Chapter 32

201K 2K 55
                                    

Chapter Thirty -Two


Elle's POV

3 Days to go at Family Day na nila Sammy and until now hindi ko pa rin nasasabi kay William dahil halos hindi kami nagkakaabutan these past few days. Masyado ata siyang busy. I would like to inform him thru text message but syempre mas better if I tell him personally since we're living in the same roof.

Like today pupuntahan ko sana siya sa room niya pero pagpasok ko wala siya. He just sent me a message of 'Good Morning" and telling "Sorry" that he will be busy this week and he's sorry dahil ipinasa niya muna kila Manang ang paghatid at pagsundo kay Sammy sa school.

Nagtataka na ako dahil wala sa text message niya ang pag-explain why he's so busy these days.

So, it means hindi siya makakasama sa amin ni Sammy for the Family Day. Excited na pa naman si Sammy since it's his first time together with us. Dapat ko na ring sabihin agad kay Sammy para hindi na siya maghintay kay Tito Will niya on the day of the event. 

My poor baby, it's okay Sammy. You still have me naman kahit always pa.

Before ako pumasok sa work sinabihan ko na sila Manang na instead na sila ang susundo kay Sammy ay ako nalang muna since I have time naman, for Sammy magiging available ako. Hindi ko lang nagawa 'nung una since Will volunteered to do it. May business rin kasing inaasikaso si Will so I also have to understand him.

Bago rin ako pumasok ay isinabay ko na si Sammy. Inuna ko lamang siyang ihatid bago pumunta ng office. I also informed him na magla-lunch kami mamaya.

"Good morning, Ms Elle." Bati ni Karol sa akin pagdating ko. Agad naman itong sumunod sa akin to discuss what I have to do this morning. Sinabihan ko rin siya na until 11am lang ako this morning kaya no activities na ako after that and I'll resume ng 1pm.

"That's all po Ms. Elle. Tumawag rin nga po si Sir Lance to schedule a meeting with you today pero puno na po ang schedule niyo today." Tumango nalang ako rito saka siya pinalabas.

Agad naman ako napahawak sa dibdib ko. Mabilis na naman ang tibok nito. Baka may sakit na ako? Agad naman akong umiling at bumalik sa trabaho. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. It's a text.

'Can we talk, pls?' Sino pa ba? It's Lance.

Hindi ako nagreply at nanatiling nagtrabaho.

Lunch time at kailangan ko nang pakainin si Sammy. Papunta na akong sa kanya nang makatanggap ako muli ng text from Lance.

'Please, Elle. Do I have to wait for you outside of your house para lang kausapin mo ako?' agad naman akong napahinto ng lakad sa text nito.

Syempre hindi pwede 'yun! Bukod sa pag-aalala ko na masaktan na naman si William ay isa na rin si Sammy na pwede niyang makita if hihintayin niya ako 'dun.

Agad ko naming tinawagan ang numero nito at isang ring pa lamang ay sinagot na ako agad.

"Elle? Kakausapin mo na ba ako??" bungad nito sa akin. Napapikit naman ako sa nagmamakaawang boses nito.

Elle, wag kang magpapaut---

"Lance, please. I'll just text you the details. Wag ka na magtext." Okay, kikitain ko nalang siya para matapos na ito. Sobrang nahihirapan na rin ako sa ginagawa ni Lance. Kasi the more na nagpaparamdam ito, the more na nahihirapan ako. 

I have to end this. Pareho lang kaming nahihirapan.

Pagdating ko sa school ni Sammy ay nakita ko itong ngumiti saka lumapit patungo sa akin at humawak agad sa kamay ko. Papunta naman kami sa parking lot nang tanungin ko naman siya,

"How's your morning class, baby?"

"It's good, Mamaii. Especially you're the one who fetch me!" humagikgik pa ito saka humalik sa kamay ko. Awwwee, my sweet baby.

"Hungry?"

"Yes! Chicken, please." Request nito saka ngumiti muli ng nakaloloko. "Jollibee." Bulong niya pa. Natawa naman ako. Ang kulit ng baby ko. Pagdating ng parking lot ay pinagbuksan ko siya ng pinto at para na rin ilagay ang seatbelt niya. He cheekily smiled at me na mas lalo nitong naging kamukha si Lance.

"Thank you, Mamaii." I just smiled at him too at umikot para sa driver's seat.

Hapon na at nandito na ako sa labas ng school ni Sammy. Susunduin ko na ito.

"Elle!!!" narinig kong tawag sa akin. Paglingon ko si Steph. Mukhang magsusundo rin kay Sharm.

Nanlalaki pa ang mata nito saka ako mahinang hinampas.

"Naku, buti na lamang ay ako na ang sumundo kay Sharm balak pa naman magvolunteer ni Lance dahil miss na niya raw ang baby Sharm namin." Kwento nito at this time ako naman ang nanlaki ang mga mata. 

Shit! Buti nalang at si Steph nga kung hindi makikita pa ako ni Lance dito at talagang mangangapa ako sa maisasagot ko.

"Buti nalang! Talagang hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkataon." Sagot ko naman sa kanya.

"Kailan mo ba balak ipaalam kay Lance? Sa totoo lang Elle mas mabuti pang ipaalam mo na sa kanya ngayon." sabi nito sa akin habang papasok kami ng school nila Sammy.

Tumingin naman ako rito saka nagsalita. "Nahihirapan ako Steph. Natatakot ako baka kunin niya sa akin si Sammy." Umiling iling naman ito.

"Elle, hindi magagawa ni Lance 'yun. Sa nakikita ko ngayon mukhang mahal ka pa rin ng tao."

"Steph ---- may boyfriend na ako at mahal ko siya. Hindi na kami pwede. Hindi naman porket mahal niya ako ay ganun-ganun nalang." Sagot ko sa kanya at bumuntong hininga na lamang ito.

"At humahanap pa ako ng tamang tyempo para sabihin kay Lance...Soon, Steph...Soon." ngumiti naman ito sa akin.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon