Chapter 8

240K 2.5K 74
                                    

Chapter Eight 


Lance's POV

Fuck !

Agad kong natulak si Jasmine, her Name. Just a fling of mine.

"Ouch!" daing niya ng mapaupo siya sa sahig sa pagkakatulak ko.

"Wait!" tawag ko kay Elle pero dumiretso lang siya sa opisina niya na parang walang narinig.

"Who is she, honey ?" malanding tanong ni Jasmine

"My partner." simpleng sagot ko.

"Hmm. Tinanong ko siya kanina if kilala ka niya pero hindi raw." maarteng kwento nito.

Para naman akong nasaktan sa katotohanang di-neny niya ako.

"Leave me alone." nawalan ako nang gana. Babalik nalang ako sa opisina ko dito.

"Why ? I thought we're going to have our lunch together? " habang hinihimas himas pa ang braso ko.

Muli naman akong napatingin sa pinto ni Elle, I think I have to explain.

Wait ? Why do I have to ? Tanga ka, Lance ? Agad naman akong napailing at tinanggal ang kamay nito sa katawan ko.

"Sweetie?" pagtatawag pa muli nito. Naiirita na ako.

"I said leave me alone!!" sigaw ko sa kanya kasabay naman nang pagtalikod ko dito.

Shit. Hindi ko alam bakit nandito na ako sa harap ng pinto ni Elle at binubuksan ang pinto niya.

Pagpasok ko sa opisina niya ay agad sumalubong sa akin ang Elle na busy sa mga papel sa harap niya.

"Elle, let me explain." bungad kong sabi pagkapasok ko sa loob.

Nakita kong nagulat siya at napatayo pa nga siya sa kinauupuan niya.

"What are you doing here inside my office?" nakataas kilay nitong tanong.

"Iyong nakita mo, ano...wala--" magsasalita pa sana ako ng putulin niya iyon.

"Why do you need to explain that to me ? Ano ba kita ?" tuloy tuloy niyang sabi na parang hindi manlang inalala ang damdamin ko. Wait, Lance ? Seriously? Nahihibang ka na ba?

Hindi pa ako nakakapagsalita nang magsalita muli ito.

"Pwede ba lumabas ka na at may ginagawa pa ako." pakiusap niya saka yumuko ulit sa mga trabaho niya. Habang ako naman ay parang tuta na basta na lamang siya sinunod.

Elle's POV

Pagakalabas nito ay agad akong nakahinga nang maluwag. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang nasaksihan ko kanina.

'Elle ano ba may boyfriend ka.Kaya tigil tigilan mo yang kaiisip mo ng ganyan. Matatapos din ito kailangan mo lang bilisan para makauwi ka na.' saway ko sa sarili ko.

Nagtatrabaho pa ako ng magtext si Stephanie na hihiramin niya daw si Sammy at ipapasiyal sa mall. Agad ko namang tinext si Will na ihatid nalang si Sammy sa mall at susunod nalang ako pagnatapos ako dito.

Stephanie's POV

Kasalukuyan kong kasama si Sammy after siyang ihatid sa akin ni William. Ang cute talaga nitong bata na 'to, kamukhang kamukha talaga ang tatay niya.

Kung hindi ba naman gago si Lance edi sana naenjoy niyang kasama itong anak niya.

"Mommy, Sammy is so cute." kinikilig na sabi ni Sharm sa akin.

"Baby?" saway ko. Naku wag muna baby ko. Ang bata bata mo pa, yari tayo kay Daddy Dave.

"Sorry mommy, I just can't resist his charm." pacute niyang sabi saka tingin muli kay Sammy na nakatingin lang rin sa amin. Mukhang naninibago pa ito pero sumasagot naman if tatanungin ko.

"Okay, tara at kumain na muna tayo.." sabi ko sa kanila saka sila hinawakan sa magkabilang kamay. Pumasok kami sa iisang kilala na fastfood saka humanap ng mauupuan.

"Sammy, what do you want ?" tanong ko rito nang makaupo sila.

"I want chicken Tita with so much gravy and waffles too." sagot nito saka ngumiti na parang nahihiya pa sa pahabol na order.

"Okay. Just wait here ah. Walang aalis." sabi ko rito saka bumaling anak ko na ginaya lang ang order ni Sammy.

Pagkatapos naming kumain ay inilibot ko muna sila. Papunta na sana kami sa Timezone nang biglang bumitiw si Sammy sa kamay ko. Agad namang akong kinabahan sa bilis nitong tumakbo kaya agad kong kinarga si Sharm at saka hinabol si Sammy.

"Sammy!" sigaw ko pero patuloy lang ito sa pagtakbo.

Jusko, may pinagmanahan nga sa kakulitan. Ang hirap pala mag-anak ng dalawa.

Patuloy lang ako sa paghahabol rito nang bumangga ito sa isang lalaki. Agad naman akong lumapit dahil baka magalusan, naku.

Lance's POV

Umalis nalang muna ako ng Samuel L's at pumunta ng mall dahil gusto ko kumain ng waffles. Naglalakad ako papunta sa isang restaurant nang may bumangga sa akin, at automatic naman akong napahawak sa ulo nito sakaling matumba ito pero mas mabilis ito sa akin at agad na humawak sa hita ko.

A kid. Good boy. Pero bakit ba pakalat kalat ang bata dito ?

Pagyuko ko tumingala siya kaya nagkasalubong iyong mga mata namin. Para akong natuod ng makita ko, 'yung itsura nung bata parang ---- para lang akong nanalamin, pero ?

"Sammy,naku! Mayayari ako sa Mommy mo buti nalang hindi ka nasugatan!" pagalit na sabi nung babae doon sa bata ,pero pag-angat ko nang tingin, si Steph ?

"Steph ?" naguguluhan kong tanong dahil hindi rin ako sigurado.

"Lance ?!" gulat naman niyang sabi ng makita niya ako.

"Wait ! Sino yan ?" nagtatakang tanong ko dahil , kaanu-ano niya ba ang batang lalaki ? Ang alam ko babae ang anak nila ni Dave.

"Ah--Eh. Anak ng kapitbahay namin. Sige mauuna na kami ha. Mayayari kasi ako ng Mommy niya. Sige Lance. Buh-bye !" nagmamadaling paalam niya saka akay akay ang dalawang bata, kilala ko yung isa, anak nila ni Dave. Nagkibit balikat nalang ako sa pag-iisip.

Bahala na nga nagugutom na ako.

Stephanie's POV

"Hah!" napahingang malalim ako sa muntik naming pagkabuking.

Buti nalang talaga hindi nahalata ni Lance. Mukhang natrauma ako hiramin si Sammy. Pero hindi bale sa susunod ko nalang sila ipapasyal ni Sharm. Ang hirap ipasyal ni Sammy lalo na' maliit ang mundo.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon