Chapter 56

11.8K 217 28
                                    

Chapter 56

 

"So, binuntis ka ng lalaking ito?" matalim ang bawat pagtama ng mga tingin ni Dad kay Paraiso sabay duro dito. Alam kong gusto nyang saktan ang lalaking pinakamamahal ko, pero pinipilit nya lang na pigilan ang sarili nya.

 

"Enough, Romulo! Hindi makakabuti para kay Rovainn at sa magiging apo natin ang ginagawa mo. Pinupuno mo ng stress ang anak natin," inalo ako ni Mommy, hinimas-himas nya ang aking likuran.

Nakaupo kami sa couch ng office room namin sa mansion. Agad akong iniuwi ni Daddy mula sa event ng CKRN25 kasama sina Kuya Gideon at Paraiso. Yes, Dad agreed na sumama sa amin si Pariso sa mansion. He’s not mad but he wasn’t happy too.

Pinatawag ni Daddy sina Mommy at Roviann na nasa bahay lang naman ng mga oras na iyon para magtipon kami dito sa office room at agad na pagusapan ang tungkol sa balitang dala ko.

“Okay, don’t answer,” matigas na sabi ni Daddy kay Paraiso. Agad na iniba ni Daddy ang direksyon ng tingin nya.

Nilinga ko si Roviann sa tabi ni Mommy. She tried to give me a smile, alam kong pilit iyon pero sinubukan pa rin nya. Katabi nya sa kanyang kanan si Kuya Gideon, nakayuko ito at nakasalikop ang dalawa nyang kamay. Tensyonado rin ang aking kapatid. Samantalang sa aking tabi naman ay nakaupo si Paraiso at magkahawak kaming dalawa ng kamay. Hindi kagaya nang dati, ramdam ko ang tensyon sa pagkakahawak nya sa aking pinagsalikop nyang mga kamay namin. Hindi pasmado, pero may panginginig ang mga ito. Sino ba naman ang hindi manginginig at kakabahan kumg kaharap mo ang mga magulang mo dahil sa isang balita na hindi nila inaasahan? Kahit ang katotohanan ay isa lamang iyong kasinungalingan. And I'm definitely nervous on the latter.

Hindi ko naman napigilan ang aking sarili na mapapikit nang marinig ko ang salitang 'apo' galing sa aking ina. She's wrong. I made her believe, actually all of them. But I am not pregnant. Hindi pa sila magkakaapo sa akin. Hindi pa magkakaroon ng pamangkin si Roviann at Kuya Gideon. At mas lalong hindi pa magiging ama ang aking Paraiso.

I know it was not a good idea to give them that kind of belief. I should not let them believe something that’s not true. Pero noong mga oras na iyon habang tinitignan ko si Paraiso na muling sinasaktan ng mga tauhan ni Daddy hindi ko napigilan ang sarili ko na magimbento. Ni hindi ko rin malaman kung bakit pagbubuntis ang naisip kong dahilan sa kanila. Basta ang alam ko lang, being pregnant is a powerful word. Alam kong mababago nito hindi lang ang kagustuhan ni Daddy na paghiwalayin kami ni Paraiso pero halos lahat ng plano nya sa akin.

Pabalik-balik ang paglalakad ni Daddy. Kaliwa, kanan, kaliwa. Alam kong nagiisip sya, lahat kami tahimik sa aming kinauupuan nila Mommy habang si Daddy ay hindi mapakali. Sandali syang hihinto para tingnan ako pero babalik ulit sya sa paglalakad at bahagyang titingala.

Ang tanging bumasag lamang sa katahimikan naming lahat ay ang biglang pagsasalita ni Paraiso. Maging si Daddy na hindi na alam ang gagawin ay bigla na lamang huminto. Kahit papaano ay hindi ko napigilan ang sarili ko na makaramdam ng positibo. Hayaan lang ni Daddy na marinig ang sasabihin ni Paraiso ay isa nang hakbang sa maaaring pagbabago ng tingin nya sa lalaking minamahal ko.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon