Deviltale [#8]

17.3K 268 24
                                    

EIGHT


“Thanks, pre.”Binagay ko yung 100 kay Zain dahil ginawa niya ko ng assignment namin na essay. Ganyan yan e. Business minded kaya di pa nagkakagf. Pero ayos na din yun kesa naman maging sila pa ni Liel. =D

“No prob.”Reply niya. Tinignan ko naman yung essay na ginawa niya pero may kumuha galing sa likod ko.

“Nagpagawa ka?” sabi ni Alexi pagkabasa nung essay.

“Hindi, nagpaprint lang ako.”palusot ko at baka isumbong pa niya ko. Kj kasi masyado to e.

“Last na yan a.”binalik niya yung essay saken. Amp. Kala naman niya matatakot niya ko.

“Pano kung may next pa?”naglabas siya ng flashdrive.

“Ano yan?”tanong ko dahil di ko gets.

“Story lang naman ng isang gwapo. Ano nga ulit pangalan ng main characters dito? Letter A yun saka L e.”Sabi niya ng nakasmirk. Put@ngena. Binasa niya! AMP.

Tumingin ako sa paligid ko at baka may nakakarinig sa sinasabi niya. Siya naman, umacting na nag-iisip kunwari.

“Di ko maalala e. Pero anyway, sana magtino yung author neto para di to kumalat.”dagdag niya tapos dumating na yung teacher namin kaya naupo na ko. Amp. Kailangan kong makuha yung flashdrive na yun.

Naglecture lang si English teacher nun kaya tinulugan ko lang. Boring e. Ginising lang ako ni Izzard nung lunch na kaya tumayo na ko.

“Asaan si Alexi?”tanong ko kina Izzard, Zain at Liel. Nagtinginan naman sila.

“AYIII”Sabi ni Zain at Liel pagtapos nilang magtinginan.

“Ayiii.”Habol naman ni Izzard. Amp. Wala pa sa timing ang gagu.

“Ulul. Tara na nga.”Bumaba na kami para kumain sa canteen.

Like for allseriously, Yulary girl. I’m like, telling what’struth here right now.”Sabi ni Goldy sa may entrance.

“Padaan po.”Sabi ni Zain dahil nakaharang yung barkada nila sa dadaanan namin.

“Hi Aero. San si Alexi right now?”tanong ni Yulary sakin pero nag-shrug lang ako ng balikat. Di ko na kasi kinakausap yan dahil nababadtrip lang ako. Umiyak naman siya. Amp. Anong ginawa ko?

“I hate you much na talaga, Aero. Can’t we like, still be friends kahit mag-ex tayo?”sabi niya na may payakap yakap pa kay Goldy. Di ko lang naman siya pinansin at naglakad na paalis.

BASAG! Bwahaha. =D

Dumiretso na ko sa bilihan ng pagkain tapos naupo sa may table. Asan kaya yung Alexi na yun. Teka. Bakit ko ba hinahanap yon?

Kasi papainlove-in mo siya, Aero. Tama. Tama. Ang gwapo mo talaga. =D

“Alam ko ang iyong hinanap. Ang tunay na pagsinta’y mahirap mahagilap.”Sabi bigla ni Izzard sa tabi ko kaya napatingin ako.

“Gagu. Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo. Nakakabadtrip e.”tumawa naman siya at naupo sa tabi ko.

“Asan na yung dalawa?”tinuro lang ni Izzard sina Liel at Zain nang patawa-tawa habang bumili. Pucha. Nakakapagselos o. Ako dapat, kasabay ni Liel bumili e. Amp kasing Yulary. Ang epal, nawala tuloy ako sa mood.

“Ang pagtatago ng wagas na nararamdaman ay sadyang napakahirap mapanindigan.”Binatukan ko si Izzard. Pang-asar e. Tumawa lang naman siya tapos bumalik na yung dalawa.

Pagbalik nila, kumain lang ako habang nagkukulitan sila sa harap ko.

“Asan na ba si Alexi, Liel?”sabi ko para maistorbo sila sa pagkukulitan.

“Kasabay niya daw si Tiara e.”sagot ni Liel sandali tapos bumalik na ng tingen kay Zain.

“Bilis na. Isa pang joke.”Sabi ni Liel kasi kanina pa siya tawa ng tawa sa korning mga joke ni Zain.

“Okay, eto, bagong bago.”Sabi naman ni Zain habang nakatodo titig sa kanya si Liel. Amp.

“Anong sabi ng pinya sa mais?”tanong ni Zain. Pucha. Bagong bago nga a. Tsk.

Tumayo na ko nun at baka mainis pa ko lalo sa joke ni Zain.

“Cr lang ako.”Sabi ko at umalis na ng canteen. Narinig ko pa nga yung sagot sa joke ni Zain na “Edi anong tinitingin-tingin mo times ten times ten times ten.” Pucha. ANG KORNI NO? =D

Paglabas ko ng canteen, nakita ko yung barkada ni Yulary na parang may pinagtritripan na naman.

“So, it’s like, totoo nga. Emo-no-more ka na talaga, Tiara. Pero with offense meant lang huh, you’re an ugly baboy pa din e.”sabi niya tapos tumawa yung barkada niya.

Indefinitelymuch!”dagdag pa ni Goldy kaya tinignan siya nung barkada niya na walang reaksyon.

“What?”sabi niya pa. Badtrip lang e no? Bwahaha.

“Tigilan niyo na nga si Tiara.”Napatingin sila kay Alexi.

“Wala naman sa panlabas ng anyo yan e. Nasa panloob. Kaya kung ikukumpara sa inyo, sobrang ganda na ni Tiara.”Sabi ni Alexi pero tinawanan lang siya ng barkada nila Yulary.

“Like. oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh, oh Oh oh oh oh oh. Oh my gosh.”Kanta ni Yulary ng OMG-usher na may sayaw pa kaya nagpalakpakan yung barkada niya. Anim silang lahat e. May bago pang recruit na nerd na panigurado, taga-gawa ng assignment nila.

“That was so funny of you naman. Pabida much ka talaga no? Feeling mo naman magkakagusto sayo si Aero sa pagiging mabuti much mo. Dream on, girl. Because Aero is mine. In taglish, akin much lang.”Sabi ni Yulary.

Indefinitelymuch again.”Sabi naman ni Goldy na walang pumansin. Bwahaha.

“Edi iyong iyo na. Wala akong pake sa mayabang na yon no. Saka FYI, di ako pabida much.”Amp. Pinamigay ako? Humanda ka, pagsisihan mong ginawa mo yan.

“And oh yeah, you’ve got yourself a competion sa Student council presidency. Di ako makakapayag na ang isang maarte...”Nagtakip ng bibig yung barkada ni Yulary na may sound effects pa ng ‘HA?’

“…maldita.”Nag-‘HA’ ulit yung barkada ni Yulary sa sinabi ni Alexi.

“at higit sa lahat babaeng napakapanget na ugali ang magiging president ng student body.”

“HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA?”OA na react ni Goldy kaya binatukan siya ni Yulary.

Sila Alexi naman, umalis na. Aalis na din sana ako kaso nakita ko ni Yulary na parang iiyak na naman na palapit sakin kaya pumasok agad ako ng CR.

Astig ni Alexi a. Sarap maging girlfriend

at basagan ng puso. Bwahaha. =D

Deviltale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon