Chapter 14

225K 2.2K 75
                                    

Chapter Fourteen

Lance's POV

Ewan ko kung anong nagtulak sa akin na sabihin iyon pero namimiss ko na talaga siya. Totoo.

Kaya 'nung bumalik na kami sa lamesa namin, tahimik lang siya tapos hindi pa masyadong umiimik.

"Hey.." untag ko rito. Lumingon naman siya tapos tumingin sa akin na parang nagtatanong ng pakay ko.

"Sorry.." sabi ko sa kanya.. Mukhang mas naguluhan naman siya dahil kumunot 'yung noo niya.

"Kung naiilang ka kalimutan mo muna. Wag mo munang isipin 'yung mga iyon tonight." nakita ko namang huminga muna siya ng malalim.

"Okay." sagot niya sabay inom ng wine sa glass niya.

Medyo nawala na ang ilang niya sa akin nang mag-open ako ng topic about business. Nagke-kwentuhan lang kami about sa business nang mapansin kong tipsy na siya kaya inalalayan ko na siya papuntang kotse, ihahatid ko na siya sa kanila.

Mababa pa rin talaga ang alchohol tolerance niya.

Nang nasa harap na kami ng bahay nila, nakita kong tulog na siya.. Nagstay muna ako sa kotse ng ilang minuto 'nung ibaba ko na siya hindi ko napigilang titigan 'yung labi niya.

Her lips are inviting me to kiss it, so I did.

I kissed her na parang kami lang ang tao sa mundo. Hinawakan ko pa yung mukha niya pero tulog pa rin siya.

I missed her...I missed her lips. Kahit nakaw na halik lang, okay na sa akin. Basta mahalikan ko lang siya.

Nang matapos ko siyang halikan ay binuhat ko na siya at nagdoorbell, pinagbuksan naman ako agad ng katulong nila, same na katulong sa nagbukas sa akin nakaraan kaya namumukhaan na ako nito.

"Good evening, Sir. Ano pong nangyari kay Ma'am Elle?" medyong nag-aalalang tanong nito.

"Pasensya po, Manang. Napainom lang po ng unti..." sabi ko sabay tanong ng kwarto ni Elle.

"Nasaan po iyong kwarto niya, ako na po magdadala sa kanya." tanong ko pansin ko wala 'yung boyfriend nito, baka tulog na.

"Doon po sa color pink na pinto." sabay turo niya sa nag-iisang pink door na napapagitnaan ng dalawang asul na pinto.

Iba na kasi ang design ng bahay nila tapos may mga bagong katulong.

"Sige po, ihahatid ko na po siya..." tumango naman si Manang at umalis, kukuha lang raw siya ng tubig. Dumiretso naman ako sa kwarto ni Elle.

Dahan dahan ko siyang nilapagc hinubaran ng sapatos at tinakluban ng kumot. Tumabi ako sa kanya at nang makaupo ako ay hinaplos ko yung mukha niya. I really missed caressing her face like this lalo na pag nagcu-cuddle kami. I missed having her around me.

Magtatagal pa sana ako nang makarinig ako ng ingay sa labas.

"Is Mamaii's home?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses ng bata.
"Yes buddy and she's sleeping right now."
"But I want Mamaii to read me bedtime story" pagpupumilit pa nito.
"Sorry buddy but your Mamaii is in a deep sleep na. Ako nalang magbabasa para sayo."
"Okay po.." sagot nalang ng bata at tumahimik na.

'Yan yung mga narinig kong conversation sa labas pero 'nung lumabas ako wala namang tao. Guni-guni ko lang siguro sa kalasingan ko.

Para ko tuloy namiss bigla si Sammy.

Paalis na sana ako nang makita kong lumabas si William from one of the blue room.

"Salamat sa paghatid kay Elle." sabi lang nito saka pumasok sa kwarto ni Elle.

Ako naman ay inalalayan ng katulong nila hanggang makalabas.

Pagkatapos kong ihatid si Elle umuwi na ako.

Hindi ko napigilang mapangiti nang maalala ko ang nakaw kong halik. It's my lucky night.


Elle's POV

Nagising akong masakit unti ang ulo ko pero hindi 'yung sobra.

Luminga linga pa ako para makita ko paligid at nakita kong nasa kwarto ako and I saw my two babies that glaring at me, nakapamewang pa.

"What?" maang kong sabi.
"You looked so wasted, Mamaii!"
"You went home late, hon ah." pagalit nilang sabi ang cute tuloy nilang dalawa.

"Sorry.." tumayo naman ako sa kama ko at yumukod sa kanila para halikan sila pareho.

Agad naman pinahid ni Sammy ang bibig nito.
"Ewwww." What? Arte na ng anak ko ah. Samantalang si William ay lumayo sa akin na natatawa.

Wait ? Ganun ba kasama?

"Edi wag! Binabawi ko na!" ako naman ang nagtampo sa kanila at lumayo. Agad naman nila akong dinamba ng yakap pero nakatakip pa rin ang ilong.

Pinagkikiliti ko naman silang dalawa sa kapilyuhan nila at tawa naman sila nang tawa.

Nagbonding lang kami all day sa bahay, nagpicnic kami sa likod ng house at nag-night swimming.

Maagang nakatulog si Sammy dahil sa pagod. Kaya kami nalang ni Will ang nag-night swimming.

We're currently in pool and hugging each other.

"Thank you, Babe. Kahit busy ako nitong mga nakaraang araw nandyan ka pa din to support me at the same time alagaan kami ni Sammy." sabi ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.

This man is too good to be true.

"It's okay, hon. You know how much I love you,right?" he said sabay halik sa noo ko. I'm so grateful to have this man beside me.

"I love you babe" he said
"I love you too." I answered back and kissed him.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon