Chapter 29

202K 2K 107
                                    

Chapter Twenty Nine

Lance's POV

Buhat ko si Elle habang papasok sa bahay ko. Napangiti naman ako pagbukas ko ng pinto ko.

Alam niya pa rin, the passcode of my door. Our anniversary.

Agad ko naman siyang dinala sa kwarto at inihiga. Tinanggal ko naman ang sapatos niya at pinalitan siya ng damit. I still have her things. Wala namang nagbago. Maybe nagalit ko sa kanya pero hindi ko naisipang tanggalin ang mga gamit niya rito. Natakot na ata ako magmahal after ni Elle. Naiisip ko paglalaruan lang rin ako tulad niya but it turns out that i'm so fucking wrong.

I know sobrang nasaktan ko si Elle but knowing the truth...i'm so fucking guilty. She's doesn't deserve the humiliating scene after I ran away. Maybe I'm so stupid for hurting her kaya ngayon gumagawa ako ng paraan para makabawi at mabawi ko siya.

I don't care kahit may boyfriend na siya ngayon. I can feel it, I still affect her. If I need to get her sa boyfriend niya edi gagawin ko kasi nararamdam ko ako pa rin. Ako pa rin ang mahal niya. I still have the chance.

Nang matapos ko siyang palitan ay umupo ako saglit sa gilid ng higaan. Kahit naman mahal ko si Elle I still respect her. Baka magdala ng trauma sa kanya ang nangyari kaya ayaw tumabi sa kanya...kahit na gusto ko. Napansin ko rin ang ilang galos sa bahaging braso nito kaya ginamot ko na rin mas lalo akong nagalit sa tatlo sa nakita kong mga sugat kay Elle.

I hold her hand. "I'm very sorry, Elle. I'm sorry. I'm sorry for being late. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may nangyari sayong masama. Alam ko hindi sapat ang sorry para sa lahat ng mga kasalanan ko pero gagawin ko ang lahat para makuha ka muli. Hindi ako titigil dahil alam kong may chance pa." sabi ko rito kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

I kissed her forehead. Tumayo ako saka dumiretso sa mattress na nilagay ko sa sahig.

Paghiga ko ay saka naman ako napatingin sa kisame. Ngayong kasama ko si Elle hindi ko mapigilang isipin na sobra kong sinayang ang limang taon. Ang gago ko sa paniniwalang niloko ako ni Elle. I didn't let her explain her side.

"I'm so sorry, Lance." nagulat ako nang pumasok si Lola Gretchen sa room ko. I've been smiling the whole time while looking at the mirror. Ikakasal na kami ni Elle tomorrow. And I can't wait for tomorrow to wait her in the aisle walking towards me.

"Hi Lola, why 'sorry'? Should it be 'congratulations'?" I smiled while greeting her and kisses her cheek.

"I have to tell you something." bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa paraan ng pagbanggit ni Lola. Hindi naman ako nakasagot sa kanya.

"I'm so sorry, Lance. We set you up." pag-uumpisa niya. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan.
We?

"I paid Elle to make you fall for her!!!" hagulgol ni Lola.

"I'm so sorry, apo. Hindi ko akalaing aabot sa ganito."

"What?" naguguluhang tanong ko pa rin sa kanya.
"Everything is just a show. I paid Elle to make you fall in love with her. We have contract pero hindi ko aakalain na aabot kayo sa kasal. Then last week pinuntahan niya ako just to claim her prize at ayaw na raw niyang makasal sa'yo. La-layo na raw siya." umiiyak na paliwanag ni Lola.

"Pero nagbago ang isip niya sa lalayo. She told me that she will just ditch you on the day of you wedding para mapahiya ka sa mga guest niyo. She'll said no. Please apo, you have to believe me." She continued. Tila hindi maprocess ng utak ko ang mga sinasabi ni Lola.

Basta ang naiintindihan ko lamang ay binayaran niya si Elle to fall in love with me.

"Wait? If you paid for her bakit galit kayo sa kanya nang magkita kayo? And bakit may kontrata? Apo mo ako and you let me hurt because of her???" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Napahinto naman ito.

"I-I...I was mad at her dahil pinaglalaruan ka nalang niya!!! Tapos na ang usapan namin at ayaw ka pa niyang iwan kaya galit na galit ako sa kanya." bigla namang umiba ang mood nito.

"And...I just did it because I just want you happy. Yes, I planned making her falling in love with you then I see you happy with her but everytime na nagre-report siya about sa'yo she always says na pagod na pagod na siya. Nagtitiis nalang siya sayo. And I can't take that. Until you told me about this wedding." umamo naman muli ang itsura nito.

"No. That's not true. Sinisiraan mo lang si Elle sa akin." sabi ko pa. Hindi ako naniniwala.

"It's true!!!" sigaw naman niya.

"I have —- I have proof!!" Sabi niya pa saka nagmamadaling binuksan ang bag niya.

"I have the contract she signed, a voice recorder." sabi niya pa. No. It's not true.
Pailing-iling pa ako sa nakita at narinig ko. Yes, same Elle's sign and Elle's voice. But I still can't believe this.

"I have to confront her..." tila natataranta ko ring sabi.

"She can't do this to me."

"She loves me." agad akong niyakap ni Lola. I didn't i'm already crying. "Stop crying,apo. She doesn't deserve your tears." sabi pa nito sa akin.

"I have to go to her, Lola." nagpupumilit akong tumayo pero pinigilan niya ako.

"No, you don't have to go to her. My proofs are already enough and the best thing you can do right now is not to attend the wedding.If you confront her for sure she will just deny everything." ani niya.

"Dahil hindi na rin siya pupunta bukas. It's better if you stay here and don't contact any body. Oh wait —- better not stay here. Pumunta ka sa place na hindi nila alam. You have to hide from that bitch!" dagdag niya pa. Hindi ko maintindihan kung saan galing ang galit ni Lola. Sa hindi namamalayan naabsorb ko 'yung galit niya. Nagagalit ako kay Elle. I have to make sure siya lang ang mapapahiya  sa gagawin niya.

There's a part of me want to hear her side but there are proofs. My heart is aching. Sobrang minahal ko si Elle. Hindi ako makapaniwala na all this time palabas niya lang ang lahat.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon