Deviltale [#27]

13.4K 212 15
                                    

TWENTY SEVEN


“Pakibukas naman po!” sigaw ni Alexi pero walang sumasagot kaya sumilip ako dun sa bintana. Tinignan ko nga kung pwedeng labasan kaso may mga bakal na harang.

“Sht. Umalis na sila.” Napatingin sakin si Alexi tapos sumilip din. Halata ngang natataranta siya e. Ikaw ba naman malock kasama ng isang gwapo e. Bwahaha.

“Crap. Dala mo phone mo?” kinapa ko yung bulsa ko. Amp. Naiwan ko sa bus.

“Hindi e. Ikaw ba?” nilabas niya yung phone niya kaya medyo natuwa ako.

“Lowbat e.” Wew. Malas naman.

Dahil mukhang stuck na kami dito, naupo nalang ulit kami dun sa mga kahon tapos natahimik na naman kami. Nag-isip nga agad ako ng topic para di umawkward e.

“Alexi may tanong ako.” Di ako makatingin sa kanya dahil ang weird ng itatanong ko. Pero scholar naman siya kaya siguradong sasagutin niya to. Bwahaha.

“Ano?” ramdam ko yung tingin niya sakin at parang sasabog yung lungs ko sa kaba. Tama diba? May konek sa lungs yung kaba? O sa mga gwapo lang yon? Bwahaha. Pero teka, bakit ba ko kinakabahan? Magtatanong lang e. Tsk. Minsan talaga pag gwapo, malabo e. Bwahaha.

“Err. Alam mo yung pakiramdam na parang di ka mapakali tapos ang ewan na di mo maintindihan?” tumawa siya sa tanong  ko. Amp. Wag na nga.

“Oo. Tama. Joke yon. Buti tumawa ka. Tsk. Ang gwapo ko talaga.” Tumawa din ako dahil nakakailang. Tumigil naman siya kaya napatingin ako.

“You mean, kapag kasama mo si Liel? Normal lang naman yun. Mahal mo e.” sabi niya nang siryoso. Wew. 

“Ma. hal?” Ganon ba yon? Bakit parang di  naman kapag kasama ko si Liel? Ibig sabihin, libog lang yon? Bwahaha. Joke lang a. Wholesome ako. =D

“Oo. It sucks no? Parang sasabog yung buong pagkatao mo sa bilis ng heartbeat mo tapos di man lang niya napapansin yung nagagawa niya sayo.” tumango lang ako. Ganon din ba si Gyptian sa kanya? Bakit di nalang… wala. Joke lang.

Pero siryoso? Mahal. Love. Alexi. Ako.  Weh? Ang hirap ngang gawing sentence nun e. Bwahaha.

Natahimik lang ulit kami tapos napatingin ako sa taas. May bintana pala dun na walang mga bakal.

“Tara na.” nagtaka yung itsura ni Alexi pagkatayo ko. Tinuro ko naman yung bintana tapos pinagpatong ko yung mga kahon para maabot ko. 

Pagakyat ko, binukas ko yung bintana tapos sumilip ako sa labas. Medyo mataas kaya tinanggal ko yung tshirt ko tapos tinali dun sa parang handle para ipangsupport pababa. 

“Tara?” nagsmile sakin si Alexi tapos kinuha yung kamay ko. 

“Crap. Ang taas.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Takot pala siya sa heights? Tsk. Buti pa ko, gwapo na, fearless pa. Bwahaha.

“Sige, hintayin mo na  lang  ako dito. Bubuksan ko sa labas .”Pagkasabi ko nun, nagthanks siya tapos bumaba na ako. Pumunta ako dun sa entrance kaso amp, nakapadlock. 

Dahil wala naman akong talent sa pagbukas ng ganon, bumalik  na ako kay Alexi.

“Alexi, nakapadlock e. Talon ka nalang. Sasaluhin kita.” sumilip ulit si Alexi sa bintana kaya umewan yung pakiramdam ko. Nakakailang e.

“Bilis na, pikit ka nalang para makahabol pa tayo sa bus.”Huminga siya nang malalim tapos pumikit na dahil no choice na siya. 

Pagsampa niya dun sa bintana, naout of balance siya kaya nagmadali ako para masalo siya.

“Sht.” Sabi ko dahil nakapatong siya saken. Papaalisin ko na sana siya kaso naramdaman ko yung hearbeat niya na sobrang bilis ng pagtibok sa dibdib ko. 

“Gusto niyo ng condom?” napatayo si Alexi agad kaya tinignan ko kung sino nagsalita. Si Dad pala. Amp. Kaya pala ang gagu. Tumawa siya tapos lumapit samin.

“Sa wakas Aero. I’m proud of you. Bilis maka-base a.” tumawa ulit siya. Amp na to. Ang dumi ng utak.  

Dahil nakakailang na nun, tumayo ako  at binatukan yung gagu kong ama. Tumawa lang naman siya tapos pinakuha ko yung shirt kong nakasabit. Abot niya e.

“Bakit andito kayo Sir Pierro?” tanong ni Alexi kay Dad pagkabigay sakin nung shirt ko. Ako naman, nagsuot na ng tshirt.

“Alexi. Dad nalang. Wag na sir.” Parang namula si Alexi sa sinabi ni Dad. Nailang tuloy ako. Parang gagu e. 

“Dad,” napatingin siya saken nang siryoso.

“Ulul. Bakit ka ba andito?” tumawa lang siya sa sinabi ko. Amp. Ang hirap kausap e no?

“Nagtext kasi si TitaMich mo e. Nagpaiwan daw kayo dito. Tapos sakto, madadaanan ko to. Bakit? Wrong timing ba ko?”tumawa siya kaya binatukan ko ulit siya. Amp e. Tinutulad niya pa kami sa kanya. 

“Ewan, tara na.” naglakad na ko paalis pero napansin kong huminto si Alexi sa harap ni Dad kaya nagtaka yung itsura ng ungas kong ama.

“Bakit?” tanong niya kay Alexi na nagsmile lang sa kanya.

“Sorry po.” Pagkasagot niya nun, sinipa niya si Dad sa ano kaya medyo napaluhod ang gagu. Bwahaha. 

“Goal.” Sabi ko nang patawa-tawa kay Alexi tapos nag-apir kami. 

Nung nakarecover na yung  ama ko sa pagkainjured niya, lumabas na kaming tatlo para sumakay ng kotse.

Paglabas namin, andun si Gyptian na nakasandal sa pader.

“Yon. Kala ko ako lang naiwan dito e.” Sabi niya tapos tumawa siya.

“San ka ba galing?” tanong ni Dad nang patawa-tawa nung lumipat si Gyptian.

“Nakatulog ako, Tito e. Tagal naman kasi magannounce. Kayo? Ano ginawa niyo?” tanong niya samin nang patawatawa kaya binatukan siya ni Alexi. Umakbay naman ang gagu. Amp. Lakas pumaraan ng chancing a. 

“Joke lang. Namiss lang kita e.” inirapan lang siya ni Alexi nang pabiro tapos tumawa sila. Amp. 

Sumakay na ko ng kotse nun dahil nababadtrip ako dun sa dalawa. Dun ako sa harap katabi si Dad habang yung dalawa sa likod na nagkukulitan. Tsk. Eto na naman tayo.

Nung umandar na yung kotse, naisip ko yung mga nangyari ngayon. Si Gyptian siguro yung naglock samin kanina. Bawal din kasi ako mag-absent o magcutting e. Kasama dun sa probation ko na pauso ng board.

Kaya sigurado na ako.

Threatened talaga siya sa pagkagwapo ko. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon