Chapter 21

50.8K 292 36
                                    

CHAPTER 21

….I can’t do this..”

 

I was like hanging at the edge of a very high building. Feeling ko nilagay ko na ang sarili ko sa kapahamakan. Pero yun yung nararamdaman ko, hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin ang gustong mangyari ni Kuya Gideon.

He first looked into my eyes in few seconds, and then he immediately moved away his body from me. Tumayo si Kuya at madaling lumabas ng kwarto ko. Sa mga sandaling yun, nakaramdam ako ng pagkaschock. Hindi ako makagalaw sa pagkakahiga ko sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame.

Hindi ko akalain na kayang gawin yun sa akin ni Kuya”. Yan ang tumatakbo sa isipan ko.

Isang malakas na pagsara ng pintuan ang narinig ko mula sa labas ng kwarto. Si Kuya yun, umalis na sya. I feel like I was kinda relieved.

Still laying on my bed, napahawak ako sa aking mga labi. Sa mga labi ko na kanina ay nasasarapan at ayaw lumaban sa mga halik ni Kuya. I turned at the other side of my bed, hindi ko namalayan na may mga luha ng pumapatak mula sa mga mata ko.

I hate it. Anong gagawin ko? Paano pag nakita ko ulit si Kuya? Dapat ko bang sabihin kina Daddy? Paano pag nagkita kami, baka ulitin nya ulit itong ginawa nya?

Hindi ko namalayan, unti-unti na akong natatakot kay Kuya. Pero ako si Rovainn Starr, kailangan kong lumaban.

Madali kong pinunas ang mga luha sa mata ko. I’ll just forget this day. I’ll just forget what happened. Tama, yun na lang ang gagawin ko. sooner or later, I’ll talk with Kuya. The same way on how we talk to each other.

________________

“God Girl, tignan mo si Columna. After a week saka lang ulit nagpakita sa klase. Ano ba yan, irregular student na nga ganyan pa sya.” Napatingin naman ako kay Columna na kakaupo lang sa upuan nya.

Well, katabi ko naman si Kleir. At ito, ang topic naman ngayon ay ang irregular student na once in a blue moon lang pumasok sa klase nya sa amin.

I just looked at her while chewing a gum. Naalala ko pa rin nung huling araw ko syang nakahalubilo. Sa Casa Brierra yun kung saan nagmukha syang kawawa. Hmm.

“Alam mo Kleir, naiinis talaga ako sa babaeng yan. Hindi ko alam kung bakit, she’s not doing anything to me. Pero sa tuwing nakikita ko sya, pinagiinit nya ang dugo ko.” hindi ko magawang alisin sa paningin ko si Columna.

Simula kasi nung araw na naging kaklase namin sya, iba na talaga ang pakiramdam ko sa kanya. I can feel it, she’s a bitch. Kahit maguniform pa sya ng Springton, mukhang hindi pa rin sya nagaaral. I wonder how it happened na nakapagenrol sya dito sa Springton? She doesn’t look rich, and she doesn’t look like a scholar dahil irregular student sya nga sya. Nakapagtataka, pag ako nainis ipapatanong ko kay Lola kung paano nila natanggap yang ganyang magaaral dito.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon