Chapter 8

65.3K 312 15
                                    

CHAPTER 8

Mukhang tanga.

Yan ang nangyari sa akin the whole class. Fudge. Paano ba naman kasi? Ni hindi talaga ako pinansin nitong si Paraiso?! He’s acting weird! After ng nangyari sa amin kagabi, ganun na lang yun? As in, yun na yun? Wala ng mangyayari?

I admit, kahit na ganito ako na hindi seryoso sa mga lalaking nakikipagfriends or flirt sa akin, sa kanya lang naman talaga ako eh! Nireserve ko pa nga yung sarili ko just for him. Tapos sya ganun lang? The heck.

Vacant ang next two hours after ng subject namin na yun. Kaya agad-agad na matapos ang klase, hinanap ko si Paraiso. We should talk. Grabe naman ata sya yung palalagpasin lang nya ang lahat.

“Rovainn, lunch tayo!” aya sa akin ni Kleir.

“No. I have something to do. This is more important than eating.” Dali-dali akong naglakad, walang paglingon ng sabihin ko yun kay Kleir. Sa mga oras na yun, mas gusto kong kausapin si Paraiso.

Hinanap ko talaga sya, hanggang sa nakita ko syang naglalakad sa hallway. Bwisit lang yung ibang nakaharang sa dadaanan, nawawala sa paningin ko si Paraiso.

“Excuse me. Excuse me!” balya ko sa ibang nakaharang sa gitna ng hallway.

“Ay, grabe naman si Ate.” Narinig kong sinabi ng isang estudyante. I think engineering student sya, ang uniform nya kasi eh. Halos sumayad na sa lupa ang haba ng slacks nya.

“Wag kasi kayong humarang sa daan, you can stay there oh.” Sabay turo ko sa gilid kung saan may mga free seats pa naman.

“Ano bang masama na nandito kami?” apila ng isang kasama nyang babae. Kaklase nya malamang.

“Malaking harang ka sa daan. Kung hindi mo alam ang ibig sabihin nun, ipaexplain mo sa kaklase mo. I think she knows it.” Ngumiti ako ng plastic sa kanila. Nakakainis. Sayang sa oras ang mga ito.

Tumalikod na ako at saka naglakad muli. Pero eto na naman, akala ko okay na kaso may sagabal na namang humarang sa akin. Si Theus.

“Not now dear! I’m in a hurry.” Tinaas ko ang dalaw kong kamay at iniharang ko sa kanya. Gesture na ibig sabihin, stop.

Hindi na ako nagaksaya ng ilang sandali, gumilid ako agad para makadaan na. Ayoko na ng kahit ano pang chikahan. Si Paraiso ko, hindi ko na makita kung saan dumaan eh!

“I’ll court your sister, Miss Rovainn!” narinig kong sinigaw ni Theus yun sa akin.

Dineadma ko na lang ang sinabi ni Theus. Wala akong paki. Eh di ligawan nya si Roviann. The hell I care? Malaki na si Roviann. Mas mahalaga ang Paraiso ko kaysa sa pagsasabi nya sa akin ng plano nya.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon