Deviltale [#16]

15.2K 244 20
                                    

SIXTEEN


“Liel, Alam mo bang matagal ko nang sinisecret to?” tumigil ako at huminga nang malalim. Andito kami sa Greenwich dahil magtatapat  na ko ng nararamdaman ko para sa kanya.

“Alin?” tanong niya nang nagtataka.

“I-I love you, pwede bang manligaw?” yumuko ako habang tahimik lang siya tapos hinawakan niya yung kamay ko sa mesa kaya napatingin ako. 

“I’m sorry, Aero. Friends na lang tayo. Masaya naman tayo diba?” nagsmile siya. Amp. Parang nabasag yung puso ko sa sagot niya. Mas magiging masaya naman kami pag more than friends diba?

“Oo nga pre. Madami pa namang iba diyan e. Tanggapin mo nalang na mas gwapo ako sayo.” tumingin ako sa likod ko kung san galing yung boses. Nagsmirk si Zain sakin tapos pinuntahan niya si Liel. Tumayo naman ako at umalis na. Amp. Asa. Mas gwapo padin ako. Magbbreak din kayo, makikita mo. Bwahaha.

Pagtapos nun, umuwe na ko at nagpunta ng kwarto ko. Binuksan ko yung laptop ko para lagyan ng unhappy ending yung story na sinusulat ko.

THE END.



“Tara, Aero. Inuman na.” sabi ni Manang G kaya hinibernate ko na yung laptop. Yep. Nagsulat muna ako bago uminom. Eto kasi way ko para magexpress ng nararamdaman ko at makalimot na din sa problema. Oo, alam kong weird. Pero may kanyakanya namang weird side ang mga tao diba? At least ako, gwapo. Bwahaha.

Pagkahibernate ko ng laptop, lumabas na ko at nagpunta ng terrace. Dun kasi kami mag-iinuman nila Alexi. Sayang nga at wala sila Dad at Tita Mich dahil naghohoneymoon sila. Bwahaha. Joke lang. May date daw sila sa kung saan at overnight daw yun. Pero ayos na din yun dahil mang-aasar lang panigurado yung maangas kong ama.

Naupo ako sa tapat ni Alexi na binigyan ako ng baso.

“Ayos lang yan. Gwapo ka padin.” Sabi ni Alexi kaya natawa ko. Sabi na e. May pagnanasa sakin to. =D

“Oo nga, Aero boy. Kung ano mang problema mo, shot lang katapat niyan.” Nagshot ako pagkasabi nun ni Manang G. Astig din to e no? Tomadora kahit gurang na. Bwahaha.

Naginuman lang kami nun hanggang sa naramdaman kong may tama na ako.

“Ikaw kashi tol e, gwapo gwapo mo, torpe mo. Puchangina. Dapat dinaan mo  sa dahash shi Liel e.” natawa kami kay Manang G na lasing na lasing na. Adik e no? Iba talaga nagagawa ng alak sa mga tao. 

“Oo nga. Tol e. Gagu kashi ako e. Kaya eto, bashag tuloy pusho ko.” pagkasabi ko nun, nagblackout na ko sa kalasingan. 

“Ano Aero, panis pala kagwapuhan mo e. Masarap bang mabasagan ng puso?” sabi ni Gyptian nang tumatawa. Maya-maya, napalitan yung mukha niya ni Izzard.

“Di lahat ng nagmamahal ng tunay ay nagiging matagumpay. ” Sabi ni Izzard tapos napalitan siya nila  Zain at Liel.

“Musta pre? Alam mo bang mabenta si Liel humalik?” tumawa siya. Pucha. Binebenta niya si Liel?

“I’m sorry, Aero. Mas gwapo talaga si Zain sayo e.” sabi naman ni Liel tapos naghalikan sila. Tumalikod naman ako at tumakbo palayo sa kanila. Badtrip.

“Like, that’s ayos much lang naman e. I’m here pa naman. Still waiting para balikan mo.” sabi ni Yulary na biglang sumulpot sa harap ko.

“Indefinitely much, Aero. But if wanna something exotic, Goldy’s here on your server.” Sabi naman ni Goldy. PUT@NGENA. Tantanan niyo ko.

 Tumakbo ulit ako pero napahinto ako nung lumabas si Dad.

“Kung alam ko lang na mababasted ka, sana nagcondom  ako.” Sabi ni Dad tapos nun, lumabas silang lahat at nagsalita nang sabay sabay.

“T@ngena. Shut up.” yumuko  ako at nagtakip ng tenga. Pagkatapos ng ilang minuto, natahimik  na yung paligid kaya tinaas ko yung ulo ko.

Nakita ko si Bangs kasama si Tiara nung emo pa. Naka-L sign sa kamay sila tapos tumawa sila at napalitan  sila ni Alexi.

“Ayos lang yan, Aero. Gwapo ka naman e. Mahal na nga ata kita e.” pagkasabi niya nun, biglang lumiwanag at nagising ako.

Pagdilat ko ng mata, nagulat ako dahil ang lapit ng mukha sakin ni Alexi. Nakapatong pa ko sa kanya. Pucha. Anong nangyayari? Ginagahasa niya ko? O.O?

Nagtititigan lang kami ni Alexi hanggang  sa parang nag-init yung katawan ko at unting unting nagbeat yung..

“Aray.” Napaupo ako dahil binasag na naman ni Alexi yung favorite niyang basagin. Nawala tuloy yung kalasingan ko.

“Bastos.” Tumayo siya tapos sinara yung pinto ng padabog. Pucha. Anong ginawa ko?

 Sinundan ko siya dahil gusto kong malaman yung nangyari. 

“Teka lang.” Di niya ko napansin tapos parang nadulas siya at naoutofbalance. Buti nalang nasa likod ako at nasalo ko siya.

“Ayos ka lang?” tanong ko na pinipigil yung tawa ko.

“Oo.” Tumayo siya nang namumula. Amp. Ang ganda niya pala pag namumula. Oi, compliment lang  a.

“Sorry. Di ko alam ginagawa ko kanina e. May nangyari ba?”binatukan niya ko.

“Asa ka. Dinala lang kita sa kwarto mo tapos natumba ka sakin no.” ang badtrip ng itsura niya na parang namula kaya natawa ako.

“Weh. Sa gwapo kong to, di ka nagbalak?” binatukan niya ulit ako tapos parang aalis na siya kaya pinigilan ko siya.

“Joke lang. Wag ka mag-aalala, di ko nanakawin yang regalo mo sa asawa mo.” binatukan niya lang ulit ako at iniwan ako. Tsk.

Totoo naman e. Gwapo lang ako pero wholesome talaga akong tao. Sa dinami dami kasi na nag-aya sakin magganon, lahat tinanggihan ko. Naniniwala kasi talaga ako na ang pagkabirhen ng isang tao ay nirerespeto. Yun kasi yung pinakamagandang regalo sa honeymoon e. Bwahaha. Dumami ba alam ko? Di naman. Qinote ko lang yung sinabi ni Izzzard dati. Bwahaha.

Pero ngayon alam niyo na a? Wag muna gagawin yun sa di asawa kung gusto niyong mas maging masaya. Bwahaha.

Pumasok na ko ng kwarto ko dahil wala na kong gagawin sa labas. Nung nasa kama na ko, nagmusic lang ako para makatulog. Naalala ko nga yung tungkol kina Liel at Zain pero bukas na ko iiyak para di ko na kailangan ng eyedrops sa number three ng NTMSWDFM ni Alexi. 

Oo. Maniwala man kayo o hindi, umiiyak din kaming mga gwapo.  

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon