Chapter 44

143K 1.6K 72
                                    

Chapter Forty-Four

Lance's POV

I'm waiting for Sammy's reaction. We're both watching and waiting.

Kung kanina lamang ay medyo okay na ako sa pagkakasakit ko ngayon parang kinukumbulsyon na muli ako. Hindi na rin ako mapakali. Naiisip ko palang na aalis si Sammy sa harap ko dahil ayaw niya sa akin or hahampas-hampasin ako nito ay natatakot na ako. Sumasakit na ang puso ko.

I don't want to see him to hate me. Kanina nga lang na sumagot siya na nagtatampo siya sa akin ay nasasaktan na ako, hindi namin ginusto ni Elle 'to for Sammy, it's all my fault if magagalit siguro siya I know I deserve it. Gago kasi ako. Sana lang ay mapa---

"I know po." Nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Nakatingin lamang ito sa akin na parang inuusisa ang buong pagkatao ko.

"I know po na you're my Daddy." Parang hindi ako makahinga sa way nito nang pagtingin sa akin.

"W-What?" gulat na tanong ni Elle. Parehas kaming gulat. Paanong nalaman ni Sammy ---

"Tito William told me."

What? How?

"Before he leaves nagwhisper po siya sa akin na wag na raw po ako po ako mag-cry dahil darating naman raw po si Daddy sa Family Day ko. Then when Tito Lance appeared there then I assumed po na siya nga po ang Daddy ko. And whenever I look at him po we're almost same. Kaya po pala hindi tayo magkamukha Mamaii, dahil kamukha ko po si Daddy." Mahabang sabi ni Sammy. Napatakip naman si Elle ng bibig sa gulat at naiyak.

"Kaya pala..." sabi ko naman. I remember the text message I received.

"Kaya pala that day I received a text na I have to go there. Nagdadalawang isip actually ako if saan dapat ako pumunta sa Family Day since I'm just the uncle of Sharm so dapat nga ba ako pumunta doon?" I know I can be with them pero iba pa rin 'yung may anak ka na kasama talaga doon. Usually parents at yung anak lang naman nila 'yung nag-attend doon.

"Then yes buddy, our features too. Naalala ko 'yung one time na nawala siya sa mall at ako ang nakita sa kanya. Nung nireport ko siya sa lost and found akala nila niloloko ko lang sila bakit raw ire-report ko na nawawala ang anak ko." I also remember the time na unang kita namin na para akong nanalamin at yung time na akala ko talaga nakabuntis ako ng kapitbahay nila Steph.

"What? Nawala si Sammy sa mall?" hindi napigilang bulalas ni Elle.

"Ooops." Parehas naman naming reaksyon ni Sammy.

"Hala lagot tayo kay Mamaii." Sabi ni Sammy at sumiksik pa sa akin. Naiiyak na natatawa naman ako. Ang anak ko, sobrang lambing. Dugo't laman ko ito.

"Sorry, Mamaii. Na-lost lang po ako sa mall dati, it's not yaya's fault po. Sorry." Ginagamitan na naman nito si Elle ng pa-cute nitong mukha. Mukhang alam ng anak ko kung saan ang kiliti ng Mommy niya.

"Kaya nga Mommy, buti nalang ako nakakita sa kanya. Natakot rin nga si yaya that time since ang tagal bago niya kami nakita." Tinry ko naman itong gayahin.

"Heh. Tumigil na kayong dalawa." Sabi lang ni Elle na muntik ko nang tawanan. Unti-unting Nawala yung tension at kaba na nararamdaman ko kanina.

Nagkatingin naman kami ni Sammy at agad naman ako nitong niyakap.

"Daddy..." bulong ni Sammy. Nanigas naman ako sa tawag nito sa akin.

Daddy..

Finally...Ilang araw ko ring hinintay ang pagkakataong ito at sobrang sarap pala sa pakiramdam na matawag kang Daddy ng sarili mong anak. Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako sa sobrang saya. Niyakap ko ng mahigpit si Sammy.

Nakatingin naman ako kay Elle and mouthes 'Thank you.' to her, I know Thank You isn't enough para sa lahat ng mga sacrifices niya for Sammy, sa lahat ng mga pinagdaanan niya and I just wanna give her the world.

Naiiyak rin na ngumiti ito sa akin. Hindi ko naman namamalayan na sobrang higpit na pala ng yakap ko kay Sammy.

"Daddy, I can't breathe!" agad ko namnag niluwagan ang yakap ko rito at umalis rin ito sa pagkakandong sa akin.

Lumapit ito kay Elle at hinila ito papalapit sa amin.

"Hug. Finally, I have complete family. I have my Mommy, I have my Daddy." Bungisngis pa nitong sabi.

Parehas naman kaming natawa ni Elle then we ended up hugging Sammy together.

Elle's POV

Sobrang gumaan ang pakiramdam ko after saying the truth to Sammy.

May kahati na ako ngayon sa sweetness ni Sammy, dati sa akin lang siya ganyan even kay William hindi siya ganyan ka clingy.

I still can't believe sa nagawa ni William. Hindi naman ako galit, nagulat lang talaga ako kasi natatakot ako sa pwedeng maging reaction ni Sammy and I didn't expect to be this smooth.

Bumalik naman ako sa realidad at lumayo na sa yakap nilang dalawa. Tsansing na 'yung isa eh parang ako nalang 'yung niyayakap.

"Why are you here, Daddy?" tanong ni Sammy kay Lance. Bakas pa rin kay Lance ang gulat tuwing tinatawag siyang 'Daddy' ni Sammy.

I know, sobrang saya nito ngayon.

"I have to follow you, kayo ni Mommy mo so I can finally be with you. Can you help Daddy?" tanong ni Lance.

"About what naman po?" nagtatakang tanong naman nito.

"Can you tell Mommy to give me the chance to be with you two?" Huh? Pumayag na rin naman ako ah.

Napaisip naman si Sammy na parang inaanalyze ang sinabi ng Daddy nito.

Bakit pa nito ginagamit si Sammy eh okay na kami?

Binulungan naman ni Lance si Sammy at agad nagningning ang mga mata nito.

"Yes, yes." Sagot ni Sammy.

Bumulong muli si Lance saka lumapit sa akin si Sammy.

"Mamaii..." umpisa nito, Parang hindi maganda ang nararamdaman ko sa sasabihin ni Sammy ah.

"Mamaii...Can...Can Daddy live with us nalang...Please...." Paawa na sabi nito sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Sammy.

"Lance!!!!" inis na sigaw ko rito.

"Ano namang tinuro mo dito!!" hahampasin ko pa sana ito pero agad nitong kinarga si Sammy at tumakbo palabas.

Habang hinahabol ko sila ay napahinto naman kami ng makasalubong namin sila Mommy at Daddy.

Seryoso silang nakatingin sa amin.

"Sir..Mam." kinakabahang sabi ni Lance.

"Why are you calling them Mam & Sir, Daddy?" sabat ni Sammy.

Humingang malalim naman si Daddy.

"Elle, get Sammy from this man." Daddy said. "And you, follow us." Sabi naman nito kay Lance.

Natakot naman ako sinabi ni Daddy at agad kong kinuha si Sammy. Samantalang si Lance ay walang bahid ng takot sa sinabi ni Daddy. Nauna naman sila Daddy at Mommy sa library.

Ano kayang sasabihin nila kay Lance. Natatakot tuloy ako baka ilayo kami ni Daddy kay Lance.

Wag naman sana.

My Runaway Groom (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon