Deviltale [#29]

13.3K 192 12
                                    

TWENTY NINE


“Oi pre. Pwede magtanong?” Napatingin ako kay Zain dito sa may tent namin. Siya kasi na-assigned sakin. Ayos nga e. Di tulad kay Gyptian na si Goldy yung kapartner. Bwahaha.

“Bawal e.” tumawa ako sa kanya. Ang siryoso kasi ng mukha e. Bwahaha.

“Gagu. Sige, wag na.” sabi niya nang badtrip tapos nagtakip ng kumot. Amp. Sensitive.

“Joke lang. Ano ba yon?” umupo ako para tanggalin yung takip niya pero pinipigil niya.  Ang emo neto e no? Buti pa ko. Gwapo na, pogi pa. Bwahaha.

“Ano nga oi? Sige ka. Magbbreak kayo ni Liel.” Napaupo siya bigla sa sinabi ko.Bwahaha. No match talaga kay Liel to. 

“Walang ganunan pre. Pumayag na nga kong mas gwapo ka e.”tumawa lang ako sa kanya dahil kunwari pang napilitan lang siyang mas gwapo ako. Parang ewan e. Indenial pang mas gwapo ako.  Bwahaha.

“Gagu. Ano nga yung tanong mo?”  tumawa siya tapos sumiryoso na ulit. Amp. Subukan niya lang magjoke ng korni magbbreak talaga sila ni Liel. Bwahaha.

“Galit ka pa ba?” tinignan ko lang siya ng nagtataka. Bakit ba lahat nalang akala galit ako? Porket gwapo, galit na sa kanila? Tsk. Labo.

“Bakit naman?” tanong ko dahil di ko gets. Malabo e. 

“Kasi alam mo na… Yung kay Liel.” Ah. Yun pala. Nakalimutan ko na nga yon e. Bwahaha. Di naman kasi ako nagtatanim ng sama ng loob. Wala lang. Di bagay sa mga gwapo yun e. Bwahaha.

“Pano kung oo?” sagot ko nang siryoso kunwari. Parang nalungkot naman yung itsura niya kaya binatukan ko siya.

“Ang emo mo. Syempre, ayos na sakin yon. Wag mo lang talagang sasaktan yon kundi sisiguraduhin kong pagsisihan mo.” binatukan niya ko bigla. Amp.

“Ba’t mo ko binatukan?” tanong ko nang medyo badtrip pero tumawa lang siya.

“Wala lang. Para quits. Saka di ko sasaktan yon. Masasaktan din ako e.” napasmile ako dahil alam kong totoo yung sinasabi niya.  Syempre, kahit naman nakamove on na ko. Ayoko paring masaktan yung dating mahal ko. =D

“Ikaw ba, sasaktan mo si Alexi? Hindi rin diba?” parang umewan na naman yung  pakiramdam ko. Amp. Ba’t ba laging nasasali sa usapan yon?

“Ungas. Ba’t ba nililink niyo ko dun?” tumawa siya sa sinabi ko tapos napatingin kami dun sa may entrance dahil may dumating. 

“Oi. Palit daw tayo, Zain.” Sabi ni Gyptian nang patawa-tawa.

“Ulul. Di nga?” napatayo si Zain tapos lumabas para itanong siguro kung totoo. Amp. Joke yun, panigurado.

“Sup, boy?” umupo si Gyptian sa tabi ko. Amp. Ano na naman kailangan neto?

“Bakit andito ka?” tumawa siya tapos nahiga.

“Di ako makatulog dun e. Teka. May pinicturan ka daw a?”naalala ko yung pic nila ni Goldy kanina kaya natawa ako. 

“Gagu ka. Burahin mo yun kung ayaw mong malaman ni Alexi yung nasa phone mo.” Amp. Panibagong pangblackmail niya na ba yung NTMSWDFM ni Alexi?

“Bilis, gagu. Kung ayaw mo rin malaman niya yung kay Bangs.” Tumawa siya. Pucha. Kala ko nakalimutan na niya yun e.

Dahil wala na kong choice nun, kinuha ko yung cellphone ko at binura na yung picture nila. Tsk. Fail pa yung plano kong mangblackmail. Pero oh well, di naman bagay sa gwapo mang-ganon e. Bwahaha.

“Yan na. Alis na.” pinakita ko pa yung phone ko sa kanya para makaalis na siya.

“Yon. True friend ka talaga.” Tumawa siya pagkabalik niya nung phone ko. Nanahimik lang naman ako para umalis na siya.

“Mahal mo din ba talaga si Alexi?” tinignan ko siya nang nagtataka. Oo nga pala. Sinabi kong mahal ko din yon kahit yung swimming pool yung tinutukoy ko. Bwahaha.

“Bakit? Natatakot kang maagawan?” tumawa siya sa sinabi ko.

“Asa.  Gusto mo pustahan pa e.” Tsk. Angas talaga neto. Pero dahil mabaet ako, di ako pumayag. Bwahaha. Syempre, nagbago na ko e.  =D

“Sus. Scared. Akala ko ba mahal mo? O natrauma ka na dahil kay Liel?” sabi niya pa nang nang-aasar pero umewan lang yung pakiramdam ko. Tsk. Mahal ko ba talaga si Alexi? Amp. Ba’t ba di ko masagot yung tanong na yan?

“Oh well. Mas ayos na yon. Para walang sagabal sa panloloko ko sa kanya.” Tumayo na siya nang patawa-tawa tapos lumabas na. Naalala ko naman nung umiyak si Alexi dati. Amp. Ayoko nang makita ulit yon.

Paglabas ni Gyptian, tumayo ako para sundan siya kahit di  ko alam sasabihin.

“Teka.” Humarap siya sakin nang patawa-tawa.

“Ano, payag ka na sa pustahan?” tanong niya na nakasmirk pa. Di naman ako nakasagot dahil di ko talaga alam sasabihin.

“May the best man win then. ” pagkasabi niya nun,  umalis na siya kaya naiwan akong nakatayo dun. Ang gulo nga masyado ng utak ko e. Amp. Pano ba ko nagkaganito? Dati naman, matino takbo ng utak ko e.

Nung pabalik na ko sa tent, nakita ko si Izzard dun sa may likod kaya napahinto ako.

“Oi, anong ginagawa mo diyan?” parang umewan yung itsura niya. Bwahaha. Ano na namang ginagawa neto?

“Naiwan ko to e.” pinakita niya yung cellphone niya. Ah. Kala ko kung anong kababalaghan na naman e. Bwahaha.

“Ge, pre. Tulog na ko.” Pagkasabi niya nun, pumasok na ko ng tent at nahiga. Sakto namang dumating si Zain.

“Amp. Ang gagu talaga si Gyptian.” Sabi niya na parang pagod na pagod siya. Tsk. ALAM NA. 

Tumakbo siya. Bwahaha. 

“Yun pa.” sabi ko lang nung nahiga na siya. 

“Ayos ka lang?” tinignan ko siya nang siryoso. Teka. Alam ko na.

“Pano mo nalaman na mahal mo na si Liel?” nag-isip siya sandali tapos tumawa. 

“Bayad muna?” sabi niya. Amp. 

“Wag na nga.” Tumalikod na ko sa kanya nang higa.

“Joke lang.” narinig kong sabi niya nang patawatawa kaya humarap na ko ulit.

“Matagal ko na kasing crush yon e. Pero dahil gusto mo nga, nagbackoff ako. Pero nung nagseselos na ako tuwing nagkukulitan kayo. Dun ka lang narealized na di ko kayang mapunta siya sayo. Ang gara nga ng feeling nun nung umpisa e. Di ko kasi maintindihan kung bakit ako laging kinakabahan na ewan pag kasama siya.  Tapos ang saya ko pa kapag pinapansin niya ko, kinakausap at lalo na pag tumatawa siya sa mga joke ko.” Natawa ako sa tumatawa sa joke niya si Liel. Wala lang. Ang korni niya kasi magganon e. Bwahaha.

“Ayun. Nakarelate ka?” Sabi niya nang nakasmile sakin. Napasmile lang din naman ako.

Wala lang. Nasagot na kasi yung matagal kong tanong e. Saka alam niyo na.

 Ang gwapo ko  e. Bwahaha.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon