Chapter 32

36.6K 234 32
                                    

CHAPTER 32

I admit, ayoko sanang napaguusapan pa namin ni Paraiso si Sophina. Pero kung hindi ko sa kanya ioopen up ang nararamdaman ko towards sa babae na yun, baka maapektuhan lang nito ang relationship naming dalawa.

“I met her already. Actually, nagusap pa nga kami. Kanina lang nangyari ang lahat. Sa CKRN25, pati na sa Coffeelies. Hindi ko alam pero naiinis ako nandito na sya ulit, yeah maybe because past lover mo sya.” Nawalan na ako ng gana sa pagkain ko habang nagoopen up ako kay Paraiso, binitiwan ko na ang hawak kong kutsara.

Sumandal ako sa sandalan ng upuan, napupuno pa rin ako ng inis dahil sa babaeng yun.

“Baby..” binitiwan na rin ni Paraiso ang kutsara nya.

Tinignan ko si Paraiso, I wanna cry. Ilang araw ko nang kinikimkim ang mga nangyayari. Malapit na rin ang anniversary namin, hindi ko na alam kung paano pa namin macecelebrate ng masaya ang araw na yun kung ganito ang nangyayari sa akin ngayon. That’s why I wanna talk to him na, para maayos na lahat at mailabas ko na ang dinadaing ko.

Lumapit sa akin si Paraiso, he stood at my back. Hinila nya ang upuan sa tabi at inilapit ito sa kanya. Rinig na rinig ko ang pagurong ng upuan papalapit sa kanya. Umupo sya dito, maya-maya ginalaw nya ang upuan ko. Iniikot nya ito papaharap sa kanya.

Nang makita ko ang mukha nya, hindi ko na napigilan ang maiyak.

Wala akong pakialam kung asarin na naman nya ako, o kaya naman ay pagtawanan. Basta gusto ko lang umiyak. Ang bigat-bigat na kasi ng pakiramdam ko eh.

“Ssshh.. Sige lang, nandito ako. Just cry, my crying Baby.. Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo.. Yayakapin lang kita.” Niyakap nya ako mahigpit na mahigpit, tulad ng huli nyang sinabi.

Nakakuha ako ng go signal mula sa kanya, ito na ang pagkakataon para masabi ko lahat. Hindi ako mahihiyang humagulgol habang naglalabas ng sama ng loob.

 

“Natatakot akong mawala ka sa akin! Natatakot ako na sa muling pagbabalik ngayon ni Sophina, kunin ka nya ulit sa akin. Baka agawin ka nya, gawin nya lahat para masira tayo. Baby, sabi nya alagaan ko daw ang relationship natin, ienjoy ko na daw. I’m afraid na baka may gawin sya. Paraiso, hindi ko kaya! Hindi ko makakaya na mawala ka!” humagulgol na ako habang nakayakap sa kanya, nababasa na sya ng luha ko.

Hinagod ni Paraiso ang likod ko. Ramdam ko ang malapad nyang kamay na humihimas sa likuran ko bilang pagcomfort sa akin. Mas humigpit pa nga lalo ang pagkakayakap nya sa akin.

“Rovainn, hindi na ako babalik kay Sophina. Kahit na ano pang gawin nya, kahit na maging masama pa sya para lang makuha ako ulit. Mahal kita, mahal na mahal kita Baby. Huwag kang matakot na sirain nya tayo, bakit? Papayag ka ba? Papayag ba tayo na sirain nya tayo? Hindi, hindi kahit kailan..” sa mga sinabing yun ni Paraiso kahit papaano narelieve ako.

Dahan-dahan akong kumawala sa mga bisig nya, hinarap ko sya.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon