Deviltale [#4]

20.5K 344 20
                                    

FOUR

“Aero, gising na!”sabi sakin ni Manang G. Teka, bakit parang gumanda ata ang boses ni Manang?

Dumilat ako sandali para tignan si Manang G. Wew. Nananaginip pa ko. Bumata kasi si Manang tapos gumanda pa e.

“Hoy. Bumangon ka na!”sabi ulit ni Manang pero di ko lang siyang pinansin. Amp. Ba’t ang kulit ni Manang G ngayon? Meron siya? O.O?

Nagtakip lang ako ng unan sa mukha at tumalikod sa kanya. Badtrip e. Sarap sarap matulog, nanggugulo.

Pagkatapos ng ilang segundo, nakabalik na ko sa dreamland. Nasa may beach ako kasama si Liel. Ang sweet nga namin e. Kami na ata sa panag-inip na to.

“I love you, Aero. Ang hot mo. Pwedeng pakiss?”Sabi ni Liel kaya nagulat ako. Pucha. Sa wakas. Narealized na niya din yung pagkahot ko. =D

“Syempre. I love you too e.”Sabi ko naman at unti-unti kong nilapit yung mukha ko para halikan siya.

“PUT@NGENA!”napatayo ako dahil may bumasa sa mukha ko. Amp. Panira o. Kiss na yun e!

“Edi gumising ka din.”Sabi ni Alexi nang patawa-tawa na hawak yung baso.

“Anong problema mo?”tanong ko sa kanya na asar na asar.

“Papasok na tayo.”Tinignan ko yung oras sa smartphone ko. Anak ng! 5 am palang. Magrereklamo na sana ako sa pang-gugulo niya ng tulog ko kaso, hinila niya ako at tinulak dun sa banyo. Lakas a. =D

“Maligo ka na. Ayokong malate sa school.”Sabi niya at sinara yung pinto.

Amp naman talaga o. Sinong pumapasok sa klase ng 2 oras bago ang first class? Adik din tong babaeng to e. Saka one week na siyang late ng school year tapos sasabihin niyang ayaw niyang malate? Parang ewan amp.

Binuksan ko yung pinto ng Cr para bumalik sa pagtulog ko. Alam niyo na, baka ma-playback ko pa kasi yung kissing scene namin ni Liel e. =D

Pagbukas ko ng pinto, nakaharang si Alexi na nakacrossarms pa.

“Sabi ko na nga ba e.”sabi niya nang masama yung tingin saken.

“Na gwapo ako?”asar ko nang patawa-tawa.

“Asa. Wag ka ngang masyadong mahangin diyan. Maligo ka na kasi para di tayo malate!”sabi naman niya nang pagalit. Sus. Bakit ba kailangan sabay kaming pumasok? Pumaparaan din to e no? =D

Di ko lang pinansin si Alexi nun at bumalik sa kama ko. Buti nga at mukang nabadtrip na siya at di na ko ginulo.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakabalik na ulit ako sa dreamland. Ayos. Na-playback ko pa. Nasa beach ulit kasi ako at kasama si Liel. Palapit na yung mukha naming sa isa’t isa nang biglang binasag niya yung alam niyo na kaya medyo napahawak ako dun. Amp.

Tinignan ko si Liel nang di makapaniwala. Nagulat na lang ako na si Alexi pala yon. Anak ng pucha. Kaya naman pala!

“Hoy-“napatigil ako dahil may malamig na tubig na bumasa sa buong katawan ko.

“PUT@NGENA NAMAN O!”sabi ko nang galit na galit. Parang natakot naman si Alexi saken habang hawak yung balde.

“Peace?”Sabi niya na nakapeace sign pa kaya tumayo ako nang siryoso sa kama tapos hinila ko siya papuntang CR.

“OMG, Aero. Sorry na talaga. Ayaw mo kasing-“Nilock ko yung pinto at ni-corner siya sa may wall.

“Di ako nadadaan sa sorry.”Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa kanya. Halatang nagpapanic siya tapos kinuha ko yung hose at binasa siya. Bwahaha. Kala niya a. =D

“Crap naman o! Nakabihis na ko e!”sabi niya pero mas nilakasan ko pa yung hose at mas binasa siya.

Kinuha niya yung tabo dun sa may lababo. Natawa nga ako dahil sinasalo niya yung tubig galing dun sa shower kaya In-off ko agad tapos tumawa ako nang malakas.

Maya-maya lang, naramdaman kong sumakit na yung malapit-nang-mabaog-kong –bodypart-dahil-kay-Alexi at siya na yung tumatawa.

“Maligo ka na! Bilisan mo!”Amp. Tama bang paluin ng tabo yon?

Napaluhod ako sa sakit habang sinara na niya yung pinto. Pambihira. Kakaiba talagang babae to. Humanda talaga siya kay Liel kapag nabaog ako. =D

Nagpahinga lang ako sandali para makarecover tapos naligo na din ako. Pagkatapos nun, nagbihis na ako ng uniform dahil nawala na yung antok ko. Ikaw ba naman paluin ng tabo sa ano e. Tsk.

Nagbreakfast lang kami sa baba nang tahimik dahil wala na si Tita Mich. Maaga kasi talagang pumapasok yun dahil ewan ko din. Bwahaha.

Pagtapos naming kumaen, nagpunta na ko sa kotse ko.

“Pasabay!”sabi niya nang pautos na parang galit pa.

“Ayoko nga.”Joke ko naman para asarin siya.

“Gusto mo bang mabasag na naman yang ano mo?”sabi niya kaya natawa ako. Amp. Talent niya ba yon? O.O?

“Okay. Sige na. Pasalamat ka maganda ka. “sabi ko tapos nag-start na kong magdrive.

Pagkatapos ng thirty minutes, nakarating na kami ng school.

Pagpasok namin ng gate,nakita ko yung dati kong katropang si Gyptian. Malas o. Sa dami ng makikita, eto pa talagang demonyong to.

“Sup, Aero? Bagong Chix mo?”tumingin siya kay Alexi na ang sama ng tingin sa kanya.

“Excuse me? Di ako pumapatol sa mayabang na panget.”sabi ni Alexi sa kanya. Natawa naman ang gagung Gyptian.

“Woah. Sakit nun, pre.”Sabi ni Gyptian nang patawa-tawa tapos umakbay siya kay Alexi.

“Sakin ka nalang Miss. Wag na diyan kay Aero. Babasagin lang niyan puso mo.”Sabi ni Gyptian kaya tumingin saken si Alexi. Nagsmile naman ako.

Anak ng pucha. Wag kang maniwala, Alexi.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon