Deviltale [#15]

15.4K 261 40
                                    

FIFTEEN


“Ate Alexi!” sabi nung batang sobrang cute dito sa may orphanage ng simbahan. Mga 5 years old siguro to. Ang cute nga e. Siryoso. Mas gwapo pa nga ata sakin to paglaki e. 

“Grei! Namiss mo si Ate?” niyakap siya ni Alexi tapos tumakbo yung mga bata papunta sa kanya. Wow. Mahal na mahal siya a. 

“Opo!” sabi ni Grei na tuwang tuwa tapos tinignan niya ko.

“Sino siya? Boyplen mo Ate Alexi?” tumawa lang ako. Di pa. =D

“Oi. Wag mong sasaktan si Ate Alexi a. Kundi, babasagin ko yang balls mo.”  Nag-‘ako din’ yung mga bata kaya natawa si Alexi. Amp. Mga tinuturo ni Alexi sa mga bata o. 

"Masama yon. Wag kayong nambabasag ng balls.” nagsmirk ako kay Alexi na umirap lang sakin.

“Basta wag ka ding mambabasag ng heart.” napatingin ulit ako kay  Grei. Amp. Ba’t alam niya plano ko? Siya ba yung author ng storyang to? Bwahaha.

Tumawa lang kami ni Alexi nun tapos pumasok na sila sa loob. Ako naman, kinuha ko yung mga laruan sa kotse ko pati yung mga pagkain at drinks. 

“Ate Alexi, ang gwapo ng boyplen mo. Bawal na mableak a?” sabi nung batang babae na sobrang cute din. Magkamuka nga sila ni Grei e. Kambal ata. 

“Nako Shei, di ko boyfriend yon. Mayabang yon e.” sabi ni Alexi tapos tumawa sila.

“Yun na si Mayabang o.” nakaturo pa saken si Grei kaya tumawa sila. Lumapit naman ako na dala yung mga pagkain at laruan

“Tsk. Mayabang pala a.” Sabi ko na badtrip kunwari tapos nilapag ko sa mesa nila yung dala ko.

“Aww. Away kayo?” Sabi ni Shei  tapos umiyak siya. Amp. Bakit?

“Lagot, Kuya mayabang! Pinaiyak mo si  Shei.” Nag-‘lagot’ din yung ibang bata sa sinabi ni Grei. Amp. Ba’t ako? Ako na nga nasabihan ng masama e.

“Shei.. Ano..” Nag-isip ako sandali ng sasabihin para tumahan pero umiyak na siya ng malakas.

“Teka. Shut up.” Tumigil si Shei sandali sa pag-iyak tapos umiyak lalo. Binatukan naman ako ni Grei.

“Ayusin mo, kuya mayabang!” Amp to a. Nakabatok pa saken. Pasalamat siya gwapo siya paglaki. Bwahaha.

“Shei. Joke lang.” nagpacute ako na nakatodo smile. Huminto nga siya  kaya natuwa ako tapos umiyak ulit. Amp. Pano ba magpatahan ng bata?

“Shei. Tahan na, anong gusto mo?” sabi ni Alexi pagkatapos niya kong tignan nang masama.

“Kiss.” Sabi ni Shei. Amp. Gusto lang pala makakiss ng gwapo e. Lumapit ako sa kanya pero napahinto ako.

“Kiss kayo.” Dagdag ni Shei.  Parang namula nga si Alexi kaya natawa ako.

“Kiss!” Sabi ni Grei tapos nakigaya yung mga bata. Amp. Mga bata ba talaga to? Ba’t ang daming alam?

“Aww. Ayaw niyo mag-kiss?” Sabi ni Shei tapos umiyak siya pati yung ibang bata. Amp. Ang ingay nila. 

“Teka. Eto na. Magkikiss na kami.” Sabi ko para tumigil sila. Nag-yehey naman sila na pumapalakpak pa. Tsk.

“Wait lang. Dusto ko nakaupo.” Sabi ni Shei tapos hinila niya kami dun sa may upuan na pinwesto niya ng magkaharap.

“Hoy. Kunwari lang to a.” sabi ni Alexi kaya natawa ako. Asa siyang tototohanin ko.

“You may kiss the blide.” sabi ni Grei dun sa may gilid namin kaya unti unti na kong lumapit kay Alexi. Natawa nga ako dahil pumikit pa siya. Tapos nun, naramdaman kong may nagtulak ng ulo ko kaya nagdikit yung lips namin. PUT@NGENA. 

Ninakaw ni Alexi yung first kiss ko. Para kay Liel  dapat yun e. >=|

“Yehey!” sabi ni Shei tapos nagpalakpakan sila.

“Anong nangyayari dito?” napatingin kami dun sa pinto.

“Wala po. Sister Era. Dinalan  lang kami ng food saka toys ni Ate Alexi saka ni kuya mayabang .” sabi ni Grei nang nakatodo smile. Amp. Kuya mayabang talaga? 

“Ah ganon ba. Maraming salamat sa inyong dalawa.” Sabi lang ni Sister tapos kumain na kami. Di nga kami nag-uusap ni Alexi dahil ewan ko din. Nakakailang? 

“Kuya mayabang, ano panyalan mo?” tanong ni Shei habang kumakain ng pizza.

“Aero.” Sabi ko lang dahil naiilang padin ako kay Alexi.

“Ah. Pareho kasi kayo ni Kuya G na gwapo e.” Yon o. Mabuting bata to. Honest e.  Bwahaha.

“Sinong Kuya G?” tanong ko dahil puro bata naman sila dito.

“Wala nyayon e. Minsan lang din punta dito.” Nagokay lang ako nun at uminom lang ng softdrinks. 

Pagtapos naming kumain, binigay na namin yung mga laruan.

“Ubos na e.” sabi ko nung si Grei na habang tinatago yung  baril-barilan sa likod ko. Natawa nga ako dahil tinignan niya ko nang masama tapos  bigla siyang nagsmirk at sinuntok  yung ano ko. PUT@NGENA. Baog na ko. =(

“Tago mo pa a.” Sabi niya nang patawa-tawa pagkakuha nung baril na laruan. Tumawa naman yung mga bata nun pati si Alexi. Amp. Inutos niya yun panigurado.  >=|

Pagkatapos naming ibigay yung mga laruan, nagpaalam na kami kay Sister pati dun sa mga bata. Ang kulet nga e. Balik daw ulit kami at bawal na daw kami magbreak. Tinawanan lang naman namin sila tapos lumabas na kami.

Paglabas namin ng orphanage, nakita pa namin si Gyptian sa may tapat. Kumaway lang siya kay Alexi tapos nagsmirk sakin. Di ko lang naman siya pinansin dahil may hangover pa ko sa ki-. Err. Sa sakit ng ano ko.

Pagtapos nun, sumakay na kami ng kotse. Tahimik lang nga kami dahil nakakailang padin.

“Teka. Hinto mo.” Napatingin ako kay Alexi at hininto yung kotse. Siya naman, bumaba ng kotse tapos pumasok dun sa may Greenwich. 

Sinundan ko siya hanggang sa tapat ng CR. Dahil pumasok siya sa cr ng mga babae, nagcr na muna ako tapos hinintay ko siyang lumabas.

“Bhie, eto na o.” Napatingin ako dun sa nagsalita dahil familiar yung boses. Zain? 

Tinignan ko yung tinatawag niyang Bhie. PUT@NGENA. Kailan pa naging sila ni Liel?

“Oi, tara na.” tinignan ni Alexi yung tinitigan ko. Ako naman, naglakad na palabas at hinintay siya sa kotse. 

“Inuman?” sabi ni Alexi pagsakay niya nang kotse tapos nagsmile siya.

“Tara.” Tumawa ako.

Ngayon alam niyo na. Di lahat ng gwapong tumatawa, masaya.

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon