Chapter 22

48.6K 301 33
                                    

CHAPTER 22

Nagpigil ako ng galit, inis, puot at suklam na nararamdaman ko.

Overreacting ba? Pero totoo kasi! Lahat nang mga yun nararamdaman ko ngayon. Tangna! Yung bitch na yun ang kasama ng Daddy ko sa kama nila ng Mommy! Kahit sino maiintindihan ang nararamdaman kong ito. I hate them, especially that bitch. For sure ginagamit nya lang ang Daddy ko.

Tumalikod ako at naglakad na papunta sa kitchen, mas kinailangan ko ng tubig na maiinom dahil sa nakita ko. Pero habang naglalakad ako papunta sa kitchen hindi mawala sa isip ko yung mga narinig ko, pati na rin yung nakita kong bag ni Columna sa kwarto nila Daddy. Hindi ako maaaring magkamali, grabe naman kung may kapareha sya ng bag. Posible yun pero tingin ko talaga si Columna yun, pati na rin kasi yung narinig kong boses galing sa kasama ni Daddy. Sigurado akong sya talaga yun.

Hindi ako agad na pumanik pabalik sa kwarto ko. Parang may part sa utak ko na sinasabing sugurin ko na sina Daddy, pero may part din sa utak ko na sinasabing wag. Maging ako naguguluhan na dahil sa mga ginagawa nila.

Ang dami-dami ko ng iniisip ngayon dumadagdag pa itong problema sa pamilya. Una ang nalalapit na coronation night ng pageant, pangalawa yung presentation namin. Pati si Roviann at ang boyfriend nyang si Theus iniisip ko na din. Si Kuya Gideon pumasok na rin sa utak ko. Higit sa lahat si Paraiso, above all sya yung talagang naiisip ko madalas. Pero ito na nga, bigla pang dumagdag si Columna at ang Daddy ko.

Napahilamos ako ng aking mga kamay sa mukha, parang maiiyak ako sa dami ng problemang kinakaharap ko ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin ito kay Mommy at lalo na kay Roviann, ayokong masaktang silang dalawa.

Bumuntong hininga ako ng malalim, binitawan ko na lang ang baso sa lamesa at lumabas na ng kusina. Nakayuko akong naglakad sa hallway hanggang makarating ako sa hagdan. Hindi ko pa man naitatapak ang kanan kong paa sa unang baiting, natigilan na ako agad nang may pababa mula sa hagdan. Tinignan ko agad kung sino, hindi naman ako nagkamali sa instinct ko.

Si Columna nga, nagmamadali syang bumababa ng hagdan. Halata sa hitsura nya dahil hindi pa sya gaanong nakaayos ng sarili nya. Nakasukbit sa kanan nyang braso ang isang strap ng sira-sira nyang bag habang ang isang strap ay nakalaylay lang. Napaghahalataan talaga syang nagmamadali.

Samantalang ang isa nyang kamay ay ginagamit nya para ayusin ang magulo nyang buhok, habang ang isang kamay ay pilit na ibinababa ang nakatuping laylayan ng kanyang palda. Napahinto sya sa pagbaba ng makita nya akong nakatayo lang sa dulo ng hagdan. She’s in the state of shock, yan ang nagregister sa mukha nya ng makita nya akong nakacross arms at nakataas ang kilay.

“Sabi ko na, tama ako sa kutob ko sayo. May maitim kang sikreto, at ngayon lumabas na rin ang katotohanan. Hindi mo na ako nasurprise, I guess ikaw pa itong nasurprise. Am I right, bitch?” mas lalo akong napupuno ng galit habang sinasabi ko ang mga iyon. Pakiramdam ko rin na namumula na ang pisngi ko sa tindi ng galit ko sa kanya.

“R-Rovainn..” mautal-utal nyang sabi, nanginginig ang boses nya.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon