Chapter 48

16.7K 234 44
                                    

Chapter 48

Muntik na akong mapamura sa pagbangon ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Ano bang nangyari?

Minulat-mulat ko ang aking mga mata kahit na madilim sa paligid. It seems that I am sleeping in the other room. Nasaan ba ako?

Oo nga pala, umalis ako sa condo ko. Nilayasan ko si Daddy na syang sumira ng gabi ko at pilit na pinaghiwalay kami ni Paraiso. Speaking of my boyfriend’s name, nasaan kaya sya ngayon? Sinong kasama nya?

“Hey Rovy, bakit gising ka?” a man in his pajama stood in front of me. Kasabay nu’n ang pagbukas ng ilaw sa kwarto. Agad kong inangat ang aking ulo para tingnan ang mukha nya. Si Kuya Gideon.

“Kuya Gid, what are you doing here?” nagtataka kong tanong sa kanya.

He laughed a bit. Hindi ko nagustuhan ang pagtawa nyang iyon, para tuloy may mali sa sinabi ko.

“What am I doing here? Rovy, this is my condo.” Natatawa pa rin si Kuya Gideon pero pinigilan na nya this time ang matawa ng sobra.

“Oh..” napabilog ang bibig ko sa narinig kong sagot nya.

Nasa condo daw nya ako. Condo?! Anong ginagawa ko dito? Bakit nandito ako?

“But why Kuya Gideon, bakit ako nandito sa condo mo?” because of my curiosity, mukhang mageexplain pa tuloy sa akin si Kuya Gid.

 

“I better tell you everything tomorrow, but for now you should go back to sleep. May pasok ka pa bukas. Ihahatid na lang kita sa CKRN25, dadalawin ko rin naman si Tanya bukas. Go, matulog ka na para hindi ka tamaan ng hangover bukas ng umaga.” Kuya Gideon came closer to me, he patted my head.

As what I saw from the clock’s hands, two thirty five in the morning na. Kuya Gideon was right, I should get some sleep. Lalo na sumasakit pa rin ang ulo ko. Naalala ko na’ng uminom pala ako kagabi and this is the reason why I feel this headache. Ugh!

Few more hours passed so fast. Hindi ko masyadong naramdaman na nakapagpahinga ako. Sobrang bitin ang naging tulog ko pero itong si Kuya Gideon pinilit akong gisingin. Kailangan ko raw pumasok sa opisina ngayon. I tried to ignore him, pero natalo lang ako. Kulang na lang buhusan nya ako ng malamig na tubig just to get me up. Unfortunately, I lost. Okay, sya na ang panalo. Napabangon nya ako mula sa kama.

Kuya Gideon gave me Direk Tanya’s clothes, may mga ilang damit kasi sya sa condo na naiwan. Then after kong maligo, we just had a quick breakfast since malalate na kaming pareho. Makikipagkita pa nga raw sya sa girlfriend nya bago sya pumunta sa Springton to have his class.

While driving, Kuya Gideon started talking habang ako napapaisip naman kay Paraiso. Hindi ko muna inintindi ang mga sinasabi nya. Si Paraiso ang naiisip ko sa mga oras na ito. Kung saan na sya, kung anong nangyari sa kanya kagabi, kung saan sya natulog, kung anong ginagawa nya na ngayon. Wala man lang kasi akong text na nareceive sa kanya, hindi nya rin ako tinawagan. Mali rin ako dahil hindi ko sya nagawang kontakin kagabi.

The Class MuseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon