Deviltale [#3]

21.6K 350 31
                                    

THREE

"Thanks for the ride, Aero. Wag mong harassin si Alexi ha!” sabi ni Liel nang patawa-tawa pagbaba niya ng kotse. Amp. Wala man lang goodbye kiss. Tsk. Ang hirap talaga pag gwapong bestfriend lang o.

“Magdrive ka na nga!” sabi ni Alexi sa likod kaya tinignan ko siya may salamin.

“Opo, Boss. Pasalamat ka maganda ka.” Bola ko pero umirap lang siya. Sus. Kunwari pang di kinilig. =D

Nagdrive lang ako ng kotse habang binibigay niya yung direction papuntang bahay niya. Ayos nga dahil mukang kapitbahay ko lang siya. Pareho kasi ng way pauwe ko yung kanya.

“Dito na lang.” hininto ko na yung kotse tapos bumaba na siya. Tama ngang kapitbahay ko siya. Katabi lang kasi nung bahay nila yung bahay namin e. Nagmigrate na kasi yung nakatira dun kaya siguro nakalipat siya.

“Pwedeng magpasalamat.” Parinig ko pagbaba ko. Tinignan niya lang ako ng masama.

“Fine. Thank you. Okay na?” sabi niya na parang napilitan lang.

“Pano kung hindi?” joke ko para asarin siya. Ayoko pa kasi pumasok ng bahay dahil wala naman akong gagawin.

“Whatever.” Sabi niya lang tapos nung maglalakad na siya paalis, hinawakan ko yung braso siya para pigilan siya.

“Bitawan mo nga ako!” nabadtrip na yung itsura niya kaya medyo natawa ako.

“Gusto mong magdate?” no reaction lang siya sandali tapos humarap siya saken. Nagpacute naman ako tapos kumindat pa. Come on. Pumayag ka na para mainlove ka na saken at mabasag ko na yang puso mo. Bwahaha.

Nagsmile siya kaya medyo natuwa ako. Tapos nun, unti unti siyang lumapit saken.

“Mag-isa ka!” sabi niya tapos binasag na naman niya yung weakest point ng pagkalalake ko. AMP. Gusto niya bang idisable yung reproductive system ko? Badtrip. Susumbong ko nga siya kay Liel. Sasabihin kong sinasabotage niya yung honeymoon naming dalawa. =D

“Hoy-“ napatigil ako sa sabihin ko dahil wala na si Alexi. Nakapasok na siguro sa bahay nila. Tsk. Humanda talaga siya sa isang napakalupet na heartbreak. Sisiguraduhin kong magkakaphobia siya. Bwahaha. 

Dahil wala na nga si Alexi nun, binukas ko na yung pinto ng garage namin para ipasok yung kotse ko. Tapos nun, pumasok na din ako sa napakalungkot naming bahay. Tatlo lang kasi kaming nakatira sa bahay na to. Ako, si Manang G at yung step mom ko. Tapos every week, may dumadating na gardinero at katulong para mag general cleaning.

“Aero, buti nakauwe ka na.” sabi ni Manang G pagpasok ko ng bahay. Nagbless naman ako dahil siya yung nagpalaki at nag-alaga sakin.

“Gumaganda kayo manang a.” tumawa siya sa sinabi ko.

“Well, well, well. O siya, magbihis ka na at may paguusapan daw kayo ng TitaMich mo.” Umakyat naman na ko sa taas pagkatapos kong matawa sa kanya. Malamang nakarating na kay TitaMich, yung step mom ko, yung kalokohan ko. Epal kasing Alexi yun e.

Umakyat na ko sa kwarto ko at nagbihis.  Nagtaka nga ako dahil parang nakabukas yung shower tapos biglang tumigil. 

Dahil curious at gwapo ako, binukas ko yung CR para tignan kung anong meron.

“Oh my God!" sabi nung babaeng biglang nagtowel. TANGENA.

Sayang, nagtowel. =D 

Bwahaha. Joke lang. Gwapo ako pero di po ako manyak.

Sinara ko na agad yung pinto nung napansin kong may tao kaya wala ako masyadong nakita. Maya-maya, lumabas na yung babae.

“Ikaw?” 
“Anong ginagawa mo dito?”
“Dito nakatira?” 

Tanong naming dalawa nang magkasabay. Pucha. Sasabihin ko sanang kwarto ko to kaya lang biglang bumukas yung pinto  kaya napatingin kaming dalawa.

“Alexi. Maling kwarto pala tong-” Napatigil si Tita Mich sa sasabihin niya nung nakita niya ako. Tinignan ko lang siya nang nagtataka dahil di ko gets kung bakit magkakilala sila.

“Mam Mich. Buti dumating kayo. Sinilipan niya ko!” sabi ni Alexis na nagpunta pa sa likod ni TitaMich.

“Hoy.  Asa ka! Sinara ko kaya agad yung pinto!” sabi ko naman pero nagalit lang yung expression niya.

“Tignan mo na, sinara mo yung pinto.  Ibig sabihin binukas mo at sinilipan ako! MamMich, binastos niya ko.” Tumawa lang naman si Tita Mich sa sinabi niya. Bwahaha. Basag!

“Nako. Pasensya ka na, Alexi. Ako may kasalanan neto e. Saka diba sabi ko Tita Mich nalang?” sabi ni TitaMich kaya nagsmirk ako.

“Pero-“ aapila pa sana si Alexi kaya nagdecide na kong tapusin ang drama niya.

“Sorry na. Di ko naman sinasadya e. Wala akong nakita, promise.” Sabi ko nang siryoso. Totoo naman e. 

“Talaga?” tanong niya na nakataas pa yung isang kilay. Sus. Ayaw pang maniwala.

“Oo. Di naman porket maganda ka, sisilipan na kita.” natawa lang si Tita Mich sa sinabi ko kaya napatingin kami sa kanya.

“Ang bolero much. Anyway, since andito na rin naman tayo. Aero, this is Alexi.” Humawak si Tita Mich sa may balikat ni Alexi.

“Simula ngayon, kasama na natin siya dito sa bahay.” Dagdag niya. Tinignan ko lang naman si Alexi nun nang siryoso.

“Cool.” Sabi ko. Mas mapapadali ang pagpapainlove ko sa kanya. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon