Chapter 44

22.3K 274 58
                                    

Chapter 44

Maaga akong nagising ngayon. Feeling ko nga tatlong oras lang ang naging tulog ko dahil sa sobrang pagkaexcite. Hindi pa naman kami magkasama ni Paraiso sa kwarto. Mas lalo tuloy akong naexcite, nagimagine na ako ng mga maaari naming gawin. Saang mga lugar kaya ako ipapasyal ni Paraiso mamaya?

Nang maramdaman ko ang pagsikat ng araw na tumama sa bintana ng kwarto ni Eden, agad na akong bumangon.

Lumabas ako ng bahay at naupo sa bench kung saan kami naupo ni Paraiso kagabi. Kung saan kami nagpalipas ng oras at hinintay ang aming anniversary.

This is one of the best feeling ever. ‘Yung gigising ka sa umaga na hindi hangin ng aircon ang malalanghap mo kundi ang fresh na hangin ng probinsya. Walang matataas na building o busy na kalsada ang matatanaw mula sa condo, dahil dito sa Zambales normal na buhay lang ang makikita sa umaga. Mga ordinaryong tao na naghahanap buhay sa mga simpleng paraan lang. May napansin akong nagbi-bike na nagtitinda ng pandesal at dyaryo. May sumisigaw ng ‘taho’ at ‘kakanin’. Sa kabilang bakuran, napansin ko ang isang matandang babae na nagwawalis ng mga tuyong dahil. Isang lalaking may katandaan na rin ang nagpapakain naman ng patuka sa mga alaga nitong manok.

I can’t help but smile, parang gusto ko na sa lugar na ito. Parang mas gusto ko na lang dito kaysa sa magulo at maingay na buhay sa Manila.

Nakangiti pa rin ako habang ninanamnam ang maaliwalas na paligid ng biglang may nagbukas ng kahoy na gate, isa syang may edad nang lalaki. May bitbit syang basket at isang bote na sa tingin ko ay fresh milk.

Nagkatitigan kami, normal na reaction ng dalawang tao na hindi magkakilala.

“Good morning po.” Lumapit ako sa kanya at namano. Tingin ko sya ang Papa ni Paraiso.

“M-magandang umaga rin sa’yo iha.” Mukhang nabigla sya sa aking ginawa, pero ngumiti naman sya.

Sa hitsura ng Papa ni Paraiso, mukha naman syang hindi istrikto tulad ni Daddy. Mukha rin syang mabait at mapagmahal na ama. Simple lang sya pero ramdam ko na isa syang mabuti at responsableng padre de pamilya. Hindi ko pa nacoconfirm na sya nga ang Papa ng boyfriend ko, pero feeling ko talaga sya ‘yun. May pagkakahawig kasi sila hitsura. Hindi mapagkakailang mag-ama sila.

“Nariyan ka na ba Adan?” sabay kaming napalingon ng lalaki na nausap ko. Si Mama Eve nasa may pintuan ng bahay at nakaharap sa amin.

“Oh, magiingat ka at baka ikaw ay mahulog. Oo, nandito na ako.” tumango sa akin ang lalaki at madaling pumanik ng hagdan para lumapit kay Mama Eve.

“Sabi ko na nga ba nandito ko na. Para kasing narinig ko ang boses mo. Sino bang kausap mo at hindi ka pa pumasok ng bahay kaagad?” kinapa ni Mama Eve ang mukha nito.

“Good morning Mama Eve, ako po ang kausap ni..” tumingin ako sa lalaki, hindi ko pa sya kilala.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon