Chapter 48

143K 1.5K 80
                                    

Chapter Forty-Eight

Elle's POV

"Dito na kayo matulog, Elle." Pangungulit ni Tita Aya.

"Please..Please..." sunod naman ni Tito Drew and Madeline.

Nahiya naman ako tumangi kasi kahit si Sammy ay gusto rin makitulog sa Lolo't Lola niya.

Sabagay ilang taon ko rin ipinagkait si Sammy sa kanila.

"Mamaii, please..." ginamitan na naman ako ng puppy eyes.

"Ok,ok baby." Sabi ko rito.

Humarap naman ako kina Tita Aya.

"Okay lang po, dito nalang po kami mag-overnight tutal gabi na rin po baka mahirapan na po magdrive si Lance." Sagot ko naman.

Mahinang nagtilian naman sila na ikinatawa ko.

Pamilya nga sila ni Lance, sobrang kulit.

Ewan ko lang if kamag-anak ba talaga nila ang Lola Gretchen nito. Hmp.

Kung hindi lang naman dahil sa Lola nito matagal na sana nitong nakasama ang apo nila.

"Tama, tama. Baka hindi pa tayo makauwi ng maayos." Segunda naman ni Lance.

Tumango tango naman ang pamilya nito.

Hmp. If I know pabor sa kanya ang pagtulog namin dito.

Try ko ngang asarin.

"Sa guestroom nalang po ako, Tita." Sabi ko.

Nanlaki naman ang mata ni Lance.

"What? No way!" mabilis na sagot naman ni Lance.

"Why? Syempre makikitulog ako kaya dapat lang na sa guestroom ako." Taas kilay kong sabi sa kanya.

"Mommy diba sira ang guestroom natin!" pangungulit nito kay Tita Aya.

"Ha? Parang hindi naman." Tumingin naman ako rito na nakangisi.

Ano ka ngayon, Lance.

Napapadyak naman ito ng paa. Parang bata talaga.

"Mommy naman eh." Tantrums pa nito.

Jusko, tinalo pa si Sammy.

"Hoy, tumigil ka nga tinalo mo pa ang anak mo." Saway ko rito pero nagtawanan lang ang pamilya nito.

"Sige na, Elle at dumiretso ka na sa guestroom." Biro naman ni Tito Drew.

Natatawang tumango naman ako at maglalakad na sana nang hilain ako ni Lance paakyat.

"No!" sigaw pa nito saka ako hinila papasok sa kwarto niya.

Tinawanan lang nila Tita ang pagiging childish ng anak at pinagtulakan pa ako sa anak nila.

Napahawak naman ako sa bibig ko dahil hindi ko na napigilang tumawa.

"What?" kunot noo nitong tanong sa akin.

Tumigil naman ako ng tawa at sumeryoso.

"What, what?" tanong ko rin rito. Hindi naman ito sumagot kundi hinila lang muli ako nito at niyakap saka pabagsak na humiga.

"Dito ka lang sa tabi ko matutulog..." mahina nitong bulong.

Tahimik lang ako habang yakap yakap ako nito.

"I love you, Elle."

Hindi naman ako umiimik.

"Grabe ka, lagi mo nalang ako tinutulugan." Akala siguro nito nakatulog ako.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon