Chapter 27

199K 2.1K 134
                                    

Chapter Twenty-Seven

Elle's POV

Alas-kwatro na nang matapos ako sa mga ginawa ko sa opisina. Late na ako nakapasok dahil may pinaasikaso si Mommy sa akin sa Lopez's at the same time inasikaso ko rin kaninang pagpasok ko ang business na naiwan ko sa States. Kinumusta ko kila Mommy since siya muna ang namamahala 'dun while i'm here in the Philippines.

Tumunog naman ang cellphone ko at agad akong nakatanggap ng tawag mula kay Steph na dadaanan na raw nila ako.

Sakto naman palabas na rin ako. Nakapaalam na rin ako kay William na gagabihin ako at wag siya mag-alala dahil ihahatid rin ako nila Steph or if ever na hindi ako makatext sa kanya mamaya ay baka kila Steph na ako makikitulog. Hindi na rin kasi pinadala nila Steph ang kotse ko since iinom raw kami at siya na maghahatid sa akin pauwi.

Though duda ako sa alcohol tolerance ni Steph ay sumunod nalang ako. Sa bar nila Dave naman kami pupunta kaya panatag akong safe. Magandang sulitin ko na ang mga araw na kasama sila dahil baka napabilis na ang pagbalik namin ng States.

"Hi, Elle." bati nila at pinapasok ako sa kotse. Si Leigh ang nagda-drive na kinindatan lang ako.
"Wait diretso na ba tayo 'dun? Ganito kaagad???" isa-isa ko silang tinignan at agad rin naman silang umiling.
"Syempre, hindi Elle."
"First, we have to change our outfits." taas-baba kilay naman na sabi ni Krista. Agad naman akong tumango.
Namiss ko rin magdress-up kaya ngiting tumango ako sa kanila.
"Great. Nakakahiya naman 'tong office wear ko sa bar." sagot ko pa sa kanila.

Dumaan naman kami sa isang mall and did some outfit change. Halos lahat kami nagpalit sa isang sexy dress. Medyo nailang rin ako 'nung una sa suot ko dahil it's too sexy, kita ang cleavage ko at hanggang above the knee naman ang haba nito. We also paired it to stiletto.

"Wow. Ang sexy natin!!!" puna ni Krista at ni-ready ang phone for picture.
Nagkanya-kanyang pose naman kami na akala mo 'Charlie's Angels+ 2'
"Grabe si Elle at Steph oh. Parang wala pang mga anak. Teach me how Mommies ah...pag naging Mommy na rin ako." patawa-tawang sabi ni Karen.
"Hanap ka muna ng boyfriend." sagot ko rito at agad naman itong sumimangot.
"Ang sakit mo magsalita." parang bata nitong sabi na tinawanan nalang namin.

Alas-sais na nang matapos kami sa paghahanap ng maisusuot. Ang ingay pa namin sa kotse dahil nagkakantahan pa kami habang papunta sa bar. Buti nalang at tinted ang sasakyang dala ni Leigh.

Pagpasok namin ay agad naman kaming inassist ng staff ng bar.
"Buti pumayag si Dave?" tanong ni Karen kay Steph.
"Pumayag nga pero for sure nagmamasid lang 'yan dyan. Sinabihan ko na 'yun na wag siyang magbabalak na makisali sa atin because this is our night. Have fun ladies. It's my treat. Minsan nalang tayo mabuo dahil sa busy schedule kaya sulitin na natin." sagot nito saka itinaas ang basong may lamang cocktail.
"Cheers!" sigaw naman namin saka nagtawanan.

More in reminiscing ang topic namin at napaparami na rin ang inom ko, maski sila kaya medyo may tama na ako. Si Steph halos tulog na pero napapansin ko ngang may umaaligid sa table namin, si Dave. Hindi lang siya nagpapakita.

Naiihi na rin ako sa dami ng nainom ko kaya nag-excuse at tumayo muna ako.

Sakto lang ang dami ng tao unlike sa mga usual bar na medyo siksikan. At halatang may class ang nga guest nila Dave at alam mong mapera.

Mabilis lang akong naka-cr kaya nung makalabas ako ay naisipan ko munang pumunta sa counter to request some water. Agad naman ako nitong binigyan saka ngumiti.

Agad ko namang inubos ang tubig maya-maya naman aynaiinitan ako. Kaya naisipan ko muna ring lumabas para tumambay. Medyo napasarap ata ang lakad lakad ko pero natatanaw ko pa naman ang entrance ng bar. Pabalik na sana ako nang may maramdaman akong humila sa akin.

Lance's POV

Pauwi na sana ako nang bahay at katatapos ko lang rin maghapunan nang may matanggap akong chat sa groupchat namin.

Hindi ko na sana ito papansinin dahil puro sila kalokohansa GC pero naagaw ang attention ko sa message ni Dave.

'Hey dude, can you come over here in my bar. Steph and girls are having their night out ayaw nila akong isali that's why I need you guys.' Chat nito. Instead na dumiretso na ako pauwi ay lumiko ako papunta sa bar ni Dave.

Pagpasok ko naman doon ay agad kong nakita ang table nila.

Wala si Elle.

"Where's, Elle?" bungad kong tanong sa kanila nagkibit balikat naman ang mga barkada ko while si Dave ay sumagot.
"Umihi 'yun kanina pero ang tagal naman ata. Pakicheck raw Lance." utos ni Dave. Agad naman sumunod at tinignan ang restroom pero hindi ko nakita si Elle.
Then I checked the bar counter since mahilig si Elle uminom ng tubig pag nalalasing.
"Hey, may napansin ka bang babae na humingi ng tubig dito kanina?" pagtatanong ko pero umiling ito.

Paalis na sana ako nang tawagin ako ng isang staff from the bar counter.
"Nakita kong lumabas siya doon." Turo nito sa isang exit door ng bar. Agad naman akong nagpasalamat rito at tumakbo papalabas.

Paglabas ko ay may iilang tao pero hindi ko pa rin makita si Elle hanggang medyo nakalayo na ako at wala nang masyado tao dahil malayo na ito sa bar nila Dave.
Babalik nalang ako baka nagkasalisihan kami ni Elle.

"H-HELP!!!!" Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang familiar na boses.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon