Chapter 28

43.3K 276 53
                                    

CHAPTER 28

Laking gulat ko ng makita ko si Roviann na nakatayo na sa may pintuan. Maging sya ay nagulat din ang reaksyon. She was like under a magic spell, bigla na lang syang nastuck up sa pagkakatayo nya.

"I-I just wanna t-tell.. y-you that me and T-Theus are now okay, Ate.. Y-yeah, Ate." Nauutal na sabi ni Roviann habang iniikot-ikot ang ulo nya. Hindi nya alam kung sa sahig ba o sa kisame titingin.

Halata sa kanya ang pagkahiya sa pagpasok nya sa kwarto ko. Nakita nya kasi kami ni Paraiso sa kama pagbungad pa lang nya sa may pintuan. Nakapatong pa rin sa bandang ibaba ko si Paraiso. Nakataas ng kaonti ang aking sando kaya kita pa rin ang aking tummy.

"Pumunta ka dito para lang sabihin yan? You can even text me. Grabe ka Roviann." hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko, tulad ni Roviann sa pagkakatayo nya sa may pintuan habang hindi mapakali sa pagkagat nya ng kuko sa daliri.

 

"You told me to come here! Wait, he was the guy we- ugh! Nevermind!" mukhang nagising na sa katotohanan si Roviann, bigla ba namang sumigaw at dinuro si Paraiso.

 

"He's my boyfriend, duh?!" I rolled my eyes, pangaasar lang sa kanya.

"Since when? You're so bitch Ate." Nagpout sya saka sumandal sa pintuan.

"Who cares? Right, Baby?" I turned to Paraiso, nakangiti lang sya.

Dahan-dahang umalis sa ibabaw ko si Paraiso, tumayo sya at humarap kay Roviann. Tinignan ko naman ang reaction ni Roviann, ngumiti naman sya sa boyfriend ko. Pero halatang pilit yung ngiti nya. Iniabot ni Paraiso nya kay little bitchy sister ang kamay nya at nagpakilala.

Pagkatapos nilang magshake hands, hindi pa rin umalis si Roviann. Bigla syang umupo sa dulo ng bed ko, pinandilatan ko sya ng tingin dahil sa ginawa nya pero hindi naman sya natinag.

"Ate, I'll stay here for tonight. That's what you told me, right?" pang-asar yung ngiti ni Roviann, halatang nang-iisa sya.

 

"Good night beautiful ladies."  Mukhang nakaramdam agad si Paraiso, nasense nyang dito sa kwarto ko matutulog si Roviann.

I turned to him, nasa pinto na sya ng hilahin ko ang kamay nya. Nilingon naman nya ako ng nakangiti, isang ngiti na ang ibig sabihin ay hindi ako dapat magalala.

"Baby.." I called him.

"Sige na, matulog na kayo. Babantayan ko kayo ni Roviann, sa sofa ako matutulog. Pag may problema, sumigaw ka lang. Okay? Sa tuwing may problema, sumigaw ka lang at agad akong darating. Because I love you." He patted my head and opened the door, tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko pagkasabi nya nun.

 

Ngumiti ako ng mga sandaling yun, pero napalitan yun agad ng pagkainis ng harapin ko ulit si Roviann. Aawayin ko pa sana sya ng makita kong nakahilata na sya sa kama ko. Naiinis ako sa kanya, imbes na si Paraiso ang katabi ko at hindi sya e!

Hindi ko na sya ginising pa, mukhang napagod sya dahil buong araw. Humiga na lang din ako sa kama at bumalikwas ng paghiga papunta sa direksyon ng pintuan ng kwarto ko. Iniisip ko si Paraiso na nasa sala, baka hindi maayos ang tulog nya duon.

Naalala kong hindi ko man lang nabigyan ng kumot si Paraiso. Bumangon ako at agad na kumuha ng kumot sa cabinet. Lumabas ako ng kwarto ko, duon pa lang kitang-kita ko na si Paraiso na nakabaluktot sa pagtulog. Nilapitan ko sya saka ko ipinatong sa kanya ang kinuha kong kumot.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon