Deviltale [#7]

18.1K 291 32
                                    

SEVEN


“Hoy. Gising na!”sigaw ko kay Alexi. Isa kasi sa mga gusto niyang ipagawa ay ang paggising ko nang maaga. Kapag nalate daw kasi ako ng isang beses sa school. Ikakalat niya yung pagiging writer ko. Pero wag kayo magalala. Di ko naman ginagawa to dahil takot akong ikalat niya yon. Madali lang naman kasi magdeny e. Saka pustahan, sa gwapo kong to, di maniniwala ang mga tao sa kanya. =D

Ang totoo kasi niyan, ginagawa ko to para mapalapit sa kanya at mainlove na siya saken. Tapos nun, babasagin ko na ang puso niya. Bwahaha.

“Teka, 5minutes pa.”Anak ng pucha. Kanina pa yang 5 minutes na yan. Nakakahalata na ko a.

“Sige ka, pag di ka tumayo, haharassin ko yang sexy mong katawan.”joke ko. Napatayo naman siya na nagtakip pa ng kumot sa katawan niya.

“Edi gumising ka din.”Nagsmirk ako habang siya, umirap lang at tumayo na papuntang Cr.

Narinig kong binukas niya yung shower. Ako naman, naupo lang sa may study table at nag-psp. Kaantok amp. Bakit ko ba kasi ginagawa to? Hay. Ewan. Basta, kailangan kong gumanti sa pangbabasag niya sa kinabukasan ng mga anak namin ni Liel. =D

After isang oras, pinatay ko na yung psp ko dahil nabored ako sa nilalaro ko. Tinignan ko yung palagid dahil di parin tapos si Alexi maligo. Amp. Ba’t ba kasi ang tagal maligo ng mga babae? Pareho lang naman ng mga lalake yung katawan nila a. Mas lamang pa nga kami sa body parts e. =D

Tumayo ako at nagpunta dun sa may shelves dahil may napansin akong isang libro. Kinuha ko naman dahil nacurious ako dun sa kulay pink na may butterfly pang design na nakasabit. Pagbukas ko sa page 1, may design na doodle tapos may nakalagay na doodle diary sa gitna. Astig. Titignan ko na sana yung next page pero..

“Pakielamaro”kinuha ni Alexi yung libro sa kamay ko. Nakatowel lang siya na medyo basa pa kaya namula ako. Sorry na. Nagulat lang.

“Bilisan mo magbihis.”Yun lang sinabi ko at lumabas na ko ng kwarto niya.

After ilang minuto, lumabas na din si Alexi kaya nagbreakfast na kami at nagpunta ng school. Pagdating namin ng school, may sumalubong samin na matabang babae na ngayon ko lang nakita.

“Friend!”sabi nung mataba kay Alexi paglapit samin.

“Wow. Ang ganda mo.”Sabi ni Alexi sa kanya na parang amazed na amazed. Tinignan ko naman yung mataba nang mabuti. Oo nga no? Kung payat lang to, hot to panigurado.

“Well, mana sayo eh.”Sabi naman ni mataba na pinapatalsik pa yung buhok niya tapos tumingin saken.

“Hi Aero.”Sabi niya nang nakasmile kaya nagtaka ako. Nagtransfer siguro to dito para makipagkilala lang saken. Tsk. Iba na talaga pag gwapo o. =D

“Sino ka?”tanong ko dahil di ko talaga siya kakilala. Tumawa naman sila ni Alexi.

“Ano ka ba, napuno na ba yang utak mo ng kahanginan? Si Tiara to.”Tinignan ko lang si Alexi sa sinabi niya tapos tumingin ako dun kay Tiara na nakasmile saken. Pucha. Oo nga.

“Di ka na emo?”gulat kong sabi dahil ibang iba na siya.

“Yep. Thanks to my friend here.”Hinawakan niya pa si Alexi sa kamay. Cool. Pwede pala magbago ang mga emo?

“Like, Oh myGodliness.”Napatingin kami sa may gate kung san nanggaling yung panget na boses. Si Goldy pala. Amp. Umagang umaga, eto sasalubong sayo.

“This is like, so much of animpossible much. Like,for all seriously,it’sthat you, Tiara?”Anak ng pucha. Sakit sa ulo ng dialogue niya.

“Yeah. Got a prob with that, faggot?”natawa ako kay Tiara dahil ngayon lang siya sumagot sa mga nambubully sa kanya tapos ang angas pa.

Don’t you, like, dare me, saying that word again.You’re like, so gonna beregrettable much over this, youemoterengpiglet.”Sagot ni Goldy kaya natawa ako nang malakas. Pa-slang pa kasi sa 'emoterang;. Sarap pa-slangin e. Bwahaha.

Tumingin sila saken kaya napatigil ako sa pagtawa..

“Sorry. Tuloy niyo lang.”sabi ko na pinipigil yung tawa ko.

“As. if.”Lumapit pa si Tiara ng todo sa mukha ni Goldy kaya natawa ulit ako.

“Let’s go, Alexi.”Nung paalis na si Tiara, hinawakan siya ni Goldy sa braso. Dalawang kamay nga yung ginamit niya dahil di kaya ng isa lang. Bwahaha.

“We are like, so notover than here yet, piggy.”Humarap si Tiara nun tapos kinalas yung paghawak niya kaya napatumba si Goldy.

“Tigil-tigilan mo ko kung ayaw mong madaganan.”napahawak lang sa bibig si Goldy na sobrang gulat yung itsura kaya natawa na naman ako. Natawa na lang nga din si Alexi habang naglalakad na sila palayo.

“Bye, George.”Asar ko tapos sinundan ko na yung dalawa papuntang classroom. Nung nakarating na kami sa second floor, nagcr muna ako dahil wala lang, trip ko lang. =D

“Sup, pre?”sabi ni Gyptian nung nagaayos ako ng buhok. Pucha. Eto na namang demonyong to.

“Ubos ulit?”tanong ko dahil yun lang naman lagi ang dahilan ng pakikipagusap niya saken.

“Woah. Chill lang, pre. Kakamustahin ko lang naman ang dati kong bestfriend e.”sabi niya nang patawa-tawa.

“Ulul. Ano bang kailangan mo?”sabi ko para matapos na to. Baka kasi ibalik na naman niya yung nangyari kay Bangs at mabadtrip pa ko.

“Ulul ka din, pre. Peram ako kotse. May date ako mamaya e.”sabi niya nang patawa-tawa. Kinuha ko naman yung susi sa bulsa ko at binigay sa kanya. Di lang kasi eto yung unang beses niyang hiniram yon kaya alam kong ibabalik naman niya.

“Isoli mo ng matino a.”sabi ko lang pagbigay ko ng susi.

“Thanks, pre. By the way, namimiss ka na daw ni Bangs.”Asar niya nang patawa tawa tapos umalis na siya.

Amp. Ba’t ba lagi nalang akong nabblackmail ng mga tao? Ganon ba talaga pag pinanganak na gwapo? =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon