Chapter 17

218K 2.2K 71
                                    

Chapter Seventeen

Elle's POV

It's Thursday. Nung Monday palang nagpaalam na ako kina Will and Sammy about my Thursday schedule, sinong kasama ko. And William as my loving and understanding boyfriend he let me. Sinabi niya rin na he trust me so much kaya okay lang sa kanya. And he also said na it's about work kaya hindi naman big deal sa kanya. But he's very honest when it comes to Lance na wala siyang tiwala but I just kissed him and reminded him to trust me always.

And as usual for Sammy, dinaan pa ako sa iyak bago ko napapayag. Sinabihan ko lang na bibilhan ko siya ng pasalubong na kaagad naman nag-'yes'. Napailing nalang ako. I just told him about toy car and waffles and that's it. 'Bye,Mamaii' agad.

It's 7am and Sammy is still in his deep slumber. Kay William nalang ako nagpaalam dahil nasa labas na si Lance.

Tumakbo pa ito papunta sa kusina at pagbalik meron na itong dalang paper bag.

"Sandwich for breakfast and water." parang bata nitong abot sa akin dahil halatang antok pa ito.

"May sobra rin dyan para sa driver mo kaya dapat ingatan ka niya." dagdag pa nito saka ako hinalikan sa noo.

"Ingat, hon. See you, tomorrow." paalam nito sa akin na may paglalambing.

"Same with you, hon. Ingat rin kayo ni Sammy. Date tayo pagbalik ko." sabi ko rito saka ako naman ang humalik sa kanya.

Nakabackpack lamang ako since it's just an overnight.

Hinatid naman ako ni William palabas at nagpahabol pa ng isang halik bago ako pinagbuksan ng pinto at tumingin kay Lance.
"Ingat sa pagda-driver. Dala mo ang misis ko." sabi ni William na ikinatawa ko.
"Bye, Hon." paalam muli nito saka tinignan nalang ang pag-alis naminz
"Misis daw. Puta." bulong-bulong pa ni Lance sa tabi.
Natawa nalang ako sa reaction nito pero hindi ko na pinahalata.

Dumaan muna kami sa isang drive thru ng isang coffee shop para sa pampagising namin. Saka nagpatuloy. Binuksan ko naman ang bigay ni William saka inabutan si Lance.

"Kain oh."
"Uy. Thanks. Nag-abala ka pa." ngiting sabi niya pa saka kumagat.
Kumakain lang kami nang tahimik habang nagda-drive siya at nung naubos na namin ay nagsalita muli ito.
"Sarap ah. Nabusog ako sa gawa mo." daldal talaga nito.
"Hindi ako may gawa 'nun. Si William." inform ko sa kanya at para naman itong masuka-suka.
"Bullshit. Seryoso??? Wala bang lason 'yun???" parang nagpapanic nitong sabi.
"Gago, wala. Umayos ka nga dyan." hampas ko rito at nanahimik naman ito.
"Matulog ka muna, gigisingin nalang kita if doon na tayo." sabi niya pa sa akin kaya agad kong inayos ang seat ko.
"Gisingin mo ako if nangangalay ka na para papalitan kita." sabi ko rito saka pumikit.


Lance's POV

Alas onse na nang huminto muna ako sa isang restaurant para maglunch muna kami ni Elle. Pagtingin ko naman rito ay tahimik lang itong natutulog. Nakaharap na ito sa akin mula sa pagtalikod niya sa akin kanina.

I missed you, Elle.
'Are you willing to forget all those from the past?' Tanong mula sa isang bahagi ng utak ko. I think kaya ko naman. Mahal ko pa rin si Elle and I'll do anything para makuha siyang muli.

Her lips are inviting me again to kiss them.

Ilalapit ko na sana ang mukha ko nang magmulat ito ng mga mata.

"Nasa Baguio na tayo?" tanong nito sa akin at agad naman akong umiling.

"We have to take our lunch first before we continue. It's already 11am." yaya ko rito saka naunang lumabas at pinagbuksan pa siya ng pinto.

Lumabas naman ito at nag-unat. Cute.
Nauna na rin itong pumasok at siya na ang naghanap ng table namin. May nakita naman siya sa gilid na pangdalawahan. Nice, parang date lang namin.

Napangiti naman ako sa naisip at napakunot noo naman itong tumingin sa akin.
"Yan, puro babae ang nasa isip. Baliw na." mataray nitong sabi na agad kong tinawanan.

Tignan mo 'to. Nagseselos na naman. Inilingan ko nalang.

May lumapit naman sa amin na attendant at kinuha ang order namin.

"Gutom na gutom ka na?" tanong ko rito.
"Oo, hindi ako nakapagrice kanina eh." sagot lang nito. Kaya pala ang daming order. Kung hindi ko kilala 'to magugulat talaga ako at magtataka if kaya niyang ubusin ang order niya sa dami.

Inabot ng 15 minutes bago naiserved sa amin ang order namin na agad niyang nilantakan.

Tignan mo 'tong babae na 'to kain nang kain pero hindi naman tumataba. Sakto lang ang katawan niya ngayon unlike noon na ang payat payat nito. Hindi ko naman ito ginugutuman noon. Mas bagay sa kanya 'yung nagkalaman ng unti ngayon.

Kumain rin ako pero natapos nalang ako ay wala pa rin ito natatapos. Natatawa nalang akong masdam siya dahil hindi na niya napigilang magkamay nung kumain na siya ng hipon at crabs sa order niya.

Nangmatapos siyabg kumain ay hindi inaasahang dumighay ito na agad niyang ikinalingon sa mga katabi namin dahil napalakas ang dighay niya.

"Ano ba 'to. Nakakahiya." puna niya pa pero ako tawang tawa sa mga nagagawa niya.

"That's okay, sadyang busog ka lang." hindi ko pa rin napigilan ang tawa ko. Agad naman ako nitong pinanlakihan ng mata saka tumayo para mgaghugas ng kamay.

Nagsignal naman ako sa waiter ng 'bill' at agad kong binayaran.

Pagbalik niya ay pilit niya akong tinatanong about sa bill.

"Magkano 'yung hatian natin? Hehe ang dami ko kasing nakain." Elle, stop being so cute at baka hindi ako makapagpigil na halikan ka rito.

Tumayo naman ako at agad naman itong sumunod. Nasa loob na kami ng kotse at pinipilit pa rin niya ako.

"Dalawang kiss nalang bayad mo sa akin." sabi ko rito na ikinatahimik lang nito saka umirap.
"Nevermind, libre mo nga pala ako." mataray ba sabi pa nito at napangiti nalang ako at nagmaneho.

Elle's POV

Lampas ala-una na nang makarating kami sa Baguio at sa hotel na pag-s-stayhan namin.

Pagbaba namin ay bitbit na rin namin ang mga gamit namin.

Nasa tapat na kami ng Front Desk at ready na mag-check-in. Binigay ko ang IDs' namin ni Lance pero napakunot naman ito at may inasikaso. Pagbalik nito ay kita ko ang kaba nito.

"Sorry Ma'am. Pero wala pong reservation na nakaunder sa name niyo ni Sir, even 'yung company name niyo po wala rin." paumanhin nito.

What???!!

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon