Chapter 59

123K 1.4K 87
                                    

Chapter Fifty-Nine

Elle's POV

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay, napatingin ako sa bedside at nakita kong may umiilaw doon kaya agad kong kinuha at tinignan, Alarm lang pala. Pinatay ko iyon at tumingin sa taong katabi ko ngayon, Si Lance. Tulog na tulog pa ang mokong. Nakapulupot iyong binti niya sa hita ko at iyong mga braso niya sa bewang ko. Bahagya naman akong namula nang gumalaw siya dahil nasagi niya ang kaliwang dibdib ko. Iba pa naman ang hormones ko ngayon. Ibang iba sa unang pagbubuntis ko.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang makalabas ako mula sa ospital. At ilang araw na rin akong nakakatanggap ng flowers from Lance na halos everyday. Nadelay raw kasi 'yung ligaw niya. Kaya naman halos araw araw bago ang bulaklak ko sa opisina.

Napatitig naman ako sa mukha niya at dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para pasadahan ng daliri ko iyong mga mata niya papuntang kilay, ilong hanggang mapunta sa labi at hinawakan ko iyong pisnge niya bahagyang naman akong napakunot at sa hindi ko inaasahang mangyari nasampal ko siya ng malakas para ikapula 'nun at napabangon siya sa gulat.

"OUCH!!!" daing niyang sigaw sa gulat at napaupo pa habang sapo-sapo iyong pisnge niyang namumula.

"Love naman. Bakit mo naman ako sinampal ?" parang bata niyang tanong.

Napakagat naman ako ng daliri ko at napakunot naman ako ng noo.

"Ang panget mo" bigla ko nalang nasabi.

"WHAT ?!" kunot noong tanong nito.

"Ang panget panget mo, umalis ka nga dito.." sabi ko pa ulit saka siya tinulak palayo.

"Ano ba ?!' sigaw nito, nagulat naman ako at tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinisigawan mo na ako?! Siguro hindi mo na ako mahal kaya sini-sigaw sigawan roblem ako. Hmp. " irap ko sa kaniya saka hindi napigilang umiyak.

Hormones. Baby naman. Nataranta naman siya at nilapitan ako.

"Ano ba?! Ayaw ko nga sa iyo diba! Lumayo ka nga , ang panget panget mo, ang baho baho mo, nakakainis pati iyang boses mo. Ayaw ko na sa iyo. Ayaw kitang makita.." pilit akong lumalayo sa kaniya habang hawak hawak iyong kumot ko.

"Love naman---" parang bata niyang pagmamakaawa. Nainis naman ako lalo.

'Baby naman bakit ganiyan ka ,si Daddy yan..' bulong ko sa isipan ko habang himas himas ng tiyan ko. Pero mukhang ayaw talang makita ngayon ni baby si Daddy.

"Heh! Labas!" sigaw ko sa kaniya. Nakayukong lumabas naman siya habang nakabalot ng kunot iyong bewang niya. Para naman akong nakonsensya pero may bahagi ng utak ko na ayaw ko siyang makita ngayon.

Si baby kasi. Oo, nagpaparamdam na naman kasi iyong mga morning sickness ko. At si Lance ang sumasalo 'nun.

Nakabihis na ako at roblem  akong lumabas ng bigla akong mapatakbo sa banyo at naduwal, napangiwi naman ako nang sumuka ako dahil parang hinahalukay iyong tiyan ko. Pagkatapos kong maduwal nagmumog ako at napahawak ako sa tiyan ko. Nanlaki ko iyong mga mata ko nang maramdaman kong gumalaw iyon.

Talaga lang, Elle? Gumalaw talaga? Isang buwan palang 'yan.

Oo nga naman, baka poops ko lang hehe.

Himas himas ko pa ulit iyon saka napagpasyahang lumabas.

Tuwang tuwa naman akong naglalakad palabas ng kwarto nang mamataan ko si Lance na nakabihis na, baka sa kabilang kwarto nagbihis kasama nito nagluluto si Sammy na nagmamasid lang sa kaniya. Nakangiting nag-uusap ang mag-ama ko ng mamataan ako ni Sammy.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon