Chapter 39

29.4K 257 14
                                    

Chapter 39

Ako muna ang pansamantalang naging driver ni Paraiso. He still needs to enroll for driving lesson. Inuna ko lang talaga ang sasakyan na ibigay sa kanya para mamotivate sya lalo na magaral magdrive.

 

“Where are we going?” holding hands kami ni Paraiso, ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa manibela.

 

“Secret.” Pilya kong sagot sa kanya.

 

“I missed you.. I really missed you..” inilapit ni Paraiso ang kamay ko sa kanyang mga labi at kanya itong hinalikan.

 

Kahit na kailangan kong magfocus sa pagdri-drive, napatitig pa rin ako kay Paraiso. Hindi nya alam kung gaano nya ako napasaya ngayon na finally okay na okay na kaming dalawa. He simply made me feel complete again. Hindi na ako ginahasa ng problema at pagibig. Sa ngayon, gugustuhin kong sya na ang gumahasa sa akin. Haha! Ang naughty ko.

 

“I missed you more.. Sobra-sobra.. Kung alam mo lang Baby..” isang matamis na ngiti ang naibalik ko sa kanya.

 

Biglang nagbago ang aura ni Paraiso, naging seryoso ang mukha nya. Pero ngumiti din naman sya agad sa akin ngunit kapansin-pansin pa rin sa mukha nya ang pagiging seryoso nya. Nabagabag ako ng reaksyon nya kaya tinanong ko na sya agad tungkol dito.

 

“Did I say something wrong? Bakit parang naging seryoso ko bigla?” hindi ko pa rin binitawan ang kamay nya kahit na nagdri-drive pa rin ako.

 

“Nothing. Sa bawat pagsasalita mo, nararamdaman ko na mahal na mahal mo ako. Sa bawat pagtingin mo sa akin, hindi maitatanggi na iba ang dulot sa’yo ng relationship natin. Dahil sa mga iyon, mas lalo kong naaappreciate na kung ano yung mayroon tayo ngayon. Na hindi ko na pwedeng sayangin bawat oras na mayroon tayo. I was wrong I made you cry, made you feel bad. It shouldn’t happen again.. Sorry Baby.. Babawi ako, hindi ka na iiyak ulit. Hindi na..” parang bata na biglang yumapos sa bewang ko si Paraiso. Kahit pareho kaming nakaseatbelt nagawan nya ng paraan na mayakap ako. So sweet of him.

 

Sa mga simpleng salita ni Paraiso, sa mga simpleng pagyakap ng boyfriend ko nararamdaman kong magiging okay na talaga kami ng tuluyan. Wala ng kung ano pang bagay o tao o problema pa ang maaaring makagulo ulit sa amin. Yeah right, not this time. Not again, never.

 

“Ang sweet ng Baby ko, kaya mas lalo akong napapamahal sa’yo eh.” Hinalikan ko sya sa noo dahilan para mapa-angat sya ng tingin sa akin.

 

“Napapamahal pa lang? Ako kasi napamahal na nuon pa.” pagkasabi nya nun bigla syang yumuko at siniksik ang mukha nya sa leeg ko.

 

Okay, napangiti nya ako sa sinabi nyang yun. Ngiting abot tenga - kahit na exaggerated pa ang description na yun para sa ngiti ko.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon