Deviltale [#34]

12.6K 201 25
                                    

THIRTY FOUR


“Wow Aero. Wala akong masabi sa hidden talent mo.” sabi ni Liel dahil binabasa niya dito sa kwarto ko yung story na ginawa ko para sa kanya. Teka.  Utak niyo. Nagbabasa lang talaga siya. One week na kasing wala dito si Alexi dahil pumunta nga siya  sa probinsya nila. Ang lungkot nga e. Pero ayos lang, isang tingin ko lang kasi sa salamin, gumaganda na mood ko e. Syempre, bawal malungkot pag gwapo diba? =D

“Ano bang plano niyo?” tanong ko kay Liel pagkaexit niyo nung story sa laptop ko. Meron kasi daw silang plano ni Zain para makadiskarte ako kay Alexi na uumpisahan nila ngayon.

“Bawal malaman e.” Tumawa siya sakin tapos tumunog yung cellphone niya  kaya binasa niya yung text. Pagkabasa niya, tumingin siya sakin nang kakaiba.

“Ayos ka lang?” tanong ko dahil parang nasaniban ng isang slut na kaluluwa.

“Aero, ang init.” Tinanggal niya yung jacket niya tapos kumandong sakin ng paharap. Put@ngena. Gagahasain niya ba ko? Bwahaha. Pero teka. Mali to e. Magagalit si Alexi. =D

“Anong kalokohan to, Liel?” pagkasabi ko nun, unting unting lumapit yung mukha niya sakin tapos bumukas yung pinto kaya napatingin kami.

“T@ngena. Sabi na e. Matagal niyo na kong niloloko.” sabi ni Zain na kasama si Alexi dun sa may pinto. 

Mageexplain na sana ako kaso umalis na si Zain na sinundan ni Alexi. Parang nagalit  nga yung itsura ni Alexi e.  Wew. Nagselos? O.O?

Nung nawala na yung dalawa, tumayo na si Liel tapos sinara yung pinto pagtapos  niyang sumilip.

“Success.” Sabi niya kaya tinignan ko lang siya habang nagloload pa sa utak ko yung nangyari.

“Don’t worry, Aero. Wala akong pagnanasa sayo.” Dagdag niya nang patawa-tawa kaya parang nagets ko na kasama sa yun sa plano nila.

“Weh? Sa gwapo kong to?” lumapit siya sakin kaya medyo lumayo ako. Syempre, mahirap na. Bwahaha.

“Baliw. Teka may kasunod pa yon.” Nagpunta siya sa may laptop ko sa mesa kaya tinignan ko yung ginagawa niya. Inopen niya yung Fb ko tapos nagbukas siya ng ibang browser para ilogin yung kanya.

“Liel Mendoza is in a relationship with Aero Villarino.” Nabasa ko dun sa news feed. 

“Anong ginagawa mo?” di niya ko sinagot.

“Oi. Tanggalin mo yan.  Pano na ko sasagutin ni Alexi neto?” di niya ulit ako sinagot tapos nabasa kong nagcomment si Zain dun sa relationship namin na nireplyan naman ni Liel.

Zain Hernandez: Fvck you
Liel Mendoza: No thanks. Supot ka pa e.

Natawa ko dun sa reply ni Liel. Ang lakas makabasag e. Bwahaha. Kawawang Zain.

“Ano ba kasing plano niyo?” Inexit niya yung dalawang browser tapos tumingin sakin.

“Just trust us, okay?” pagkasabi niya nun, tumunog yung cellphone niya kaya binasa niya tapos hinila niya ko palabas hanggang dun sa may pinto ng terrace.

Tatanungin ko na siya kung anong nangyayari pero nag-“shh” siya kaya nanahimik ako at  tinignan yung sinisilip niya. Andun si Alexi at saka si Zain na nakaupo sa may lapag.

“Nasaktan ka rin ba?” tanong ni Zain kay Alexi na di sumagot. Aww. Di siya nagselos?

“Wala naman akong karapatan diba?” reply niya pagtapos manahimik kaya  natuwa ako. Pucha. Sabi na e. Ang gwapo ko talaga. Bwahaha.

“Weh? Mahal mo yung gagung yon?” tanong ulit ni Zain na tumingin samin tapos biglang kumindat.

“I don’t know e.  Importante pa ba yon? May mahal naman siyang iba e.” Reply ni Alexi na halatang malungkot. Tsk. Sila Liel kasi e.

 Pagkasabi ni Alexi nun, tumayo siya kaya hinila agad ako ni Liel pabalik dun sa kwarto ko.

“Pwedeng magthank you.” Sabi ni Liel kaya niyakap ko siya. Wala lang. Ang saya ko e. Tapos ang gwapo ko pa. Bwahaha.

“Thanks, bestfriend. Ba’t sobrang ganda mo?” tumawa siya sa sinabi ko tapos inexplain na niya yung plano nila.

Fake accounts pala yung FB na ginamit nila kaya  kaming apat lang yung nakabasa nun. Pinabasa kasi ni Zain gamit yung cellphone niya  yung relationship update kay Alexi nung naguusap sila sa terrace. Kaya pala ang gagu ng reply ni Liel nun. 

Sinabi  na din ni Liel sakin yung gagawin ko kaya nung pag-alis niya, pinuntahan ko agad si Alexi sa kwarto niya.

“Alexi. Pengeng tulong.”  Napatingin siya sakin na parang kakaiyak lang kaya medyo nalungkot ako. Syempre, bawal malungkot pag mahal ko e. 

“Ayos ka lang?” pinilit niyang tumawa. Aww. Nakakaguilty naman o.

“Yep. Anong tulong yon?” pumasok ako sa kwarto niya tapos umupo ako may upuan.

“Mali kasi yung inisip niyo kanina e.” sabi ko pero parang ayaw niyang maniwala.

“What do you mean? Diba kayo na nga ni Liel?” parang may galit yung pagkakasabi niya kaya medyo natawa ako. Pero dahil kailangang mapaniwala ko siya, pinigilan ko.

“E kasi di totoo yun e.” parang nagulat yung itsura niya. 

“Gusto  kasi malaman ni Liel kung mahal talaga siya ni Zain e. Kaya ayun, pinalabas niya na may nangyayari samin.”Tinignan lang ako ni Alexi na di parin naniniwala.

“Siryoso. Magbestfriend nalang talaga kami ni Liel.” Dagdag ko nang siryoso yung itsura. Tumawa naman siya  kaya nagtaka ako.

“Bakit?” Tanong ko dahil ang labo e. Di naman ako nagjoke diba? Tapos ang gwapo ko pa. Kaya walang dahilan para tumawa siya. 

“Wala. Di bagay sayo siryoso e.” sabi niya pagtapos tumawa. Sus.

“Bakit, sobrang naging gwapo ba?” tumawa siya ulit kaya natuwa na ko. Syempre, naniwala na siya e.

“Hindi e.” Sus kunwari pa. Natuwa lang siya dahil di talaga kami ni Liel e. Bwahaha.

“Ano ba matutulong ko?” sinabi ko sa kanya yung gagawin niya tapos nun, tumayo na ko para makapagpahinga siya.

Nung paglabas ko ng pinto ng kwarto niya, huminto ako.

“Bakit?” tanong niya. Tinignan ko naman siya nang siryoso kahit kinakabahan ko.

“Namiss kita e.” parang namula yung mukha niya. Yun o. Kinilig. Bwahaha.

“Pasalubong ko?” dagdag ko kaya tumawa siya tapos lumapit sakin ng sobra. Put@ngena. Nanakawan niya na naman  ba ko ng kiss? =D

“Eto o.” pagkasabi niya nun, tinuhod niya yung ano ako. Amp.

Sana wag na niya gawin to pag asawa ko na siya. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon