guest namin, maliban nalang kung si…

BEEP BEEP BEEP

"Nandito na yata ang guest natin." pag gising sa akin ni Mang Carding.

Pumuwesto na kaming dalawa sa receiving area ng resort kasama ang mga friends ko na sa kasalukuyan ay napilit kong mag summer job narin sa resort.

Ang ganda ng car. BMW.

Hmm.. Ang tagal namang makababa ng nasa loob. Siniko ako ni Mang Carding para lapitan ang driver's side ng kotse, pumunta naman ako. I prepared my warmest smile, para sa unknown guest namin.

Binuksan niya na ang pintuan…

"Welcome to…" biglang gulat ko nang bumaba siya sa sasakyan. Mas lumaki pa ang ngiti ko. Tiningnan lang ako ng bagong guest namin. Blank expression.

I still can't find the words to say. Pero buti nalang nakapagsalita parin ako.

"Welcome to Montecillo's Nature Park and Resort sir! We'll try our best to give you our best - -"

"Whatever! Just grab my bags okay?" Hmmp.. Napakasuplado. Masaya na sana ako, dahil I least expected na siya ang guest namin.

Hindi pa siya nakuntento sa pag iisnob sa akin. Nang kinuha ko ang bags niya at nadapa dahil sa bigat ng mga yon, hindi man lang niya ako tinulungan.

Ewan ko ano ang nangyari sa mga friends ko. Hindi man lang ako tinulungan. Siguro na glue na ang mga paa nila sa semento, FAN din kaya sila ng guest namin.

Lumingon siya sa kinadapaan ko.

Haaay sa wakas. Mabait naman pala idol ko eh.. Tutulungan na niya ako.

"Ingatan mo nga gamit ko. Or ELSE!" lumingon nga siya, but to give me more insults.

Siguro nagising narin ang mga friends ko sa fantasy nila kaya lumapit a sila at tinulungan akong makatayo. SI Mang Carding naman, busy na sa pag usher sa bisita namin papunta sa kuwarto nito.

SHIT! Ngayon lang to nangyari. I know I should be happy kasi sa wakas, I saw him face to face. Pero ang sama naman pala ng ugali niya. I HATE HIM! I HATE DANIEL PADILLA!

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon