Deviltale [#22]

14.2K 230 26
                                    

TWENTY TWO


“Alexi, una na ko. Ingat ka kay Aero a.” sabi ni Gyptian tapos nagsmirk siya sakin.  

“Ungas.” Sabi ko lang tapos naglakad na siya paalis dala yung tatlong Hawaian pizza na tinakeout niya. Amp. Sana kanina niya pang naisip gawin yan.

“Aero, samahan mo kong maghanap ng gift.” Napatingin ako kay Alexi sa likod ko. 

“Para kanino?” tanong ko nang nagtataka. Di ko alam kung sino may birthday e.

“Para sa TitaMich mo.” Ah, oo nga pala. Birthday niya sa isang araw. 

Nag-okay lang ako kay Alexi tapos naglakad na kami papuntang department store.

“Bitter ka pa din ba sa kanya?” sabi ni Alexi habang tumitingin siya sa mga sapatos. One week na kasi kaming di naguusap ni TitaMich e. Oo. Simula nung pinagbintangan niya ko, medyo awkward na yung relasyon namin. Ewan ko din kung bakit e. Siguro dahil sa dami ng mga kalokohan ko, ngayon lang talaga siya nagalit. Ang mas nakakabadtrip pa, wala naman talaga akong kasalanan. 

“Come on. School board yung nagdecide sa probation mo, hindi si TitaMich mo.” Under probation kasi ako sa school. Tapos kailangan daw, wag pumalpak yung tatlong events ng student council kundi, kick out daw ako. Inako ko kasi na ako yung may pakana ng sex video ni Yulary kahit hindi naman talaga. Ayos na nga sana kaso perfect attendance daw dapat ako tapos kailangan, wala akong bagsak.
 
Di lang ako sumagot nun kay Alexi tapos tumingin din ako na pwedeng pangregalo.

“Bakit mo kasi sinabi na ikaw naglagay nung sex video?”tumingin  ako kay Alexi pagkasabi niya nun.

“Lalala lang kasi yung sitwasyon. Saka, di lang naman sila maniniwala kaya ayos lang yon.” Parang naasar yung itsura niya.

“Hindi kaya ayos. Tignan mo naapektuhan pa yung relasyon niyo ng TitaMich mo. Saka, dapat maparasuhan kung sino man yung may gawa nun.” Lumipat kami dun sa may mga bag dahil mahilig si Tita Mich sa mga ganon.

“Kahit si Gyptian?" nagtaka yung expression ng mukha niya sa sinabi ko. Teka, di ko sinisiraan si Gyptian. Nung nasa rooftop kasi ako, ginalaw ni Gyptian yung laptop ko kaya siguradong siya may pakana nun. Saka patawa-tawa pa siya nung nagpplay yung video nun. 

“Oi. Wag kang bintangero.” Tumalikod siya kaya sinundan ko.

“Mahal mo na ba yon?” napaharap siya saken kaya nagkalipat nang todo yung mukha namin. Parang umewan nga yung itsura niya kaya parang umewan din yung pakiramdam ko. Tsk. Ang labo ko no?

“H-hindi.” Tumalikod ulit siya tapos kinuha yung black na bag at nagpunta ng counter. Guilty e no? Tsk. Kawawa. Sa dami nang mamamahalin yung gagung si Gyptian pa. Bwahaha.

Miss. 1500 po.” Sabi nung babae sa counter. Nanlaki naman yung mata ni Alexi kaya natawa ako.

“Share na tayo.” Binayaran ko yung bag tapos pinahawak sa kanya.

“Thanks. Eto share ko o.” inabot saken ni Alexi yung pera na parang namumula. 

“Saka na. Basta may utang ka saken.” Nagalit yung itsura niya tapos lumapit siya nang todo saken at nilagay yung pera sa bulsa ko. Nakakailang nga e. Tinignan tuloy kami nung mga tao.

“Wow. Ang sweet naman nung magbf.” Sabi nung babae sa may gilid kaya napalayo kami bigla ni Alexi sa isa’t isa.

“Oo nga e. Dito pa talaga gumawa ng kababalaghan.” Sabi naman nung lalake tapos tumawa sila. Teka, parang kilala ko yung mga boses na yun a.

“Joke lang.” sabi ni Zain  paglingon ko tapos tumawa sila ni Liel.

“Nag-dadate kayo?” sabi naman ni Liel na parang tuwang tuwa pa. Amp. Di pa nga ako nakakamove on sayo e.

Oo na. Slow na ko sa pagmove on. Kasalanan ko ba kung siya padin mahal ng puso ko? Kung pwede ko lang nga i-uninstall tong nararamdam ko sa kanya, matagal ko ng ginawa e.  Pero ganon naman talaga pag mahal mo diba? Di basta basta nawawala.

“Asa. Hindi ako nakikipagdate sa mayabang no.” sabi bigla ni Alexi kaya tinignan ko siya nang masama. Sus. Kaya pala nakikipagdate siya kay Gyptian?  

“Atleast, gwapo.” Tumawa lang sila Liel sa sinabi ko tapos nag-aya sila magmovie. Tumanggi nga ako dahil baka mabadtrip lang ako.

“Sure kayo? Libre ni Zain. Diba no, bhie?” Parang hindi makasagot si Zain. Bwahaha. No match sa gf. Pag ako kasi nagpapalibre diyan, minumura lang ako e.

“Wag na. May bibilin pa kami e. Saka, maistorbo pa namin date niyo.” sabi ni Alexi tapos hinila na niya ko. Narinig ko pang nag-bye sila Liel kaya nagbye din ako habang hinihila ni Alexi.

“You’re welcome. Tara na.” Sabi niya pero tinignan ko lang siya. Saan?

“Bibili pa kong pangregalo kina Shei at Grei.” Naglakad na siya papuntang toys section kaya sumunod ako.

“Kailan ba birthday nila?” tanong ko habang tinitignan ni Alexi yung parang laptop na laruan.

“Ngayon.” Ah. Cool. 6 years old na yung kambal na makulet. 

Habang tumitingin si Alexi dun sa panlalaking laruan, may nakita akong bear kaya kinuha ko.

“Eto nalang bigay natin kay Grei.” Joke ko. Naiimagine ko kasi yung itsura ni Grei na excited na excited tapos kapag binuksan niya yung regalo, eto yung laman. Bwahaha. 

“Baliw. Gusto mo bang mabasag na naman yang ano mo?”tumawa siya. Tsk. Oo nga pala. Delikado pagtripan yung batang yon.  Gwapo paglaki e. Bwahaha.

“Yung ano ko?” parang namula si Alexi na di makasagot kaya natawa ako.

“Joke lang. Edi kay Shei nalang.” Inirapan lang ako ni Alexi nang pabiro tapos nun, nagpunta na siya sa counter at binayaran yung laptop na laruan. Ginaya ko lang din naman siya sa teddy bear tapos nun, sumakay na ulit kami ng kotse.

“Alam mo, nagtataka ako sayo. Ang yaman yaman mo tapos naging scholar ka. Lugi school sayo e.” sabi ko nang patawa-tawa habang nagddrive ng kotse.

“Ganon talaga pag maganda.” sagot niya kaya natawa ako.

“Wow. Nahawa ka na sa confidence ko?” tumawa lang siya.

“Joke lang. Yung natitipid ko kasi sa Tuition at pagrent ng apartment, binibigay ko sa charity. I know how it feels kasi na walang parents since matagal nang patay yung Dad ko tapos yung Mom ko naman, nag-abroad na nung bata palang ako. So I basically grew up alone. Gets mo?” umoo lang ako sa kanya tapos  hininto ko na nung nasa orphanage na kami.

“Grei, Shei. Happy Birthday!” binigay ni Alexi yung regalo namin dun sa kambal na kumakain nang hawaian pizza kaya binuksan na nung dalawa.  Lumapit nga sakin si Grei pagtapos kaya nagtaka ko.

“Kuya mayabang. Thanks sa regalo.” Sabi niya tapos sinuntok niya yung ano ko. Amp, bakit? 

“Ay. Baliktad pala.” Sabi ni Alexi nang patawa-tawa tapos binigay yung bear kay Shei. Amp. Sinadya niya yon panigurado! >=|

Binigyan lang nila kami ng hawaiann pizza tapos nun, nagbye na kami para umuwe.

Paglabas namin, kinawayan ni Alexi si Gyptian sa labas dahil andun sa tapat yung gagu. Todo smile nga si Alexi kaya nabadtrip ako at pumasok na ako ng kotse. Amp. Bakit ba ako nababadtrip dito? Tsk.

Ang labo ko talagang gwapo.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon