Chapter 31

35.5K 217 9
                                    

CHAPTER 31

Tumikhim ako ng konti. Hindi ko alam kung sa anong paraan ko sasagutin ang tanong ni Sophina. Tama bang sagutin ko sya na masaya na si Paraiso sa kung anong mayroon kami ngayon? Hindi kaya maoffend naman sya.

I hate myself, iniisip ko ang mararamdaman ni Sophina. Pero sarili kong nararamdaman hindi ko na mabigyan nang halaga. Kung nasasaktan sya, nasasaktan din naman ako.

Bakit ako ganito? Kinokonsyensya ba ako nang puso ko? O baka naman pinakakaba lang ako nang utak ko?

Pero iba na ngayon. Marami na ang nagbago. Ang takbo ng buhay ni Sophina, ang takbo ng buhay ni Paraiso at maging ang takbo ng buhay ko.

Nakaya ni Sophina na wala si Paraiso sa kanya kaya nya ito iniwan. Nakamove-on na si Paraiso sa mga nangyari, ako na ang mahal nya ngayon. At ako, mas minahal ko na nang sobra si Paraiso. Tinanggap ko ang lahat ng sakit na naranasan ko nuon, hindi na ako papayag na maulit yun ngayon. Hindi na ako pwedeng bumalik sa dati, hindi pwedeng wala sa akin si Paraiso.

Kailangan lakasan ko ang loob ko, nakatingin pa rin sa akin si Sophina. Hindi ako dapat pasindak sa mga tingin nya, isa lang syang babaeng walang kwenta. Nagsayang ng pagmamahal, nagsayang ng lalaking sobra kung magpahalaga. At ngayong nasa akin na ang taong binaliwala nya, hindi na ako papayag na mapasa kanya ulit ang taong yun. Neknek nya.

“He’s fine. Doing well, he’s happy with his life now.” Mariin kong sabi sa kanya.

Ngumiti si Sophina, I don’t know if she’s faking her smile pero nakakairita yung ngiti nya.

“Wow. Good to hear that, I’m glad that he is okay.” Hindi pa rin maalis sa mukha nya ang ngiti nya, naiinis na ako.

Humigop ako ng konti sa kapeng inorder ko, kailangan kalmado lang ako. Kailangan maitawid ko ang conversation na ito na hindi ako ang magmumukhang masama. Pero kung may masabi lang si Sophina na kahit ano para tuluyan na akong mainis, ewan ko na lang kung hindi magkagulo dito sa coffee shop.

“You should be thankful.” Sarkastiko kong sabi sa kanya habang tinitignan sya sa mga mata.

“Thankful for what?” wow, parang inosenteng-inosente sya kung magtanong. Napakunot pa sya ng noo.

“That he is okay by now.” Nakatingin pa rin ako sa kanya, uminom naman sya sa cup nya.

“Oh yeah, I know.” She somehow smiled again.

Hindi na ako nagsalita saka tumingin sa labas ng bintana. Mukhang mahina ang sense of humor nya. Hindi ko na rin alam kung saan pa tatakbo ang usapan naming dalawa. Wala naman kasi talaga akong balak na makipagusap sa kanya. Bakit ba kasi lumapit pa sya, siguradong nakikichismis lang sya eh.

“I have a confession to make,” she spilled out.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon